DOSE (PART II) ✝

27 19 2
                                    

DOSE (PART II) ✝

“Red Revenge”

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

HALOS hindi sila makapaniwala sa kanilang mga narinig. Hindi nila lubos akalain ang ipinagtapat sa kanila ng matanda. Matagal na panahon na magmula ng mangyari sa insidenteng iyon. Akala nila ay nilimot na ito ng lahat pero isang pagkakamali para sa kanila na limutin iyon. Iyon ang isa sa pinakamasamang bangungot para sa kanilang lahat.

Nang matapos iyong magkwento sa kanilang lahat, muling natuon ang mga tingin nito sa bawat isa sa kanila. Tila sinisiyasat ang buong pagkatao nila sa paraan ng pagtitig nito.

“Bakit hindi niyo tinulungan ang anak ko? Bakit hinayaan niyo lamang na patayin nila si Antonette?” naitanong sa kanila ng matanda na ngayon ay hindi napigilang hindi maging emosiyonal. Masakit para sa kaniya bilang isang ina ang insidenteng iyon.

“Patawad po Manang Rosario kung naduwag kaming lahat. Kung hindi naman nagawan ng paraan para ipagtanggol ang anak ninyuo. Natakot lang po kasi kami,” naging paliwanag pa ni Mikee rito.

“Sinubukan po naming siyang iligtas mula sa mga lalaki Manang Rosario ngunit wala po kaming naging laban sa kanilang lahat. May mga dala po silang baril at kutsilyo, napangunahan lamang po kami ng takot sa pangyayari,” sumunod naming nagpaliwanag si Sky.

Napatalikod sa kanila ang matanda. Muling napabuntong-hininga.

“Wala na tayong magagawa pa, kahit pa sisihin ko kayo sa nangyari, wala ng magbabago pa. Naiintindihan ko naman ang mga paliwanag ninyo,”

“Ngunit ito lang ang masasabi ko sa inyo, hindi na kayo ligtas sa lugar na ito. Hindi niyo kilala kung sino ang kasama niyo sa bakasiyon niyong ito.”

Napakunot ang mga noo nila sa sinabi ng matanda. Nalilito sila kung anong ibig nitong sabihin.

“Ano pong ibig ninyong sabihin Manang na hindi naming kilala ang kasama naming?” naguguluhang tanong ni Justin dito. Hinarap silang muli ng matanda.

“Hindi niyo kilala kung sino ang kasama ninyong si Anna. Ang Anna na kasa-kasama ninyo ay ibang tao.”

“Papaano pong iba Manang? Nakakalito naman po,” anang Sammy.

“Si Anna ay ang anak ko. Siya si Antonette,” halos malaglag ang mga panga nila sa kanilang narinig. Hindi nila inaasahan ang bagay na ito. Ngunit papaanong nangyari?

“Hindi ba’t kayo na nga po ang may sabing patay na ang anak ninyo. Na matagal ng patay si Antonette. Papaanong nangyari pong ang kasama naming si Anna ay si Antonette?” mahabang katanungan ni Sammy sa matanda. Antg lahat sa kanila ay seryosong nakikinig sa ikinwento sa kanila ng matanda.

“No’ng araw na malaman kong patay na ang anak ko, labis ang sakit at pagdadalamhating naramdaman ko. Ni hindi ko matanggap ang kaniyang sinapit. Marami pa akong pangarap sa kaniya, marami pa akong gusting maranasan niya sa buhay ngunit sa isang iglap lang ay mawawala lang din pala siya sa amin. Noong araw ng libing niya, nakiusap ako sa isang demonyo. Nagdasal ako at gumamit ng mga demonyong salita. Nakiusap ako sa isang demonyo na kung pwe-pwede ay ibalik niya sa akin ang anak ko. Na buhayin niyang muli si Antonette. Desperado na ako ng mga panahong iyon, wala na akong ibang inisip pa kung hindi ang maibalik sa akin ang anak ko, ang makasama ko siyang muli. Alam ko mang bawal at mali ay ginawa ko pa rin. Nagdasal ako sa isang demonyo na ibalik niya ang buhay ni Antonette at nangako siya sa akin na gagawin niya iyon. Mula no’n ay araw-araw na akong nagdadasal at nagbibigay ng alay sa kaniya kapalit ng pagbalik niya ng buhay ni Antonette,” mahabang pagpapaliwanag sa kanila ng matanda. Bukas ang mga bibig at hindi sila makapaniwala sa ipinagtapat sa kanila ng matanda. Hindi nila lubos maisip na magagawa niya ito.

Love, Antonette (Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon