EPILOGO
“The Letter”
ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ
ONE YEAR LATER
ISANG taon na ang nakalipas magmula ng mangyari kay Sammy ang trahedyang ikinamatay ng mga kaibigan niya. Ang trahedyang pilit niyang kinakalimutan at ibinabaon na sa limot. Masakit pa rin sa kaniya ang nangyari. Nangungulila pa rin siya sa mga kaibigan niya. Ni hindi niya lubos matanggap na wala na ang mga ito at tanging siya lang ang nakaligtas. Ngunit malaki pa rin ang pasasalamat niya sa Poong Maykapal dahil sa ipinagkaloob nitong pangalawang buhay at pagkakataon para sa kaniya.
Sa nakalipas na isang taon, ang daming nagbago at nangyari sa buhay ni Sammy. Nabigyan niya rin ng magandang libingan ang lahat ng mga kaibigan niya.
Kasalukuyan siyang nasa sementeryo ngayon at dinadalaw ang mga puntod ng kaniyang kaibigan. Ngayon ang ika-walong anibersaryo ng pagkakaibigan nilang lahat. Ang araw na sana‘y ipinagdiriwang nila ng magkasama ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay mananatili na lamang iyong isang ala-ala.
Bibit ang mga bulaklak, isa-isa niya itong nilagay sa mga puntod ng kaniyang kaibigan. Hindi maiwasan ni Sammy na maging emosiyonal sa tuwing dumadalaw siya sa mga kaibigan niya. Gustuhin man niyang kalimutan ang mga nangyari ay hindi niya iyon magawa sapagkat bahagi na iyon ng buong buhay niya at ng kaniyang buong kwento.
“Guys, kumusta kayo riyan?” bulalas niya sa mga ito. Sa bawat araw na bumibisita siya rito, iyan ang unang salitang sinasabi niya sa mga kaibigan niya. Kinakausap niya pa rin ang mga ito na parang bang nabubuhay silang lahat.
“Alam niyo ba, miss na miss ko na kayong lahat. Ang mga tawanan natin, asaran at iyong mga bonding nating lahat. Miss ko lahat ’yon,” aniya pa. “Pero hindi ko sinasabing gusto ko ng sumunod sa inyo ha,” pagbawi niya sa kaniyang sinabi. Natawa na lamang siya sa kaniyang sarili.
Umupo siya sa may damuhan habang isa-isang tiningnan ang mga larawang nasa ibabaw ng mga lapida ng kaniyang mga kaibigan.
“Alam ko na kung nasa‘n man kayong lahat ngayon, alam kong masaya kayo. Salamat sa pagkakaibigan nating lahat. Sa mga pinagsamahan natin. Kung nandirito lang sana kayo, kung nabubuhay lang sana kayong lahat ngayon, siguro ang saya-saya natin.” Pinunasan niya ang mga luhang dumadagayday sa kaniyang mga pisngi.
Nang lumipas ang ilang oras ng pananatili niya sa sementeryo, naisipan na niyang bumalik sa tinitirhan niyang condo. Bago umalis, nagpaalam muna siya sa mga kaibigan niya.
“Babalik din ako sa susunod na araw. Bye guys,” pagpapaalam niya sa mga ito at kaagad na tinungo ang kaniyang kotse at dumiretso na sa kaniyang tinutuluyan.
ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ
NANG makarating siya sa kaniyang condo, agad siyang naligo at nagpalit ng damit. Pagkatapos, kinuha niya ang kaniyang laptop at binuksan iyon. Nang bumukas, tumambad sa kaniya ang nakaparaming balita ng mga nawawalang kabataan. Sa mga taong nakalipas, mas lumaganap at talamak na ang mga balita ng mga nawawalang mga kabataan. Isa ito sa mga hindi matapos-tapos na problema sa buhay ng mga tao.
Isa-isang binasa ni Sammy ang mga balitang iyon. Mula ng may mangyari sa kanila, mas napukaw ang interes ni Sammy sa mga ganitong klaseng bagay. In fact, isa na siyang ganap na detective at nagtatrabaho sa isang kilalang kompanya sa bansa. Ang kompanyang tumutulong sa mga tao upang malaman ang katotohanan sa likod ng mga kakaibang kaganapan.
Nang matapos niya iyong basahin, nagtungo siya sa kaniyang kusina upang makakuha ng makakain. Habang busy siyang gumagawa ng sandwich, namataan ng kaniyang mga mata ang isang aninong dumaan. Iniwan niya muna ang kaniyang ginawa at tiningnan ang paligid.
