ONSE (PART I) ✝
“Run for your Life”
ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ
HABOL-HABOL ang kanilang mga hininga, kaagad nilang isinara lahat ang pintuan ng buong bahay maging ang bintana nito. Napaupo nalang ang iba sa kanila sa sahig dahil sa labis na pagod dahil na rin sa ginawa nilang pagtakbo.
“Sino ang taong iyon? Sino ang pumatay kay Stacy?” sunod-sunod na nagpakawala ng mga katanungan si Sammy sa lahat ng kaibigan niya.
Mababakas mo ang kaba, takot at maging ang gulat sa bawat isa sa kanila. Tila hindi nila lubos inaasahan ang kanilang nasaksihan kani-kanina lamang.
“All of us have no idea who the hell is that. Ang tanging malinaw lang sa atin ngayon ay pinatay niya si Stacy and probably siya rin ang nasa likod ng pagkamatay ni Jex,” anang Levi naman sa kanila.
While everyone of them were busy talking about the things that are now happening to them, nakarinig sila ng katok sa labas ng pinto nila kaya kaagad silang natahimik at pinakiramdaman ang buong paligid. Tiningnan ni Justin ang butas ng pinto at mula doon, nakita niya si Anna, ang kanilang kaibigan. Hindi man lang nila napansin na hindi na pala nila ito kasama ng tumakbo sila kanina. Naiwan nila ito.
“Sinong nasa labas? Is that the killer?” bulalas naman ni Mazy dito.
“Si Anna,” malimit nitong naging sagot at dali-dali nilang binuksan ang pinto at pinapasok ang kaibigan. Muli naman nilang isinara ang pinto.
“What happened to you Anna? Saan ka ba nanggaling?” usisa sa kaniya ni Maria.
Hindi nila ito narinig na nagsalita, sa halip ay natuon ang mga tingin nila sa may kanang tagiliran nito ng mapansin nilang may sugat pala si Anna. Tumutulo na ang dugo mula rito.
“Justin, go get the first aid kit,” utos ni Sammy dito na kaagad niya namang sinunod.
Pinaupo nila si Anna.
“Saan ka ba galing Anna? Bakit nasa labas ka pa?” si Sky naman ang nagsalita na halatang problemado na sa mga nangyayari.
“Sa labas lang, kasama niyo ako kanina sa paghahanap kay Stacy pero nahuli lang ako,” sagot naman nito.
“But what happened, bakit nagkasugat ka?” muli nitong tanong sa kaibigan.
“Pabalik na sana ako no’n ng bahay dahil napansin kong nagtatakbuhan na kayo, and while I’m on my way, nagulat na lamang ako ng may biglang humablot sa akin sa dilim. Sinubukan kong pumalag sa kaniya kaya lang sinaksak niya ako, mabuti nalang at nakagawa pa ako ng paraan upang makatakas sa kaniya.”
“Sino siya ang tinutukoy mo?” Sky.
“The killer. The one that killed Stacy, sinubukan niya rin akong patayin ngunit hindi siya nagtagumpay. Swerte ko at natakasan ko pa siya.” Natigil muna sa pagsasalita si Anna dahil ngayo’y ginagamot na siya ni Sammy. Hindi naman gaanong kalaki at kalalim ang kaniyang sugat kaya madali lamang nila itong nagamot.
BINABASA MO ANG
Love, Antonette (Completed√)
TerrorAfter a mentally taxing school year, Sky and his friends were looking forward to a relaxing vacation. They had no idea that their trip would instead turn into a fight for survival. The group must use all of their knowledge and cunning to escape a r...