Acheron's POV
Cammie's soul is getting weaker as the days go by. Mas lalong tumindi ang mga basag sa kaniyang kaluluwa at ang tanging pumipigil sa tuluyan niyang paglaho ay ang ritwal na ginawa ni Alpheus sa kaniya.
Hindi iyon alam ni Cammie, and we're not planning on telling her anything.
Pinapanood ko lang silang dalawa ni Alpheus buong magdamag. Napagkasunduan namin na sasamahan ko silang dalawa hanggang dumating ang araw ng aming paglusob kay Phlegethon at ang araw na maibabalik na namin si Cammie sa mundo ng mga mortal.
Pansin ko ring palapit ng palapit ang loob ni Alpheus sa dalaga pero wala kaming magagawa, maliban na lang kung pagkakalooban siya ng mga diyos at diyosa ng karapatang mamuhay kasama ang isang reaper na tulad namin. Pero malabo, pagkat anak ni Hades si Alpheus.
Nagawi ang atensyon ko sa kanilang dalawa nang gumalaw si Cammie sa pagkakasandal sa balikat ni Alpheus.
"Should we cancel this trip?" I heard Alpheus whisper as he shifted his body to make Cammie sleep more comfortable. Umiling lang ang dalaga sa kaniya habang nakapikit at bahagyang ngumiti.
Napabuntong-hininga ako at muling ibinalik ang tingin sa bintana ng bus na lulan namin. I could've just transformed into my reaper form but that would compromise our mission, baka matunton pa kami ni Phlegethon.
Speaking of him, I wonder why he returned one of Cammie's earrings. In order to mark the curse of death on a soul, he must take one of the victim's prized possessions and, knowing Cammie, hers would be that earring.
Maybe he's giving up Cammie's soul to honor the agreement between his brother? Hindi ko alam.
I squeezed my eyes shut as I remembered our fight the other day. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa rin kung sasabihin ko ba sa kapwa ko reapers ang tungkol sa mga sinabi niya, na pinili niyang unahin ang kaligtasan ko at ni Cammie.
What he did was cowardly and greedy, but that is the only way we could avoid our demise. Kung ako ang tatanungin, he's quite bold for demanding our safety when Phlegethon himself can just obliterate us on the spot.
That's Phlegethon's weakness. He cares too much, and he loved his brother dearly.
But what could have happened to him all these years?
Bakit sa tagal niyang nagtatago, ngayon niya pa naisipang maghasik ng lagim?
"Anong oras na ba?" mahinang bulong ni Cammie at nagkusot ng mata.
Tumingin muna ako sa makulimlim na ulap bago sumagot. "About five in the morning."
"Sure 'yan?" Inilabas niya ang isang maliit na kahon sa kaniyang bulsa at nanlaki ang mga mata. "Manghuhula ka ba Acheron? Bakit mo nalamang alas singko na eh wala ka namang relo at cellphone?"
"I don't need human technology to tell the time, Cammie," I snorted as she smiled widely. "We gods and goddesses study time and space naturally."
"I like your smile," biglaang sabat ni Alpheus kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya. Mas lalo lang lumawak ang mga ngiti ni Cammie at kapansin-pansin ang kaniyang pamumula.
"Akala ko talaga nung una, hindi tatalab sa 'yo ang mga ngiti," she said grinning from ear to ear. "Ikaw din, dapat mas ngumiti ka pa. Libre naman."
I just ignored their gibberish talk and focused on the scenery outside. The wide field of flowers somehow reminds me of how desolate and barren the kingdom of the Underworld is.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit. Tunay na pinagpala ang mga mortal dahil tinatamasa nila ang mga bagay na ito kahit na mas mababa sila sa aming mga diyos.
BINABASA MO ANG
The Harvest [Unedited]
FantasyAlexa Saunders, a 27-year-old N.B.I Agent with a traumatic past, has to come back to the province when the news about her cousin's disappearance reached the local headlines. Two days. No traces. It's as if the 19-year-old obnoxious teenager just dis...