“May tao ba riyan?” sigaw niya ngunit walang sumagot. Napakibit-balikat na lamang siya at muling ibinalik ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. “Na miss ko lang talaga siguro ang mga kaibigan ko kaya kung ano-anong naiisip at nakikita ko,” naiusal niya sa kaniyang sarili.
Nang matapos niyang gawin ang kaniyang kakaining sandwich, tumungo siya sa may mesa at nagsimula ng kumain. Sa buong isang taon, mag-isang naninirahan si Sammy sa condo niyang ito. Ni hindi pa sumagi sa isip niya ang magkaroon ng boyfriend man lang dahil nasa trabaho ang kaniyang buong atensiyon. Para kasi sa kaniya, masaya na siya ng nag-iisa. Okay na siya ng ganito, ng tahimik na buhay.
ALAS NWEBE na ng gabi at hindi pa rin dinadatnan ng antok si Sammy. Nasa laptop ang buo niyang atensiyon ngayon habang pukos na pukos ang panood ng mga crime documentaries. Nakahiligan niya itong panoorin mula ng pasukin niya ang mundo ng pag-iimbestiga.
Habang nanood, isang pagkatok ang kaniyang narinig mula sa labas ng kaniyang condo.
“Sino ‘yan? Sandali lang,” sigaw niya at nagmamadaling tinungo ang pinto. Pagkabukas niya ng pinto, tumambad sa kaniya ang isang lalaki. Pulos itim ang suot nito.
“Sino po sila? Ano pong atin?” tanong niya rito ngunit hindi man lang ito sumagot o nagsalita man lang. Napaismid na lamang si Sammy sa inasal ng lalaki.
Tiningnan niya ang labas kung may kasama ba ito ngunit wala na siyang ibang nakita.
“Naku po, baka nagkamali lang po kayo ng kinatok na pinto,” lintanya niya rito. Akmang isasara na sana niya ang pinto ng marinig na niya itong magsalita.
“Kayo po ba si Sammy Salvacion?” malalim ang mga boses nito.
“Oo ako nga, bakit anong kailangan mo sa akin?” kyuryuso niyang tanong sa lalaki.
“Ipinabibigay po sa inyo,” tiningnan niya ang inilahad nitong bagay. Isang itim na sulat. Nagtaka naman siya at tiningnan ang lalaki.
“Kanino raw to galing? Wala naman akong inaasahang sulat,” tugon niya pa rito.
Hindi siya nito sinagot, sa halip ay umalis na ito sa harapan niya. Magkasalubong ang mga kilay niya ng isara ang pinto. Tila natataka at nawe-weirduhan siya kilos ng lalaki.
Tumungo siya sa may kama niya at inilapag doon ang natanggap niyang sulat. Sa harapan nito, may pulang rosas ang nakatatak.
“Kanino kaya ito galing?” aniya sa kaniyang sarili. Nagda-dalawang isip pa siya kung iyon ba ay bubuksan niya o hindi, pero sa huli naisipan niyang buksan ito upang mapawi ang intregang nararamdaman niya.
Dahan-dahan niya itong binuksan at sa loob nito, isang itim na papel ang kaniyang nakita. Walang pag-aalinlangan niya iyong kinuha at binasa ang nakasulat.
“Hindi pa tapos ang lahat. Muli kaming nagbalik upang ika‘y aming makasama.”
Basa niya sa laman ng sulat. Matapos niyang mabasa iyon, umihip ang malamig na hangin at nagpatay-sindi ang kaniyang ilaw.
Nang lumingon siya sa kaniyang likuran, hindi niya inaasahan ang kaniyang mga nakita. Nabitawan niya ang sulat nang makita ang mga kaibigan niya at sa kung sino ang nasa gitna nito. Nakita ni Sammy ang kaniyang sarili na nakatayo sa ng mga ito at wala ng buhay. Tadtad ng maraming butil ng basag na salamin ang kaniyang mukha at duguan.
“Nabangga ang minamaneho mong sasakyan Sammy. Sangkot ka sa nangyaring aksidente ilang araw na ang nakakalipas,” rinig niyang usal ng kaibigan niya. Nagpalingo-lingo siya ng makailang ulit at hindi naniniwala sa mga sinasabi nito. “Kaya sinusundo ka na namin.”
“Hindi! Hindi ‘yan totoo! Hindi maaari!”
WAKAS
BINABASA MO ANG
Love, Antonette (Completed√)
HorrorAfter a mentally taxing school year, Sky and his friends were looking forward to a relaxing vacation. They had no idea that their trip would instead turn into a fight for survival. The group must use all of their knowledge and cunning to escape a r...