IV

54 10 17
                                    

Cammie's POV

Tinapatan ko ang titig na ipinupukol sa 'kin ng lalaking nakasuot ng damit na parang sa pari, pero silver ang kulay na binurdahan ng ginto. Nakatitig lang sa akin ang bagot niyang kulay-abong mga mata. 

Ilang minuto rin kaming nag staring-contest bago siya gumalaw at naglakad papunta sa may malaking bintana na nasa bandang kanan ng hinihigaan ko. Sinundan ko siya ng tingin at agad napatakip ng mata nang bigla niyang buksan ang mga naglalakihang kurtina.

"You better stop staring and start dressing up. I have been waiting here for eternity and I must say I am not pleased," malamig na sambit ng lalaking may kulay-pilak na buhok.

Pati ako ay nahawa sa kasungitan niya. Ang ganda niyang bumati sa bagong-gising, gustong magpadugo ng ilong.

"Salamat sa pagpapatulog sa 'kin, pero teka lang ha, kung ayaw mo palang naghihintay edi sana hindi mo ginawa," nakanguso kong sagot kaya napalinga siya sa gawi ko. Narinig ko naman siyang bumulong ng kung anong lenggwahe na hindi ko maintindihan sabay iling.

Kanina ko pa tinatanong kung anong pangalan niya at bakit ako nandito pero hindi niya pa rin ako sinasagot. Tinititigan lang niya ang ginagawa ko at parang sinusuri ang buo kong pagkatao. Mapanghusga ba siya?

Pero hindi dapat ako nandito!

Ang huling natatandaan ko ay naglakad ako pauwi ng bahay habang bumabagyo. Dapat nakarating na ako apartment namin ngayon kasi kailangan ko nang pumunta sa bahay dahil malapit na ang midterms at hindi ko pa nasisimulan 'yong project kay--

Nanlaki ang mga mata ko at agad tinanggal ang kumot na nakapatong sa 'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapagtantong ito pa rin ang suot-suot ko kahapon, yellow t-shirt at black na pantalon. 

''Walang malagim na nangyari sa 'tin Cammie, at mukha namang hindi ka pagnanasaan ng lalaking kasama mo.'  Tingin pa lang kasi niya parang gusto na niya akong palabasin ng bahay niya.Ang talim ng titig tapos nagkasalubong pa ang kilay.

"Uhm," tawag ko sa atensyon niya. Pinagtaasan niya ako ng kilay at mas lalong lumalim ang simangot niya.

"Are you done with your self-talking?"

"Pasensya na sa mga nasabi ko kanina. Hindi ko naman alam na meron ka palang busilak na puso at pinatuloy mo ako rito kagabi," ani ko. Napakamot ako sa ulo ko at ngumiti ng pagkalapad-lapad, baka pabayaran niya pa sa 'kin 'yong pagtulog ko rito. Mahirap na. Wala pa naman akong natirang pera kagabi.

"I didn't save you, I had no choice but to take you in," sagot niya na parang walang pakialam sabay halukipkip.

Napanguso ako. Sa sobrang suplado niya pati ngiti hindi rin tumatalab sa malamig niyang puso. Parang nawalan yata siya ng kasiyahan sa katawan.

"Kahit na," pagpupumilit ko. "Siguro kung hinayaan mo lang akong mawalan ng malay sa gilid, hindi sana kita kinakausap ngayon. Baka nga isa na lang akong malamig na bangkay sa daan."

Iginala ko ang tingin sa buong kwarto at nakita ang mga sapatos ko sa gilid ng kama kaya agad akong tumayo at isinuot ang mga ito. Hindi na basa ang mga medyas ko. Inamoy ko ang mga 'yon pero hindi naman mabaho, wala ngang amoy eh.

Napatigil ako sa ginagawa nang maramdmang umupo siya sa isang kulay brown na sofa na kaharap ko. Itinali niya rin ang kaniyang mahabang buhok sa isang bun bago nagsalita.

"Mali yata ang iniisip mo. I didn't do you a favor. Actually, all of this is an anomaly. Hindi ka nga dapat nandito, and I would never wish for you to be here."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ang salbahe naman pala talaga nito. Ibig sabihin iiwan na lang niya akong nakadapa sa eskinita? Walang malay? Basa sa ulan? Pero hindi naman niya ginawa, kaya baka nagpapanggap lang siya. 

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon