DOS
“A Shadow in the Dark”
ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ
MAAGANG nagising ang lahat. Kaagad silang naghanda ng kanilang makakain sa agahan. Lahat may kaniya-kaniyang ginagawa.
“Ihanda niyo na ang lamesa, malapit na kaming matapos dito,” usal sa kanila ni Maria na kasalukuyan ngayong nasa kusina at nagluluto ng kanilang makakain kasama ang dalawa niya pang kaklase. Sina Justin at Sammy.
Nang maluto na ang kanilang pagkain, inilapag na nila ito sa mesa at nagsikain na rin silang lahat. Mabuti nalang at marami ang nadala nilang pagkain, sapat na para sa pananatili nila sa lugar.
“Si Anna?” biglang tanong ni Sky sa mga kaklase ng mapansing wala si Anna sa kusina kung saan sila kumakain ngayon. Madalang lamang itong sumasabay sa kanilang lahat.
“Kanina nakita ko siya sa may sala, nagbabasa na naman,” direktang naisagot sa kaniya ni Sammy. Hindi na bago pa sa kanilang lahat ang ugali ni Anna, palagi lamang kasi itong nag-iisa at tanging kasama niya lang ay ang mga libro niya.
“Puntahan ko muna siya,” anang Sky sa kanila at kaagad na tinungo ang sala kung nasaan naroroon nga si Anna. Pukos na pukos na nakatutok sa kaniyang libro.
“Hindi ka ba sasama sa amin na kumain?” tanong sa kaniya ni Sky, napalingon naman ito sa kaniya.
“Mamaya na lang ako, hindi pa rin naman ako nagugutom. Salamat,” tugon pa nito sa kaniya. Binalik niya rin kaagad ang pukos niya sa librong binabasa.
Hindi na nag-abala pang magsalita si Sky dahil alam niyang hindi ito masiyadong nakikipag-usap sa kanila. Bumalik na lamang siya sa kusina para ipagpatuloy ang kaniyang pagkain.
Habang sila‘y kumakain, hindi nila naiwasang mapag-usapan ang mga gagawin nila ngayong araw. Ito ang unang araw nila sa bayan. Unang araw kaya excited sila.
“Nga pala, maitanong ko lang Maria, sino ba iyong matanda kagabi? At bakit nasabi niya kagabing mag-ingat daw tayo?” muling naalala ni Mazy ang sinabi ng matandang nakita nila kagabi. Iyon ang kagabi at kanina pa bumabagabag sa utak niya. Natingnan naman ng lahat si Maria at hinhintay rin ang magiging sagot nito.
“A iyon ba, si Manang Rosario iyon ang caretaker ng bahay namin. Matagal na siyang nagtatrabaho sa pamilya namin at siya na rin ang pinabantay ni Daddy dito sa bahay. At tungkol doon sa sinabi niya, huwag niyo nalang isipin iyon, ganoon talaga si Manang sa tuwing may bago siyang nakikitang mga tao,” mahabang pagpapaliwanag nito sa mga kaibigan niya na agad rin naming napatango-tango.
“Well maiba tayo, may plano na ba kayo kung anong gagawin natin ngayon? Swimming?” panimulang sabi ni Jex sa mga kasama niya.
“Huwag na muna tayong maligo, maglibot-libot na muna tayo sa lugar,” suhestiyon naman ni Stacy rito.
BINABASA MO ANG
Love, Antonette (Completed√)
HorrorAfter a mentally taxing school year, Sky and his friends were looking forward to a relaxing vacation. They had no idea that their trip would instead turn into a fight for survival. The group must use all of their knowledge and cunning to escape a r...