XXVII

25 4 0
                                    

Acheron's POV

After Cocytus' sudden burst, Eridanos appointed me to accompany Alpheus and Cammie in their human forms, which I promptly accepted. Alam kong hindi kakayanin ni Alpheus kung sakaling lumusob muli si Phlegethon, and I can't shake the feeling that would happen soon.

Pero parang pinagsisisihan ko na pumayag ako sa utos niya.

"Where are we really going?" tanong ko kay Alpheus habang bagot na tumingin sa labas ng tren. If really not for him, hindi ako sasama.

I heard him grunt, halatang nababagot na sa tagal ng biyahe namin. Kasalanan naman niya kung bakit kami narito ngayon. Kung siya na lang sana ang nag-isip ng pwede naming gawing memorya ni Cammie, hindi sana ganito.

"Hindi ka kasi nakikinig sakin Acheron," sulpot ni Cammie at isiniksik ang sarili kay Alpheus. Ibinuklat niya ang isang pamphlet at tinuro ang isang larawan ng dagat. 

"Sa dagat ang punta natin. Hindi pa ako napupuntahan pero matagal ko nang gustong mag-uwi ng shell mula do'n. Sabi niyo ten days na lang ang ititira ko sa mundo kaya susulitin ko na."

"Kung talagang maganda nga ang tinutukoy mo, bakit walang taong pumupunta sa beach na 'yon? Even this train has little to no passenger," nagsalubong ang kilay ni Alpheus nang tanungin niya iyon. "Usually people will flock there if it's really pretty. It's human nature to like beautiful things and keep it to themselves if they can."

"Aba'y malay ko? Bakit hindi sila ang tanungin mo?" sagot ni Cammie at napasimangot sa pagbuburyo ni Alpheus. Ibinaling niya ang tingin sa hawak niyang papel at huminga ng malalim.

"Hindi naman kasi itong beach na 'to ang tinutukoy ko. Yung beach na sinasabi nilang haunted ang gusto kong puntahan, malapit lang sa tourist spot 'yon."

"Haunted?" pag-uulit ko kaya napatingin sa gawi ko si Cammie na mas lumawak ang ngiti. Tumango siya sa 'kin at alam kong magsisimula na siyang magkwento nang lumipat siya ng upuan at lumapit sa akin. 

"Nakita ko sa internet na may umiiyak daw tuwing gabi, tapos may barko pa raw minsan na lumilitaw. Nawawala raw ang ibang mga bumibisita at ang hinala nila, kaluluwa ng isang babaeng nalunod ang salarin sa lahat. Sigurado akong totoo ang mga sinasabi nila," paliwanag niya at nagtungo sa bintana ng tren.

"Humanda na kayo, malapit na tayo," dagdag pa niya, halatang sabik na sabik.

Halos labindalawang minuto pa kaming nagbiyahe bago bumaba ng tren. Hindi ko maiwasang igala ang tingin ko sa paligid dahil ilang daang taon na rin akong hindi bumibisita sa mundo ng mga mortal para magmasid. 

Humans really develop the world so fast. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nilimot na nila ang mga diyos at diyosa. Tama nga si Hekate nang ibalita niyang tingin ng mga tao ay kaya na nilang mabuhay kahit walang basbas mula sa mga nakatataas.

Pinanood ko kung paano hilahin ni Alpheus si Cammie nang muntik na itong masagasaan ng isang malaking sasakyang may karga ng malalaking troso. Hindi rin makakatakas sa akin kung paano niya sermonan ang dalaga dahil sa kapabayaan niya. 

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa destinasyon nami nang may maramdaman akong kakaiba. Alam kong naramdaman din iyon ni Alpheus dahil kusa siyang lumapit sa kinaroronan ko habang magkasalubong ang kilay. 

"You feel it too, don't you?" bulong niya habang pinapanood si Cammie na makipag-usap sa isang tindero ng malalapad na sumbrero. 

Tumango ako sa kaniya at ibinuka ang bibig ko nang biglang sumulpot si Cammie sa harap naming dalawa.

"Bagay ba?" 

"It suits you well. Bumagay siya sa suot mong bistida. You really like yellow, huh?" nakangiting sambit ni Alpheus at tumawa ng marahan nang ibaba ni Cammie ang sumbrero para takpan ang kaniyang mukha.

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon