XX

29 6 46
                                    

CW// Mentions of rape and trauma.

Alexa's POV

"Hey."

I was startled when someone shook my shoulders. I'm still groggy from the alcohol. Hindi ako pala-inom but today, I feel like drowning myself with this toxic beverage because everything has been too much for me to handle.

Tinignan ko sa kung sinong naglakas ng loob na gumambala sa sarap ng tulog ko. For once, gusto ko muna sanang mapag-isa pero may hindot na ayaw ibigay sa'kin 'yon!

"Oh hey?" I eyed the man. Hindi ko siya makilala dahil nahahamog pa ang mga mata ko. I feel like vomiting so that's what I did. Wala na akong pakialam kung masukahan ko siya o hindi. It's his fault for waking me up.

"Alexa, what happened? You never returned to my office and that had me worried. Hinahanap ka rin ng kapatid mo." sambit ng mama at hinagod ang likod ko. Anong return to my office ba ang sinasabi niya? I eyed him suspiciously.

"Go away, leave me alone!" singhal ko pero hindi pa rin siya umaalis kaya isa-isa kong ibinato ang lata ng beer sa kaniya. Napabungisngis ako nang tumama ang ilan. "Sapul! HAHAHA! Si Alexa tumira ng tres, hik-"

Hindi naman natinag ang lalaki at hinigit ang mga balikat ko. "Let's just get you home. I know you're just tired."

"LEAVE ME THE FUCK ALONE!" I yanked him away from me. Nakaramdam ako ng takot at pagkamuhi sa kaniya dahil sa paghawak niya sa'kin. My tears started to fall one by one pero agad ko ring pinunasan gamit ang mahabang manggas ng blouse ko.

"A-ano bang gusto mo?" Tinapon ko sa kaniya ang lata ng beer na may laman. He caught it but I don't care! "You also want a piece of me? You also want to get under my pants? Yun ba ang gusto mo?!"

Natigilan ang lalaki sa sinabi ko kaya bahagya akong natawa. Bahag naman pala ang buntot ng isang to.

"What are you saying, Alexa. That's not what I'm here -"

"Enough with your lies, mister! Pare-pareho kayong mga lalaki! Gusto niyo lang ang katawan naming mga babae! Ginagawa niyo kaming bagay parausan at pagkatapos titignan niyo ng nakakadiri! Mga hayop kayo!" Hindi ko na napigilan ang humikbi dahil naaalala ko nanaman ang kasamaang tinamasa ko sa kamay ng gumahasa sa akin.

Nandidiri ako sa sarili ko. Ever since it happened, I feel so impure and I hate myself for that. Tama lang na iniwan ako ni Mateo dahil isa akong maduming babae. Tama rin siguro siya nang sabihin niyang hindi na ako kailanman makakaramdam ng pagmamahal.

Aktong lalapit pa sana siya sa'kin pero ipinagkrus ko ang aking mga kamay. Hindi ba talaga siya titigil?"A-ahh, alam ko na. You also want to rape me? Sige na nga. Pagbibigyan kita basta lubayan mo na ako!"

Isa-isa kong tinanggal ang butones ng damit ko. Naramdaman kong nabalisa ang manyakis na mama sa aking ginagawa kaya napangiti ako ng nakakaloko. Mukhang ineenjoy pa niya ang panonood sa'kin, pero ako mismo ang pupunas ng mukha niya sa sahig.

Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala. Sinubukan niya akong hawakan sa aking mga pulsuhan pero agad ko siyang sinunggaban ng suntok. Pero ganon na lamang ang pagkagulat ko nang maiwasan niya 'yon at nagtungo sa likuran ko habang hawak ang mga kamay ko.

"Ssh," the stranger says, "It's me, Jacob. I don't know what happened, but we need to go home."

I don't know if he's telling the truth or not but strangely, I feel safe in this person's arms. He has this familiar scent na hindi ko maalala kung kanino. His grip tightened yet it felt so gentle. Napatawa ako sa inaasta ko.

Tama nga si Mateo, malandi talaga ako.

"I'm really sorry," bulong ko sa kawalan habang hinahayaan ang lalaking dalhin ako kung saan. Hindi ko alam kung magiging ligtas ba ako ngayong gabi o hindi. I just want to forget everything that happened, kaya ako nagpakalasing. Pero hindi yata ito ang gusto ng kalawakan.

The Harvest [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon