Cammie's POV
Makulimlim ang kalangitan ngayon, nagbabadya ang malakas na buhos ng ulan. Hindi nga ako nagkamali dahil hindi kalaunan ay may mga patak na ng ambon sa bintana kung saan ako nakasilip.
Sa aming dalawa ni Alpheus, ako lang ang tumuloy dahil hindi raw niya kursunada ang Theology matapos kong ipaliwanag sa kaniya kung ano 'yon. Hindi ko naman siya makita ngayon dahil bumalik siya sa pagiging reaper pero sinigurado naman niya saking babantayan niya ako ng maigi.
"Ms. Villareal?"
Iniayos ko ang sarili at tumingin sa harap. Carmela Villareal ang pinili kong bagong pangalan.
"Ma'am?" kinakabahan kong tanong sa kaniya. Nakatingin na pala lahat sakin ang mga classmates ko. Napalunok ako at inihanda ang sarili dahil mukhang mapapagalitan nanaman ako. Pero nagkamali ako dahil ngumiti siya sa'kin at inanyayahang magtungo sa harap.
"I want to recognize your efforts in making this plate in such a small amount of time. Nakakamangha ang iyong talento sa pagguhit," puri niya sa gawa ko at ipinakita ang buong plate klase.
Kahapon, binigyan niya kami ng takdang-aralin. Gumuhit daw kami ng frontyard designs kaya ang naisip ko ay 'yong sa harap ng palasyo ni Alpheus. Kung tama ang memorya ko, napapaligiran ng mga rosas at iba't-ibang bulaklak ang bakuran niya. Meron ding eleganteng fountain sa gitna.
Nabalot ng mga 'ooh' at 'wow' ang buong silid at hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya, pero hindi rin makakatakas sa gilid ng mga mata ko ang simangot ng ilan.
'Pabida' rinig kong bulong ng iba.
Sanay naman na ako sa mga ganiyan noong nabubuhay pa ako kaya hindi na bago ang mga ganap na ganito. Ang mahalaga ay nagawa ko ang gusto kong gawin, at nakatanggap ng papuri sa totoo kong talento. Si ate, kuya, at daddy lang nakakaalam ng hilig ko sa pagguhit. Nahihiya kasi talaga akong ipaalam sa iba ang tungkol dito.
Bumalik na ako sa pagkakaupo nang may sumipa sa upuan ko. Hindi ko na lang siya pinansin at
ipinagpatuloy ang pakikinig sa guro hanggang sa matapos ang buong klase.Mag-isa kong tinahak ang daan papunta sa cafeteria. Nakakabagot pala kapag hindi ko kasama si Alpheus. Nasanay na'ko sa presensya at pagbubugnot niya. Pakiramdam ko tuloy wala akong ganang mag-aral kung hindi siya kasama.
Abala ako sa paglalakad at pag-iisip kung binabantayan ba niya ako ng maigi nang biglang may humarang sa dinaraanan ko. Babae siya, base sa suot niyang high heels. Napabuntong-hininga ako. Nandito nanaman tayo sa walang sawang pambubully.
"Excuse me," sambit ko nang hindi tumitingin sa gawi niya nang bigla niyang higitin ang pulsuhan ko. Kung ako ang tatanungin, gusto kong manlaban pero hindi rin naman pwede dahil baka wala kaming maimbestigahan ni Alpheus kung sakaling mareport ako sa guidance.
"Carmela Villareal, right? The new transferee? I'm Cheska from section A. Nabalitaan kong magaling ka raw gumuhit. Totoo ba?" pagpapakilala niya. Halatang iritado siya sa'kin dahil sa tono ng pananalita niya. Agad kong binawi ang pulsuhan ko at tumingin sa kaniya.
"Oo. Huwag kang mag-alala sa standing mo Cheska. Magiging class salutatorian ka pa rin naman dahil malay mo bukas, patay na'ko," aniko dahilan para matuod siya at manigas. Tama lang 'yan sa kaniya. Madalas siyang maikwento sa'kin dahil kaklase niya si Sandy, ang class valedictorian nila. Pumapangalawa lang siya dahil 1.23 ang GWA ng kaibigan ko last sem.
"Nagpapatawa ka ba? Si Cheska na ang running for valedictorian," sabat ng isa sa kaibigan niya.
Nagkunot ang noo ko. 'Natalo niya si Sandy?'
BINABASA MO ANG
The Harvest [Unedited]
FantasyAlexa Saunders, a 27-year-old N.B.I Agent with a traumatic past, has to come back to the province when the news about her cousin's disappearance reached the local headlines. Two days. No traces. It's as if the 19-year-old obnoxious teenager just dis...