Sandra's POV
"Bwisit naman Drake, lumabas ka sa kwarto ko!" Sigaw ko. Surang sura na ko sa alien na 'to eh! Walang ginawa kundi ang mangulit ng mangulit sakin.
'Yun naman ang gusto ko eh diba? Ang kulitin nya ako at pansinin nya ako (landi alert), kaso napupuno na talaga ako. Lagi nya akong ginugulo dito sa kwarto ko! Nananahimik na ko ahh!
Tapos isa pang bwisit, si Hannah. Dalawang araw ng hindi pumapasok, adyo nasaan ba yung babaeng yun? Hindi ko rin siya macontact, kapag naman tinetext ko siya, hindi nagrereply!
"Oh, tulala ka nanaman dyan." Nabalik ako sa realidad nang marinig ko si Drake na nagsalita. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagbabasa sa hawak kong libro.
"Uy." Naramdaman kong kinalabit ako ni Drake.
"ANO BANG PROBLEMA MO?!" sigaw ko sakanya. Takte, hindi ko na mapigilan.
"Magpapatulong lang naman ako." Sabi niya habang nakatungo. Bigla naman akong naguilty. Magpapatulong lang pala kasi hindi agad sinabi, ang dami pang panunurang ginawa eh!
"Anong tulong?"
"Kasi, anniversary na namin ni Lara sa is--" hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya.
"Wala akong maitutulong." Badtrip eh! Kapal ng mukha! Talagang sa lahat ng ihihingi nya ng tulong, iyon pa?! Kulang nalang talaga kaladkarin ko siya palabas ng kwarto ko.
"Sandra, please?" Nakatungo nyang sabi pero hindi ko pa rin siya pinapansin.
"Fine. Wag na. Sorry for bothering you." Pagkasabi nya nun, lumabas na sya ng kwarto ko. Aba't saan natutong mag-english yan? Sa pagkakaalam ko, hindi yan nag eenglish ah?
Maghapon akong hindi makapagconcentrate sa binabasa ko. Langya kasing Drake yan eh! Ano ba guys, help me! Tutulungan ko ba siya o hindi?!
Kapag tinulungan ko siya, masasaktan ako at baka pagsisihan ko yun hanggang sa huli.
Kapag naman hindi ko siya tinulungan, parang sobrang walang kwenta akong bestfriend kasi hindi ko man lang siya tinulungan. Saka kung totoong mahal ko siya, magiging masaya dapat ako kung saan siya masaya.
Bahala na mamaya. Kakausapin ko siya, hihingi ako ng sorry.
Ipagpapatuloy ko na sana yung pagbabasa ko, kaya lang nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta ako ng kusina para kumuha ng pagkain ko.
Sakto naman, naabutan ko si Drake sa kusina. Bumilis yung tibok ng puso ko. Kakausapin ko ba siya? Eh ano naman sasabihin ko sakanya? Hala! Nababaliw na yata ako.
"Sandra?"
"H-ha?"
"Kinakausap mo yung sarili mo?" Gosh. Totoo? Kinakausap ko yung sarili ko? Ugh. Ano ba, hihingi naba ako ng sorry at sasabihin ko sakanyang tutulungan ko na siya?
"He-he. S-sorry." Nauutal kong sabi. Teka, bakit ba ako nauutal? Anong problema sakin?
"Sorry saan?" Teka, saan nga ba? Hala. Nababaliw na talaga ako.
"Sa kanina." Mahina kong sabi, halos pabulong na nga eh.
"Ahhh. Wala yun, ayaw mo naman yata talaga ako tulungan eh." May halong pang-aasar sa tono ng beses nya.
"Oo, AYAW KO TALAGA! AYAW KO!! KASI BWISIT KA, MAHAL KITA! AKIN KA LANG!"
Pero syempre hindi yan ang sinabi ko. Ano ba! Babae ako kaya ayokong mag first move saka hindi ako desperada! May respeto pa naman ako sa sarili ko.
"Tutulungan na kita." I murmurs. Bigla kong tinakpan yung bibig ko. Seryoso? Sinabi ko yun? Hala! Binabawi ko na. Hindi hindi, ayaw kita tulungan :(
Nagulat ako nung niyakap nya ako. "Thank you, bestfriend." Bulong nya sa akin. Bakit ang sakit? Bakit parang gusto kong umiyak?
Hanggang bestfriend nalang talaga ang turing nya sakin at hindi na hihigit pa dun. Masaya ako para sakanila ni Lara pero ang sakit talaga sa part ko.
"Oh, bakit ka umiiyak? Ano problema?" Pinunasan ko ng mariin yung mga luhang pumatak sa mata ko. Mga traydor na luha! Umiling ako sakanya at tinalikuran na siya.
Sa pagtalikod na yun, sabay ko na ring tinalikuran ang feelings ko para sakanya.
Sorry Hannah, hindi ko na nagawang lumaban. Una palang, talo na ako eh. Paano pa ako lalaban? Kaya tatanggapin ko nalang na TALO na talaga ako.
---
Someone's POV
"Hannah Saviejo, hindi ka pwedeng maging masaya kahit kailan. May mga bagay ka pang kailangan mong pagbayaran." After I said that I hop in on my car.
I saw her with some sort of guy. I don't care if boyfriend nya yun or what. Basta hindi siya pwedeng maging masaya.
Pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko, magiging masaya sya? No way!
I drive fast pauwi sa condo ko. Babalik na ako bukas sa Pilipinas. At doon ko isasagawa ang plano ko kay Hannah Saviejo.
----
A/N: Puzzled. Kahit ako, napupuzzle eh. Hahaha.
Guys, ENJOY! :')
Lovelots ××
BINABASA MO ANG
Love Hurts
LosoweDoes love really hurts? I don't know why because I've never been fallen ever. Dati, nababasa ko sa mga wattpads. Napapanood ko sa mga tv. Napapakinggan ko sa radio. Nakikita ko sa mga kaibigan ko. Kapag nagmamahal sila may kaabikat talagang sakit...