Hurt 5

35 7 0
                                    

Hannah's POV

"I hate her.... so much.... Pwede naba natin simulan ang plano?" Because of what he said, I secretly smile.

Niyaya ko siya sa loob ng bahay ko at doon kami nagplano.

"Gio, once na masaktan mo na siya at makapaghiganti sakanya. Ititigil na natin 'to ha?"

"Oo naman. Sige." Pagsang-ayon nya sa sinabi ko. Aba dapat lang.

"At BAWAL MAINLOVE." I said. No, I shout.

"Oo naman po. Ba.wal!" natatawa nya pang sabi.

"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo. Basta ang purpose ng gagawin natin ngayon, is pure paghihiganti." I stated. He nods of what I said.

"Ahm, Hannah. Sa tingin mo ba mahal nya pa rin ako?" Kumunot yung noo ko sa tanong nya. Does he really cares if may feelings pa si Shane sa kanya?

"Don't get me wrong, Hannah. I know what you're thinking and you're wrong. I dont care either may feelings pa rin siya sa akin or wala. Kaya ko tinatanong dahil, mas mapapadali ko siyang masasaktan kung may nararamdaman pa rin siya sakin, diba?"

"Sabagay may point ka. Mas madali kang makakapaghiganti kung mahal ka pa rin nya. Basta magpanggap lang tayo. Tapos pagselosin natin siya ng pagselosin. Kapag hinabol ka nya, saka mo siya saktan. Ano okay ba?" Feeling ko ang sama sama ko sa mga sinasabi ko. Well, I don't care. Sinaktan nya ako at sinaktan niya si Gio. Dapat lang sakanya yun 'noh. Para naman maranasan nya kung ano yung naranasan namin. Kailangan ang buhay ay FAIR.

"Sa tingin mo ba, Hannah tama tong gagawin natin?"

"Okay lang yan, noh. Hindi na uso ang martyr ngayon." Sagot ko sakanya.

Natapos yung pag-uusap namin ni Gio na puro yung plano namin yung pinag-uusapan namin. Hindi ko masisisi si Gio kung gusto nyang maghiganti. Alam ko kung gaano siya nasaktan.

*bzzzzt* *bzzzzt*

From: 0906*******
Hi.
------

Sino ba tong nagtext na 'to?

------
To: 0906*******
Who you?
-----

Hinihintay ko magreply yung nagtext pero hindi na siya nagreply. Baka nawrong send lang.

Dahil wala akong magawa, sobrang bored ako. Nagcheck ako ng facebook ko.

10 friend requests • 7 messages • 63 notifications

I clicked my notifications. Wala namang gaanong kaimportante. Puro likes likes lang ek ek.

I clicked my friend requests. Wala ako masyadong kakilala. Pero napatigil ako sa isa sa mga nandun.

Zack Lopez

If I'm not mistaken. Siya yung bestfriend ni Gio DATI. Which is happened to be the fiance of Shane. I didn't accept his friend request. Clinick ko lang yung pangalan nya para tignan kung siya yung lalaki sa mall.

Nagulat ako kasi hindi siya yung lalaki sa mall. If hindi siya yun, sino yung nasa mall? Well, as if I care?! Haha.

I closed his wall.

I clicked my messages. It is Sandra, Zack and I don't know kung sino ung isa.

Zack Lopez

Hi.

Yun lang yung laman nung message nya. Nagreply ako ng 'hello'.

Nagtingin tingin lang ako sa wall ko, wala naman gaanong kaimportante. Halos puro selfies lang. Kaya ayoko nag oopen ng facebook ko eh, puro mukha nakikita ko.

Pinatay ko na yung laptop ko. Pumunta na sa kama ko at natulog.

-----

It's already 5:30 in the morning. And kailangan ko ng bumangon. May pasok pa kasi kami. And I hate lates!

Ano yung course ko? Business Ad. That's actually my favorite. Ang magbusiness. Kaya nga ako yumaman at nabuhay mag-isa eh, kasi may business ako. It's a ice cream parlor and coffee shop. San ko nakuha yung puhunan ko? May ibinigay kasing mana sa akin. Sabi mga kayamanan daw na naiwan ng mga magulang ko at ako lang ang makikinabang doon. Kaya sa halip na gamitin ko kung saan saan, ginawa ko nalang business. Brilliant kid huh? Hahaha.

Pagdating ko sa school. Napansin kong nakatingin sakin yung mga estudyante with matching bulungan pa. Seriously? Anong problema ng mga 'to?

Pumasok na ako sa loob ng room. Sumalubong kaagad sakin si Sandra.

"Kalat na sa school na kayo na ni Gio." Bungad sakin ni Sandra.

"So? Anong pake nila?"

"Hindi kasi sila makapaniwala. Alam mo namang almost perfect na yung relationship ni Shane at Gio. Tapos biglang kayo na pala."

Tumaas yung kilay ko.

"Eh wala pa rin silang pakialam. Hindi nila alam ang tunay na nangyayari kaya wag silang manghusga kaagad." sagot ko.

"Guys! Wala daw prof! May meeting sila! Wooooh! Party! Party!" Napatingin kami sa lalaking pumasok sa room namin. Kaklase ko siya, si Neo ang sobrang kulit na kaklase ko. Ayan tuwang tuwa at wala daw klase.

Nagpaalam ako kay Sandra na lalabas lang ako saglit. Tutal, wala namang prof kaya pumunta ako sa rooftop. Doon man lang ay makapagrelax ako.

Naupo ako doon. Malinis naman dun sa rooftop namin, sa katunayan may tiles pa nga yun eh. Saka may mga benches pa. Pero sa lapag ako naupo. Ipipikit ko na sana yung mata ko nang may narinig akong nagsasalita.

"Shut up!.... I don't care!... Pwede ba Shane? Tigilan mo na ako! Hindi ako natutuwa.... Sinira mo na nga yung pagkakaibigan namin..... NO! NO!... I SAID NO!.." Nagulat ako sa narinig ko. Kung hindi ako nagkakamali. Si Zack yung narinig kong nagsalita at si Shane yung kausap nya sa telepono.

Lumingon ako, at may nakita nga akong lalaki na nakaupo sa isang bench doon. Nakayuko at nakahawak sa buhok niya. Mukha syang frutrate na frustrate sa buhay nya.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Paano nyo nagawa kay Gio yun?" Dahil sa sinabi ko, napatingin sya sakin at parang gulat na gulat. Ang gwapo nya pala kapag malapitan nya. Hazelnut eyes, pointed nose, rosy cheeks. I admit it, mas gwapo siya kay Gio.

"Maniniwala kaba kung sasabihin ko?" Tanong nya sa akin .

"Oo naman." I answer. Gustong gusto ko kasing malaman yung dahilan. At paano nangyari yun.

*doReMi

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon