Alexa's POV
I took a deep breath and looked in the mirror. I look like a drenched motherless kitten. My eyes were puffy and my mascara was also smeared on my cheeks.
Nabaling ang atensyon ko sa pinto nang makarinig ako ng katok kaya agad kong inayos ang aking sarili at nagpulbo.
"Hey," bati ko kay Detective Costello nang pagbuksan ko siya. Sinalubong ako ng kaniyang mga mata kaya agad kong ibinaling sa ibang bagay ang paningin ko dahil hindi ko mapigilang mahiya sa aking itsura.
"Okay ka lang?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko.
Sa tingin niya ba na okay lang yung taong naghahanap ng nawawalang kapatid?
Hindi na lang ako umimik at bumalik sa pagkakaupo sa harap ng kaniyang mesa. We're not yet done talking. I still want to know more about what happened and I want my sister back.
Hindi ko namalayang nagsimula nanamang mamuo ang luha sa gilid ng mata ko. Napatingin ako sa kaliwang balikat ko nang maramdamang may iniabot sa 'kin ang tanging kasama ko ngayon.
It's a light-blue, embroidered handkerchief.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang kaniyang panyo at nagpasalamat. Bumalik naman siya sa kaniyang swivel chair at umayos ng upo.
"Nasabi ko na lahat ng kailangan kong sabihin. We're still finding clues so you can go home now and take some rest. Alam kong hindi madali ang pinagdaraanan mo ngayon, but you have to let us handle this," saad niya. Napatango na lang ako at aktong ibabalik ang kaniyang panyo pero tumanggi ito.
"But since you're already here..." Inayos niya ang kaniyang tindig at lumapit sa akin dahilan para makaramdam ako ng kaunting pagkailang. "...may I ask some questions?"
I bobbed my head and straightened my seat.
"May mga kilala ka bang kaaway ng kapatid mo? O baka kagirian? Love rival?"
"Cammie's the most cheerful person I know at never kong nabalitaang nagkaroon siya ng interes sa iba. She's friendly and happy-go-lucky. She's a bubbly person at kung may kaaway man siya, I know she'll always find a way to resolve things quickly," pagtanggi ko.
"She can't keep a secret kaya confident akong wala pa siyang napupusuan."
Bumuntong hininga si Detective. "Ganiyan din ang statement ng mga kaibigan at katrabaho niya. Wala rin kaming mahanap na makapagtuturo kung sinong nakaalitan niya na pwedeng gumawa nito."
I rubbed my temple in frustration and heaved a depressive sigh.
Why would anyone want to silence my sister? Argh, hindi ko na alam.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang makarinig ako ng vibration. It's the detective's private phone. Pinanood ko siyang pulutin at sagutin ang tawag. Sinenyasan naman niya akong tumahimik kaya napa-irap ako.
Wala akong balak manira ng conversations ng ibang tao. Hindi ako pinalaking bastos.
"Yes, this Detective Costello of Pirili's Police Department..."
Ilang minuto rin siyang nakinig sa kung sinong nagsasalita sa kabilang linya. "Alam ko at ginagawa ko lahat ng makakaya ko so please stop calling every hour Alec-"
Pinanlakihan ko siya ng mata at agad hinablot sa kaniya ang phone. Narinig kong nabigla si Detective sa ginawa ko pero hindi ko siya binigyang pansin.
I should've known!
"Alec!" sigaw ko sa telepono at hindi na napigilang ilabas ang kaba at sama ng loob na kanina ko pa iniinda.
"Cammie's missing."
BINABASA MO ANG
The Harvest [Unedited]
FantasyAlexa Saunders, a 27-year-old N.B.I Agent with a traumatic past, has to come back to the province when the news about her cousin's disappearance reached the local headlines. Two days. No traces. It's as if the 19-year-old obnoxious teenager just dis...