Hurt 6

33 7 0
                                    

"Bes, anong problema?" Sandra asks. Wala kasi akong kinikibo ngayon. Surang sura kasi ako kanina. Akala ko malalaman ko na yung totoo pero hindi pa pala.

-----

Flashback

"Kasi ganito yun. Noong una against tala---" Napahinto sya sa sinasabi nya nang biglang tumunog yung cellphone nya.

"Excuse me." Tinanguan ko lang siya.

"Hello?.... what?... Ha?... Okay, okay... Papunta na ko dyan." At binaba nya na yung cellphone nya. Humarap siya sa akin.

"Sorry Hannah. I need to go, emergency. I really want na sabihin sayo lahat kaso nagkaemergency. Mind if I'm going?" Pagpapaalam nya sa akin. Wala naman akong magagaw eh, kaya tumango nalang ako sakanya sign na 'okay lang' pero hindi talaga okay. Kasi curious na curious na ako.

End of flashback

-----

"Bes. Nagtext sakin si Drake." Nabalik ako sa realidad nung nagsalita si Sandra. Nagtext sakanya si Drake?

"Anong sabi?"

"Luluwas daw siya dito. And worst, dito na siya mag-aaral."

"What?! With that girl?" I asks

"No. Siya lang. At sa amin daw sya makikituloy. Kapal ng mukha." Inis na inis na sabi ni Sandra. Nakakunot na ang noo nya ngayon.

"Then, you should be happy."

"No. After all, hindi pa rin pwedeng maging kami kasi may girlfriend siya."

"Then, make him fall for you." I grin of what I've said. Alam kong hindi ganoong tao itong si Sandra. Kasi opposite kami ng ugali. Siya, parang angel. Eh ako? Well, mabait naman pero madalas masama. Hahaha.

"No, Hannah. Ayoko. Mahirap sumugal."

"If you really love someone. Susugal at susugal ka talaga. Hindi mo inaalala kung matatalo o mananalo kaba sa huli. Basta ang mahalaga sayo, ginawa mo ang lahat para lumaban. Kesa naman, mawala siya sayo ng hindi mo sinubukan."

"Nalunod naman ako sa sobrang lalim ng hugot mo, aber. Kailan kapa naging expert sa ganyan ha?" Natatawa tawang tanong niya.

"Kung saan saan. Pwe, ang corny ko na pala. Hahaha. Pagpasensyahan mo na. Pero, kailan ang uwi ni Drake dito?"

Napayuko siya sa tanong ko. "Bukas." Maikli nyang sagot. Ang bilis naman yata, bukas kaagad?

"Agad agad?"

"Ganyan din reaksyon ko kanina." Tinignan ko siya at tinapik sa balikat.

"Ano bang mas gusto mo, ang ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para makuha siya. Atleast dun may choices ka. Pwede kang manalo or matalo. O ang wala kang gagawin kung saan siguradong talo ka?" Napangiti siya ng malawak sa sinabi ko. Hinarap niya ako, tinignan sa mata.

"Lalaban ako, Hannah. Lalaban ako." Dahil sa sinabi nya, napangiti rin ako ng malawak.

-----

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tinignan ko ang lalaki sa harap ko ngayon na kain ng kain. Kapal ng mukha ha, siya nalang nakikikain dito, ang lakas pang lumamon.

"No." Maiksi nyang sagot. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Ano bang problema nito?

"So, bakit ka nga nandito?"

"Wala lang, masama ba? Ayaw mo ba? Sige uuwi nalang ako." Paawa at pacute nyang sabi. As if namang pipigilan ko siya sa pag-uwi. Kanina ko pa nga siya pinapauwi eh. Siya lang naman tong ayaw umuwi. Kung pwede ko lang 'to kaladkarin palabas. Kanina ko pa ginawa.

"Ano, Hannah. Aalis naba ako?"

"Umalis kana sa ayaw at sa gusto mo." Sagot ko sakanya. At nakita ko siyang nagsmirk.

"Haha. Wala talaga akong balak umalis dito ngayon noh. Dito ako matutulog eh." He said it with a grin with his face. Seriously? Sa tingin nya, para syang may gagawing masama eh.

"Gio, just go." I said without looking at him.

"What if I don't?" Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Pinaglapit nya yung noo ko at yung noo nya. And I can feel his breath. "What if I'll stay with you tonight?" Tinulak ko siya ng malakas at napatumba ko naman siya. Weak talaga tong lalaking to eh.

"Gio, ako nga'y tigilan mo. Hindi ako natutuwa. Kung dito ka matutulog, dyan ka sa sofa. At wag na wag kang pupunta sa kwarto ko!" Galit kong sabi at padabog na umakyat sa kwarto ko.

-----
Author's Note:

Lame update. Sorry. Pero po kahit lame yan, may clue pa rin na nakatago dyan. Know what will happen in the end? Haha.

6 chapters palang pero parang ang layo na ng nararating ko. Hahaha.

Vote. Comment. :)

*doReMi

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon