Hurt 2

68 7 0
                                    

"Mama!!!!" Sigaw ko. Pinipigilan ko ang mama ko sa pagpunta sa papa ko.

"Anak, dito ka lang please. Kailangan kasing tulungan ni mama si papa. Promise mo sakin, hindi ka aalis dito ha?"

"Ma!! Dito ka lang po." Tuloy tuloy pa rin yung pagngawa ko dito. Binuhat ako ni mama at nilagay sa kama. Umalis siya nang hindi tumitingin sakin pero narinig kong bumulong siya.

"Mahal na mahal kita, anak."

Naglakad siya palayo sa akin. Hindi ko alam, yun na pala ang huling mga salita na maririnig ko sakanya.

'Yun na rin ang huling araw na makikita ko ang mama at papa ko.

"MAMA!!!"

Napabangon ako sa higaan ko. Nananaginip nanaman ako. Let me correct it, hindi pala yun panaginip. Isa yung malaking bangungot sa buhay ko.

Lumuhod ako at nagdasal.

"Dear God, thank you for waking me up again this morning. It is a beatiful morning but I had a nightmare, God. I miss my mom and dad so much. Pwede ko po ba sila makasama kahit sandali lang? Gustong gusto ko na po kasi sila mayakap." My voice broke, yet I still continue. "Kung pwede lang naman po eh. Maraming maraming salamat po sa lahat. Kahit po kinuha nyo na sakin si Mama at Papa, hindi nyo pa rin po ako pinabayaan. Thank you so much po. I love you, dear heavenly Father. Amen."

Pagkatapos kong magdasal. Pinahiran ko yung luhang tumulo sa mga mata ko. Niligpit ko na rin yung kama ko at tumayo na.

Dumiretso ako sa kitchen para magluto ng almusal ko. Fried rice, egg, hotdog and hot choco.

Ganito kalungkot ang buhay ko. Mag-isa. Pero sanay na rin naman ako eh. Kahit nung nakatira pa ako sa mga tita ko, mag-isa na talaga ako. Wala akong kakampi simula nung nawala ang mga magulang ko.

*bzzzt* *bzzzt*

From: Gio

Hannah, Good Morning. Pwede kita sunduin dyan ngayon? Gusto sana kita itreat sa Mall ngayon. A thank you offering. :) Textback.

----

Tumaas yung isang kilay ko sa text nya. Kunwari pa tong thank you offering. Eh, gusto lang naman nya na pag-usapan namin yung 'deal' ek ek. Tungkol sa 'pagpapanggap' kuno namin. Ayaw pa kasi ako diretsuhin.

-----

To: Gio

Okay. Sunduin mo nalang ako dito ng 1:00 p.m.

-----

I check the clock. It's already 11:00. Medyo maaga pa kaya niligpit ko na yung pinagkainan ko.

Namahinga ng kaunti. At nag-ayos na. I wear a simple blouse, pants and flat shoes. Tutal mall lang naman pupuntahan namin kaya simple lang dapat.

I check my cellphone, wala namang text galing kay Gio.

*bzzzzt* *bzzzzt*

From: Sandra

Bes, bukas pa pala kami makakauwi. Kamusta kana dyan?

-----

Sandra is my bestfriend. Dati kasi nakita nya akong umiiyak sa gilid nung school namin. Pinagalitan ulit kasi ako nung tita ko nun kaya ako umiiyak. Lumapit siya sa akin at kinomfort ako. Simula nun naging magkaibigan na kami. Ang gaan kasi ng loob ko sakanya. At parang siya yung binigay sakin ni God para makasama ko.

Gio's calling .....

"Hello?"

("Nandito na ko sa labas ng bahay nyo.")

"O---" naputol yung sasabihin ko kasi binaba na pala nya yung tawag. Ay, bastos ha.

Lumabas na ako ng bahay, nakita ko syang nakasandal sa kotse nya at nakayuko.

"Ahm.." Pagpapapansin ko. At effective naman kasi napatingin siya sa akin at binuksan na yung pinto nung kotse nya. Sumakay ako sa passenger's seat. Siya naman ay sa driver's seat.

Buong byahe namin tahimik lang kami. Walang nagsasalita. Ayoko namang ako ang magsimula ng conversation namin. Kaya nanahimik na lang din ako.

Pagdating namin sa Mall. Bumaba kaagad ako at sumunod lang siya sakin.

Pumasok ako sa isa sa mga favorite kong botique ng damit. Nakita ko naman siyang nakasunod pa rin sakin.

Nagtingin-tingin ako doon ng babagay sa akin. Kumuha ako ng ilang mga damit at sinukat iyon. Pumunta ako ng fitting room, iniwan ko naman si Gio doon sa labas ng botique, may bibilhin daw sya eh.

Paglabas ko ng fitting room, nagbayad kaagad ako at lumabas na.

Paglabas ko ang daming tao. Bakit kaya? May artista ba? Sumingit ako doon sa mga tao, at nagulat ako sa nakita ko.

Nakaupo sa sahig si Gio at si Shane ay may kasamang lalaki.

"Shane, paano mo to nagawa sa akin?" Pagtatanong ni Gio. Ang tanga talaga nitong lalaking 'to. Nagskandalo dito sa mall?

Tinignan ko si Shane, hindi siya tumitingin kay Gio ng diretso. At yung kasama nyang lalaki, hinatak si Gio patayo at sinuntok kaya napabagsak siya, dumudugo pa yung labi.

Hindi ko na kaya yung nakikita ko. Kaya huminga ako ng sobrang lalim. Lumapit ako kay Gio at itinayo ito.

"Ano ba yan, Honey. Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap." Hindi nagsasalita si Gio, nakayuko lang siya. Bakit ang hina nitong lalaking 'to?

"Siya ang pinalit mo sakin?" Lumapit samin si Shane na sobrang gulat.

"Oo, ako ang ipinalit nya sayo. Who cares?" Mataray kong sabi. Matagal ko ng gustong sagutin tong pinsan kong hilaw. Ngayon, malakas na ang loob ko.

"Hindi na ako magtataka. Namumulot ka nga pala ng basura."

"Unang una sa lahat Shane, hindi basura si Gio. Pangalawa, hindi ako basurera, sa katunayan nga MAS mayaman ako sayo. Baka ikaw ang namumulot ng basura. Pangatlo, tanga ka, alam mo ba yun? Mahal na mahal ka ng taong 'to tapos sinaktan mo lang? TANGA! Akala mo ba mahihigitan ng lalaking yan yung pagmamahal na binigay sayo ni Gio?! Ha, ASA! Nag-iisa lang si Gio, noh. Pero sorry ka, once na binitawan mo, may hahawak ng iba. At AKO YUN. Narinig mo? AKO yun. Sakin na ngayon si Gio, at wag na wag kang makalapit lapit sa boyfriend ko! Tutal, tinawag mo naman na siyang basura eh." Mahaba kong sabi para matauhan tong babaeng to.

Lumapit ako doon sa lalaki na kasama nya. Dinuro duro ko siya. "Kaya ikaw, kapag nakipagbreak sayo yang babaeng yan. Tatawagin kana rin nyang 'basura' gusto mo ba yun? Haha. Well, goodluck sayo." Tinalikuran ko na sila. Lumapit ako kay Gio at inakay siya paalis.

Pagdating namin sa parking lot. Ngumawa nanaman tong lalaking to.

"Wag mo nga iyakan yun. Sinasayang mo lang yung luha mo noh." Panenermon ko sakanya.

Nagulat ako nung niyakap nya ako.

"Salamat sa kanina, Hannah. Ngayon, I changed my mind. Hindi ko na planong kunin siya ulit. Gusto ko lang ngayon ay ang maghiganti sakanya. Tutulungan mo ba ako?" Tuloy tuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ako? Napangiti ako sa sinabi niya.

"Oo naman. Tutulungan kita." I whisper in his ears. At hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko.

*doReMi

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon