OTSO
“Fearing the Unknown”
ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ
THE NEXT MORNING: WEDNESDAY
ALAS-OTSO palang ng umaga ngunit gising na ang lahat sa kanila. Unang lumabas ng kwarto si Maria at kaagad na napansing wala si Jex sa may sala kung saan ito natulog kagabi. Nailibot niya ang kaniyang mga mata sa buong bahay, nagbabaka-sakaling makita ang kaibigan pero hindi niya ito nakita. Dumiretso na lamang siya sa may banyo upang makapaghilamos.
Nang matapos, tumungo siya sa may kusina at doon nadatnan niya ang ilan sa kaniyang mga kaibigan na nagkakape. Binati naman siya ng mga ito sabay ngiti.
“Si Jex? Nakita niyo ba?” iyon ang kaagad niyang naitanong sa mga ito. Sabay naman silang napatingin sa may sala, kapagkua’y nagpalingo-lingo ito sa kaniya.
“Baka lumabas lang,” malimit namang sagot sa kaniya ni Justin habang tangan-tangan sa bibig nito ang isang piraso ng tinapay. Umupo naman sa tabi niya si Maria at nagtimpla rin ng kaniyang kape. Si Anna naman, nasa sala at hawak-hawak ang isang itim na libro habang nagkakape rin, nasa tabi niya naman si Mazy. Habang pukos na pukos silang nagkakape, napansin nila ang pagiging tahimik at hindi kumikibong si Mikee. Ni hindi ito nagsalita magmula pa ng kanina kaya naninibago sila sa kaibigan nila.
“Mikee?” tawag pansin ni Sammy dito ngunit tila hindi siya nito narinig dahil hindi ito kumibo man lang. “Mikee!” muli niyang tawag, mas nilakasan pa ang boses kaya medyo nagulat si Mikee rito. Taka niyang tiningnan ang mag kaibigan niya. Nakataas ang mga kilay na animo’y nagtatanong kung bakit. “Okay ka lang? Tila may iniisip ka? May problem ba?” kaagad niya itong tinanong sa kaibigan, labis na nag-aalala sa kinikilos nito. Hindi sila sanay dahil ang kilala nilang Mikee ay madaldal at kabaliktaran nito.
Natingnan siya ng seryoso ni Mikee. “Oo ayos lang ako. May sumagi lang sa isip ko,” dali-dali niya namang tugon sa mga ito. Tumayo siya habang bitbit ang basong may lamang kape at nagtungo rin ito sa may sala. Umupo sa may sulok.
“Anong nangyari do‘n?” anang Levi, tinutukoy ang kaibigang si Mikee na tila kakaiba ang mga kinikilos. Napakibit-balikat lang ang mga kasama niya sa kusina na ‘gaya niya ay wala ring ka ide-ideya.
ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ
ABALA ang lahat sa kanilang mga ginagawa nang mapansing hindi pa rin nila nakikita si Jex. Nag-aalala na sila kung nasaan ito at kung bakit hindi pa rin nila nakikita sa loob ng bahay. Apat na oras na ang nakalipas pero wala pa ring Jex ang kanilang nakita.
BINABASA MO ANG
Love, Antonette (Completed√)
HorrorAfter a mentally taxing school year, Sky and his friends were looking forward to a relaxing vacation. They had no idea that their trip would instead turn into a fight for survival. The group must use all of their knowledge and cunning to escape a r...