Naalimpungatan ako at nakaramdam ng pagkauhaw. Kaya bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig.
Pagkatapos kong uminom ng tubig, babalik na sana ako sa kwarto ko nang mapadaan ako sa sala at nakita ko si Gio na nakabaluktot doon.
Ano ba kasing pumasok sa isip nito at dito natulog? May sarili naman silang bahay saka mas malaki pa dito noh.
Pumanhik ako sa kwarto ko para kumuha ng kumot. Pagbalik ko sa sala, kinumutan ko si Gio. Tinignan ko siya. Ang gwapo nya kapag malapitan.
Bakit mas pinili ni Shane si Zack kaysa kay Gio? Bakit? Samantalang, si Zack pinagtatabuyan lang siya at si Gio yung mahal na mahal siya. Minsan talaga ang labo ng mga babae magdesisyon.
Nagulat ako nang bigla akong hatakin ni Gio palapit sakanya.
"Shane." Bulong nya. Naaamoy ko na ung hininga nya, ang bango. Hanggang ngayon, si Shane pa rin yung napapanaginipan nya at nasa isip niya.
"Move on, Gio." Bulong ko naman sakanya.
"I love you, Shane." He flash a smile in his face.
Ang swerte ni Shane at mahal na mahal siya nitong si Gio. Sadyang tanga lang talaga siya.
Iniayos ko na si Gio sa paghiga nya at bumalik na sa kwarto ko.
-----
"Gumising kana, Ms. Hannah Saviejo!!!" Nagising ako sa isang sigaw.
"Ano bang problema mo? Lumayas ka sa kwarto ko." Sabi ko sabay talukbong ng kumot.
"AHHHHHHHHH!!!" Napasigaw ako nang bigla nya akong buhatin. Yung buhat na parang bagong kasal.
"PWEDE BA, IBABA MO AKO! GIO!" sunod sunod ko pa ring sigaw. Hindi pa rin siya nagsasalita. Bigla nya lang akong binaba sa upuan ng dining table ko.
Nagulat ako nang makita ko ang daming pagkain sa na nakahain ngayon sa harap ko.
"Ikaw nagluto nito?" Takang taka kong tanong.
"Ohyes. Kain kana, dali." Utos nya sakin. Bossy talaga siya.
Tinikman ko yung niluto nya. Fried Rice Sunny side up egg, Hotdog, Bacon, Tapa and Hot Cappuccino.
Ang sarap. Parang mas masarap pa siyang magluto sakin ah. Tapos ang ganda pa nung presentation. Para akong kumain ng almusal sa mamahaling resto.
"Masarap ba?" Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Pwede na pagtyagaan." Pagkukunwari ko. Pero masarap talaga.
"Ah, kaya pala ubos mo na kaagad." panunura pa nya. Hindi ko siya pinansin at kumain lang ng kumain.
Napatingin ako sa orasan at sobrang nagulat ako. It's alredy 9 in the morning? Seriously? Late na ako!
"Hindi tayo papasok." Napatingin ako kay Gio. Seryoso ba sya? Hindi kami papasok?
"Hindi pwede! Scholar ako noh!" Angal ko.
"Edi kapag natanggal yung scholar mo, ako nalang magpapaaral sayo." Mapang-asar nyang sabi.
"Tigilan mo ako, Gio. Ayoko!!!" Sigaw ko ulit sakanya.
"Gusto mo pumasok? Sige. Itatapon ko nalang yung ticket ko papuntang Canada. Sayang din yun, full package pa naman." Nilabas nya yung ticket at akmang pupunitin na yun pero pinigilan ko siya.
"No. I'll come with you. Ilang days ba yan?"
"3 days."
"3 days? Tatlong araw akong aabsent?? Noooo." Angal ko ulit. Hindi kasi talaga pwede. Baka tanggalin yung scholar ko sakin.
"Okay." Sinura nanaman nya ako. Nakahanda na yung kamay nya para punitin yung dalawang tickets na hawak nya. And for the second time, pinigilan ko nanaman siya.
"Oo na. Sige na. Wait, magbibihis lang ako." Pagkasabi ko nun, tumayo kaagad ako. Dumiretso ng banyo at nag-ayos.
Pupunta kaming Canada? Para saan kaya? Kasama kaya yun sa plano namin? O trip trip lang? Whatever it is, naisip ko sayang din yun kung hindi ako sasama sa kanya. Ah, baka nandun si Shane kaya kami pupunta dun. Grabe talaga 'tong si Gio, lahat gagawin para lang makapaghiganti kay Shane.
Pero kahit ano pang dahilan kung bakit kami pupuntang Canada, excited na ako kasi makakapunta na ako sa lugar kung saan nagkakilala ang mama at papa ko.
*doReMi
BINABASA MO ANG
Love Hurts
RandomDoes love really hurts? I don't know why because I've never been fallen ever. Dati, nababasa ko sa mga wattpads. Napapanood ko sa mga tv. Napapakinggan ko sa radio. Nakikita ko sa mga kaibigan ko. Kapag nagmamahal sila may kaabikat talagang sakit...