XIX

26 7 7
                                    

Cammie's POV

"Are you aware that reapers can see the color of your soul?"

Napatingin ako sa gawi na Alpheus. Abala siya sa pagbabasa ng diyaryo na nilabas lang kanina.

"Hindi ako reaper kaya hindi ko alam," sagot ko at sumimsim sa smoothie na binili ko. Kasalukuyan naming hinihintay si ate na lumabas sa headquarters nila.

Matapos ang gabing nagpakita si mama sa anyo ng isang nakakatakot na fury, hindi na namin siya ulit mahagilap. Sinubukan siyang hanapin ni Acheron samantalang ipinagpatuloy naming dalawa ni Alpheus ang pagmamanman kay ate Alexa.

Nabanggit din nila na mas magiging delikado kung nararamdaman ng mga furies ang presensya namin, lalo na ng kaluluwa ko. Kaya heto kami ngayon, nagkatawang tao kaming dalawa ni Alpheus samantalang nanatiling reaper si Acheron kaya hindi siya nakikita ng mga tao. Pero tiniyak naman ng kasama ko na hindi kami makikilala kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Your soul is pure and white, like the first drop of snow. Maybe that's the reason why I'm so eager to know more about you," pagpapatuloy niya. Hindi ko man maintindihan ang kaniiyang sinasabi, nakaramdam pa rin ako ng kaunting pagkahiya.

"Ano bang sinasabi mo? Ako lang to, si Cammie," aniko at mabilis na hinigop ang laman ng baso na siyang lubos kong pinagsisisihan.

Napapikit ako ng husto at napagawak sa magkabila kong sintido. 'Brain freeze!'

"Okay ka lang?" Inabutan niya ako ng tubig. Anong gagawin ko sa tubig?!

"Yep!" pinilit kong ngumiti sa kaniya habang hinihilot ang ulo. Hindi ko alam na kahit pala nagkatawang tao lang ako ay makakaramdam pa rin ako ng physical pain.

"Ayan na si ate," bulong ko sa kaniya at tinuro si ate Alexa na mabilis na sumakay sa sasakyan. Bigla naman akong sinita ni Alpheus sa ginawa ko.

"Useless ang pagbubulong mo kung ituturo mo 'yong tao. Mas lalo naman tayong mapaghahalataan sa 'yo," sambit niya at tinupi ang papel na hawak. "Let's go?"

"Ayy, ma'am!" Napalingon ako sa waitress nang pumunta siya sa harap ko habang naghihingalo. Iniabot niya sa 'kin ang 900 na sukli ko sa smoothie. "Su-sukli niyo po."

Napakamot ako sa ulo ko at ngumiti sa kaniya, "Keep the change na lang po. Tips ko na lang po 'yan."

Namilog ang kaniyang mga mata at sinubukan pang tumanggi pero tinanggihan ko rin siya. Isa pa, halos dalawang linggo na lang naman na ang ititira ko sa lupa, hindi ko na kailangan ng maraming pera.

Umalis na kaming dalawa ni Alpheus sa tindahan pero nararamdaman ko parin ang mga sulyap na ibinabato niya sa 'kin. 'May gusto ba siyang sabihin?'

"Hmm. Why did you give her that much? She did not work hard for the money, therefore, she did not deserve it," may halong pagtataka sa boses ni Alpheus. Alam kong masyadong malaki 'yong tip, pero si Florence kasi 'yong waitress.

Matagal ko na siyang kaibigan pero hindi tulad kong pinanganak sa maperang pamilya, kailangan niyang magtrabaho para makapag-aral. May tatlo rin siyang kapatid na pinag-aaral kaya ayun. Matagal ko nang sinasabi sa kaniya na gusto kong maging sponsor niya ako pero hindi siya pumapayag. Ang dahilan niya, baka magkaroon daw ng pagbabago sa pagkakaibigan namin.

Kaya rito na lang ako babawi sa kaniya. Kahit papaano, pwede ko pa siyang matulungan.

"Hindi ko na kailangan ng maraming pera Alphe-Alphonse, mas kailangan niya 'yon," sagot ko nang hindi siya tinitignan. "Tara na, baka hindi na natin maabutan si ate!"

"Don't worry, Acheron is trailing her. But I still don't see why you have to give her much when it gains you nothing."

Napabuntong-hininga ako at napatigil sa paglalakad. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na hindi ko rin alam kung bakit madali lang sa 'kin magbigay ng malaking pera? Siguro dahil marami naman akong maibibigay?

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon