Gio's POV
"Gio, are you ready?" Zack asks. Zack is my bestfriend. I nod to him. Tinignan ko ang paligid kung nasaan ako ngayon. A beautiful beach with white sands. Sa gitna meron akong hinandang isang romantic table. Two chairs. French foods. Romantic candles. Petals of roses.
1st anniversary namin ngayon ni Shane. Gusto ko siyang isurprise. Mahilig kasi siya sa surprises.
Napatingin ako sa papadating. Nakita ko na si Shane. Nakapiring siya at inaalalayan siya ni Zack.
Iniabot sakin ni Zack ang kamay ni Shane. Gustong gusto ko 'tong hawakan. Ang lambot kasi.
"Ano ba 'to Gio?" I hear Shane murmurs. Hindi ko siya sinagot. Iniupo ko lang siya sa upuan nya saka ko tinanggal ang piring niya.
Nakita ko siyang gulat na gulat. "Surprise!" I said. Nag eexpect ako na baka yakapin nya ako o kaya batiin man lang ng 'Happy anniversary, babe. Thank you sa surprise.' Pero wala. Ngumiti lang ako at umupo na rin sa upuan ko.
"Shane, okay ba?" Tanong ko at tinaas baba ko pa yung kilay ko. Hindi pa rin nagsasalita si Shane. May problema kaya? Hindi naman siya ganyan ah. Kapag sinusurprise ko siya, either maiiyak siya sa tuwa or tatawa sya ng tatawa kasi masaya siya. Bakit parang iba ngayon? Bakit hindi siya nagsasalita?
"May problema ba?" I extend my arms para maabot ko yung kamay nya. Hinawakan ko iyon pero inalis nya kaagad.
"Shane, alam kong may problema ka. Ano yun?" I'm so worried. Ayaw pa rin kasi magsalita ni Shane. This time, nakayuko na siya.
"Shane, look. It's our 1st anniversary. Ayoko sanang masira tong araw na to pero okay lang kung may problema ka. Pwede na kita ihatid sainyo. Masama ba pakiramdmam mo?" Tuloy tuloy kong pagsasalita.
"Gio. I'm sorry." Umiling-iling pa siya. Inabot ko yung chin nya para makita siya and I'm surprise, umiiyak na siya.
"Bakit ka nagsosorry?" Mahinahon pa rin yung pagtatanong ko. Tinabig nya yung kamay ko na nakahawak sa chin niya.
"Gio, I'm engaged." Nagulat ako sa sinabi niya. Engaged? Wtf? Anong engaged?
"Engaged? Pero hindi pa ako nagpopropose, Shane!" Medyo sumisigaw na ako. Hindi ko na makontrol yung sarili ko. Anong sinasabi nyang engaged? Kanino? Paano?
"Gio, bago pa lang kita makilala, engaged na ako."
"Pero kanino??!" Sigaw ko. Nagulat siya sandali pero tinuloy pa rin niya yung sasabihin nya.
"Wi-with Za-Zack." Lalo akong nagulat at nagalit sa sinabi niya. ZACK? with my bestfriend? How come? Paano nangyari? All this time, niloloko lang nila ako?!
"ZACK??" Napatayo na ako sa upuan ko. Hindi ko na kaya 'tong naririnig ko. Nakita kong lumabas si Zack at lumapit sa amin.
"Bro, malapit na daw iserve yu--" I cut him off. Sinuntok ko siya at nakita ko siyang bumagsak sa sahig.
"Anong proble--- Shane?? Sinabi mo sakanya?" Zack stood up. Aba't ang kapal ng mukha ng isang 'to! Gusto pa yatang ilihim sa akin? Lumapit siya sakin at magsasalita pa sana siya nang bigla ko ulit siyang sinuntok. Nakita ko si Shane na lumapit kay Zack at tinulungan siyang tumayo. Mga walanghiya! Mga traydor!!
Tumalikod na ako sakanila. All this time, niloloko lang nila ako. All this time, mukha akong TANGA! Lahat ng pagmamahal ko kay Shane, napalitan ng galit simula nung araw na yun.
Pero hindi ko pa rin maiwasan na kapag nakikita ko siya, gustong gusto ko siyang yakapin at halikan. Pero hindi na yun pwede. Sabi nga nya, engaged na siya so bakit pa ako aasa? Bakit pa ako magpapakatanga ulit?!
Ganun pala talaga ang pag-ibig. Kapag niloko ka, sinaktan ka, pinagmukha kang tanga. Gagawin mo lahat para lang mabigyan ka ng justice.
Pasensya na Shane. Mahal na mahal kita, oo pero dati na yun. Ngayon? Puro galit na lang ang nararamdaman ko.
Hindi mo alam kung paano maghiganti ang isang Gio Arellano. Shane Saviejo.
***
Author's Note:
Guys, gusto ko po sanang paiksiin tong story na 'to. 4 chapters palang pero ang dami ng revelations. Pero wag po kayong mag-alala, sa mga susunod na chapter mas maraming revelations. Kada chapter po ng story na 'to ay mahalaga. Lahat po yun, mag-iiwan ng clues. :)
VOTE. COMMENT. :') It will made me so happy.
*doReMi
BINABASA MO ANG
Love Hurts
RandomDoes love really hurts? I don't know why because I've never been fallen ever. Dati, nababasa ko sa mga wattpads. Napapanood ko sa mga tv. Napapakinggan ko sa radio. Nakikita ko sa mga kaibigan ko. Kapag nagmamahal sila may kaabikat talagang sakit...
