XIV

31 9 14
                                    

Alexa's POV

Rolando himself greeted us when his gate opened. Hindi naman magkandaugaga ang mga tao rito sa loob ng kaniyang masyon, lalo na ng mga doktor na siyang titingnin sa kalagayan ng kapatid ko. 

"Move your assess!" Singhal niya sa kaniyang mga tauhan at lumapit sa gawi namin ni Jacob. 

"How brave of you to bring a cop here in my place." Minata niya ang kasama ko mula ulo hanggang paa. Hindi naman nagpasindak sa kaniya si Jacob at nanatiling nakatayo sabay hithit sa nakasinding sigarilyo.

I rolled my eyes. If I had a choice, I'm not putting Cammie in his care. 

"I need him. He can help."

Humugot ng malalim na hininga si Rolando at ibinaling ang tingin sa akin. "Why the sudden change of heart? Bakit ba rito mo dinala ang anak ko?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ayaw mo ba? Give her back at maghahanap ako ng hospital."

Tumawa siya ng malakas na ikinakunot ng noo ko. Napuruhan na ba siya sa utak katatabako niya? Pft. Good for him.

"Alexa... You're still as feisty as the day my wife brought you here. Nagpapasalamat ako't dito mo unang naisipang dalhin si Cammie, pero nakakalimutan mo yatang ikaw ang humihingi ng pabor?" Isinubo niya ang kaniya tabako at bumuga.

"I know there's more to it. We can talk later after my business meeting." Tumalikod na siya sa amin pero hindi pa siya nakakalayo nang bigla siyang magsalita ulit. "Don't ever let Chris get a hold of this yet, or you'll never see my daughter again."

Naiwan kaming dalawa ni Jacob dito sa sala samantalang abala naman ang lahat sa pag-aasikaso sa kapatid ko. 

Kahit anong galit ang meron ako kay Rolando, alam kong mas makabubuting dito ko muna inilagay si Cammie. Hindi dahil mas advance ang mga gamit ng matandang 'yon but because I have to hide her from the public. 

"So what exactly is your plan?" tanong ni Jacob at umupo sa sofa na kaharap ko. 

"I'm going to use Rolando. I need him to get me some men we can blame," sagot ko at sumandal sa sofa. Hindi ko alam kung papayag siya sa gagawin ko pero kailangan kong makahanap ng kapani-paniwalang rason.

"You're going to blame this mess to a crime syndicate, don't you? As expected from the one and only Alexa Saunders," puri niya sa akin at naglabas ng bagong stick ng sigarilyo. Agad kong hinablot sa kaniya iyon kaya tumawa siya ng kaunti.

"Sorry, bad habits." Itinago niya ang kahon at humalukipkip. "Ang tanong, papayag ba siya?"

"Trust me, he will."

"Are you going to explain to him what really happened? I doubt that he'll believe us," matapos niyang sabihin iyon ay iginala niya ang tingin sa buong silid. "I still can't believe I'm here inside a mafioso's den. Ang mas malala ay nakikipagtulungan pa ako sa kaniya."

"Kahit pa malaman ng mga pulis ang ginagawa niya, he's still untouchable. Kung ako sa 'yo, I'd always keep my guard-"

I immediately took out the small gun hidden inside my blouse and pointed it at Jacob's back. The shock was on his face but he immediately recovered and pulled out his own weapon and pointed it at the door.

"Snappy! I like that in a woman!" mapang-uyam niyang sambit sa gawi ko. "But I will never choose you over my deceased wife." 

'I'm beginning to understand why you dislike him' bulong ng katabi ko.

"What the fuck are you on, Rolando?" galit kong asik sa kaniya. 

"Chill," ibinaba niya ang kaniyang baril at tinanggal ang magazine. He handed it to one of his servants before walking over and sitting down in front of us.

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon