Hurt 9

30 7 0
                                    

Habang naglalakad ako sa hallway nung hotel. Nagulat ako sa nakita ko.

"HANNAH WAIT! HINTA---" lumingon ako kay Gio na nasa tabi ko na pala ngayon.

"SHANE?!" Sigaw ni Gio.

Lumapit siya kay Shane na kasalukuyang nakaupo ngayon sa sahig at umiiyak.

Nakita ko ang galit sa mukha ni Gio. Wala siyang sinabi. Ni hindi nya ako nagawang lingunin. Hinila nya patayo si Shane at kinaladkad paalis. Kami nalang ni Zack ang naiwan dito.

"Ano nangyari?" Tanong ko kay Zack. Naabutan kasi namin si Shane na umiiyak at nakaupo sa sahig samantalang si Zack nakatayo lang doon tila walang pakialam kay Shane. Hindi nya ako sinagot, naglakad lang siya paalis. Sa hindi ko malamang dahilan, sinundan ko si Zack.

Napansin kong nandito pala kami sa pool ng hotel. Umupo siya sa isang bench. Umupo din ako sa tabi niya. Hindi pa rin siya nagsasalita. Mas pinili ko pa ring manahimik nalang.

Tumingin ako sa itaas at pinagmasdan ang mga bituin. Naiinlove na talaga ako sa mga stars na 'to. Tinignan ko yung paligid namin, ang tahimik ng lugar na 'to. Napansin ko ring kami lang pala ang nandito. Medyo madilim pero meron namang iilang mga ilaw para makita mo yung nilalakaran mo.

"Ayoko na, Hannah." Napatingin ako kay Zack nung nagsalita siya.

"Makikinig ako."

Ilang minutong katahimikan.

"Matagal na kaming magkaibigan ni Gio. Bata pa lang kami, magkaibigan na kami. Ang turing na nga namin sa isa't isa magkapatid. Naalala ko dati, hindi na kami mapaghiwalay na dalawa. Kumakain kami ng sabay, naglalaro araw-araw, kapag aalis yung isa kailangan kasama yung isa. Dati, kapag may nagugustuhan kaming babae, kailangan tulungan kami sa panliligaw nun. Kapag nabusted? Okay lang, tatawanan lang namin yun. Sasabihin pa nga namin ay, 'Siya ang nawalan' sabay tatawa ng malakas. Haha." His voice broke. Tinignan ko siya pero nakayuko pa rin siya kaya hindi ko makita yung mukha nya. Pero feeling ko, umiiyak na siya.

"Nung nalaman kong nakaarrange marriage ako kay Shane, hindi ako pumayag. Kasi alam ko na nung mga araw na yun na may gusto na siya kay Shane. Ayoko naman talaga kay Shane eh. At alam ko rin namang si Gio pa rin ang mahal niya. Ayaw nya lang suwayin yung nanay nya." Tumihimik ulit siya. Hindi pa rin ako nagsasalita.

"You know what? Ginawa ko ang lahat para hindi matuloy yang walang kwentang fix marriage na yan. Pero mapilit talaga sila... Alam ko, galit na galit na sa akin ngayon si Gio. Ni ayaw nya pakinggan yung paliwanag ko... Bading man pakinggan, pero mahal ko yung kaibigan ko na yun. Ayokong masaktan siya ng dahil sa akin. Minsan na siyang nagsakripisyo para sakin. Kaya ako naman ang kinakailangang gumawa ng paraan para sa ikakasaya niya.." Nakita kong tumingala siya at medyo pinahiran yung mukha niya. "Wala akong balak na agawin sakanya si Shane dahil ibang tao ang gusto kong makasama sa buhay ko. Ibang tao ang gusto kong makilala for the rest of my life. Ni hindi ko pa nga nasasabi sa taong yun na gusto ko siya. Tapos ngayon, nagkandaletse letse na ang lahat." Yumuko ulit siya. May gusto siyang babae?

"Sino yung babae?" Sobrang curious kong tanong.

"Sa lahat ng sinabi ko, doon ka lang naging interesado ha?" He smirk.

"Ah ... eh ... Hindi naman sa ganun." Pagpapaliwanag ko.

"Dont worry. Ipapakilala ko rin siya sainyo soon." Then he grins. Wala na kong masabi kaya natahimik nanaman ang paligid.

Wala kang maririnig ngayon kundi ang hangin. Kaya ang awkward magsalita. Saka wala naman akong sasabihin sakanya. Bakit pa ko magsasalita?

Nakita ko siyang nakayuko nanaman. Tumingala ako sa taas. Nang biglang tumunog nanaman yung tyan ko. Lumaki yung mata ko. Spell nakakahiya? H-A-N-N-A-H ! Ahhhh! Lupa, lamunin mo na ako ngayon.

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon