"Can you just please shut up, Gio?!" I shout. And step back to give some space between me and Gio.
"Hannah, please." And then he kneel down. Tinignan ko siya, kawawa siya. He looks so wasted. Bakit siya ginanito nung babaeng yun?
"What do you want?" I ask kahit naman alam ko na yung sagot.
"You." I rolled my eyes.
"Oh c'mon, Gio. You dont want me. You only want to pretend with me." I smirk. Hinawakan ko yung kamay nya at itinayo siya. Hinila siya papunta sa bahay Ko.
Yes, you read it right. Bahay KO. My mom and dad died when I was a kid. Kinupkop ako ng tita ko, pero pinalayas din nila ako nung 15 years old na ako. Natuto na akong mabuhay sa sarili ko. And now, I am 19 years old. Living with myself. All by myself.
"Maupo kalang dyan." Tinuro ko yung sofa sa kanya. Kaya naupo naman siya. Pumunta ako ng kitchen para kumuha ng snacks and juice.
Pagbalik ko, nakita kong umiiyak nanaman siya. "Pwede ba, wag ka ngang umiyak!" I shout. Nilapag ko yung snacks and juice sa lamesa at umupo sa tabi niya.
"Hannah, just please help me to win her back." He said between his sobs.
"Eh bakit ba kasi pagpapanggap pa ang gusto mo? Pwede naman kita turuang magpapogi or whatsoever." I suggest. Pero natahimik lang siya at yumuko.
Oo alam ko, kaya nya naisip na ako ang magpanggap dahil si Shane, ang pinsan kong inggit na inggit sa kagandahan ko, kayamanan ko ngayon, katalinuhan ko. Siya yung anak nung tita ko na nang-api sa akin noon.
Gusto ko mang gantihan ang tita ko sa pamamagitan ng anak nya, hindi ko magawa. Syempre, may taglay naman akong kabaitan noh.
Ang tanga tanga naman kasi nung pinsan ko na yun. Alam ko namang mahal na mahal nya tong si Gio pero mas pinili nya pa ring sundin yung nanay niya.
Tinignan ko si Gio na nasa tabi ko ngayon. Naaawa ako sakanya. Alam kong mahal na mahal nya si Shane. Bakit ba kasi kailangang maging ganito kakumplikado ang pag-ibig?
Bakit kailangan pang sumugal para lang makuha siya ulit? Paano kung sa pagtaya ni Gio, binigay nya ang lahat para kay Shane, pero sa huli talo pa rin pala siya? At wala ng matira sakanya?
Nakayuko pa rin siya at umiiyak. Kinuha ko yung ulo niya at isinandal ito sa balikat ko.
"Matulog ka muna." Bulong ko sakanya.
Kailangan nya munang ipahinga yung sarili niya. Wala namang mangyayari kung iiyak sya ng iiyak.
Lumipas ang 10 minuto at nangangawit na yung balikat ko. Yumuko ako para tignan sya. Tulog na pala siya. Unti-unti kong inangat yung ulo niya at inihiga ito sa sofa. Inayos ko rin yung paa nya, para maistraight nya yung katawan nya.
Kinuha ko yung juice at snacks. Binalik ko ang mga iyon sa kusina. Nagluto ako ng pagkain para sa dinner. Dito ko na rin papakainin yang si Gio.
Habang nagluluto ako, narinig kong nagsalita si Gio kaya pumunta kaagad ako sa salas.
"Shane, please. Wag mo naman akong iwan. Mahal na mahal kita." Sabi niya habang natutulog. Hanggang sa pagtulog nya, nasasaktan pa rin siya. "Shane.. Ipaglaban mo naman ako sa nanay mo please. Diba sabi mo mahal mo ako?" Nagpabaling baling yung ulo nya. At narinig ko na ring humihikbi siya. May tumulo na ring luha sa mga mata nya.
Umupo ako sa konting space sa sofa at niyakap siya. "Gio, mahal na mahal ka ni Shane. Hayaan mo, tutulungan kitang bawiin ulit siya." Mahina kong sabi. Tinignan ko ulit siya, at mukhang tumigil na yung pag-iyak at paghikbi nya.
Bumalik na ulit ako sa kusina. Naghain na rin ako. Tutal, gabi na rin naman kasi. Ginising ko na si Gio at niyayang kumain.
"Gio, nakakatawa ka matulog." Pagsisimula ko ng conversation.
"Bakit?" Taka nyang tanong.
"May paiyak iyak ka pang nalalaman. Haha. Tapos sabi mo 'Shane, mahal na mahal kita.' Hahaha. Naiimagine mo?"
"Ganun ba? Sorry naman. Sobrang nasaktan eh." Natahimik ako sa sinabi niya. At humigop nalang ng sabaw.
"Thank you sa pagpapatulog sakin at pagpapakain ha?" Sabi niya. Kaya tumango nalang ako.
"Sige, uwi na ko. Gabi na rin naman eh. Bye." Hinatid ko siya hanggang gate. Nakita kong may nakapark na kotse sa harap ng bahay ko. Doon siya sumakay, siguro nagpasundo siya.
Binaba nya ung salamin ng sasakyan at nagwave sakin. Nagwave din ako sakanya. He flash a smile kaya napangiti rin ako.
Pagpasok ko ng bahay, nagligpit lang ako ng pinagkainan namin at pumasok na sa kwarto ko.
Nakatingin lang ako sa kisame.
Ang tanga mo Shane. Mahal na mahal kana nung tao, iniwan mo pa. Ang swerte mo nga eh. Ako nga, walang nagmamahal sakin ng ganun.
Kung meron mang magmahal sakin ng ganun kasobra. Hinding hindi ko na iiwan pa. Hindi ako gagaya sayo, Shane. Isa kang malaking tanga.
With that thought, unti-unti akong nakatulog.
*doReMi

BINABASA MO ANG
Love Hurts
AcakDoes love really hurts? I don't know why because I've never been fallen ever. Dati, nababasa ko sa mga wattpads. Napapanood ko sa mga tv. Napapakinggan ko sa radio. Nakikita ko sa mga kaibigan ko. Kapag nagmamahal sila may kaabikat talagang sakit...