Hurt 3

51 7 0
                                    

Pagkatapos nung sobrang dramang nangyari samin kahapon. Hinatid na niya ako pauwi sa bahay ko at umuwi na rin siya. Sabi ko sakanya, magpahinga muna sya. At wag na wag siyang iiyak. Kasi wala namang magyayari kung iiyak lang siya ng iiyak.

Nandito nga pala ako sa bahay nila Sandra ngayon. Kanina kasi sila umuwi, eh pinapunta niya ako dito para daw makapagchikahan kami.

Umupo ako sa kama niya at tumingin tingin sa paligid. Ang ganda kasi ng kwarto niya, sobrang girly nung mga designs. Pink walls, pink bed, pink curtains basta halos lahat pink. Tapos may mga butterflies na design pa sa gilid gilid.

"Magkwento ka naman sa nangyari dito, habang wala ako." Kakapasok lang nya ng kwarto kasi kumuha siya ng pagkain. Nilapag niya sa kama yung tray at kumain kaagad. Grabe tong babaeng 'to, ang takaw.

"May boyfriend na ako." Seryoso kong sabi at muntik na nyang maibuga yung kinakain niya.

"Ikaw? May boyfriend na? Grabe ka naman. Isang linggo lang akong nawala tapos pagbalik ko may boyfriend kana? Ganun ka lang ka easy-to-get??!"

Natawa ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga 'tong si Sandra, ang O.A. hahaha.

"Hindi ako easy-to-get noh. Nagpepretend lang kami." At sa sinabi kong yun, lalong lumaki yung mga mata nya sa sobrang gulat.

"Seryoso ka?? Kailan kapa natutong gumanyan ganyan? Sa wattpad at movies ko lang yan nakikita ah. Magpapanggap kunwari pero sa huli sila pa rin ang magkakatuluyan. Kaya tigil-tigilan mo yang binabalak nyo ha habang maaga pa." Walang hinto nyang sabi kaya ayan, hingal na hingal. Kumuha siya ng juice. Ininom niya yun

ng isang tunggaan lang. Ako, natatawa lang.

"Wag ka nga kasi munang OA. Basta ang gusto lang nya maghiganti kay Shane ka---"

"SHANE??! yung pinsan mong hilaw?"

"Oo. Kasi nga gus---"

"Talaga? Eh ituloy nyo na yang binabalak nyo. Hindi na ako tututol. Kasi surang sura din ako sa ugali nyang pinsan mong yan eh. Kala mo kung sino ha. Hindi naman kagandahan. Mas maganda pa rin ako."

"Binabalak namin siyang gantihan kasi iniwan nya si Gio ng ganun ganun lang. Nung una gus---"

"Gio? Gio Arellano? Seryoso ka? Yung hearthrob sa university? Ohmygosh." Tumalon talon pa siya sa kama.

"Oo nga ganito kasi yun. Diba nga nung una kasi gusto nya magpanggap kami to win Shane back pe---"

Kumagat siya sa kinakain nyang burger at nagsalita nanaman. "Ay tanga pala yang Gio na yan, ano? Gusto nyang bumalik pa sakanya si Shane? Hindi ba nya alam kung gaano kawalang puso yung babaeng yun tap---" this time, I cut her off.

"Ano ba Sandra? Hindi ka titigil? Hindi pa ako tapos magsalita ah. Ilang beses mo na pinutol yung sasabihin ko?" Kinuha ko yung juice at ininom iyon. Kumuha rin ako ng Nova saka kinain iyon.

"Sorry. Nakakagulat kasi eh. Sige, tuloy mo na yung kwento mo." walang humpay pa rin siya sa pagkain.

"Ayun nga. To cut the story short, nagpapanggap kami kasi gusto ni Gio na gantihan si Shane."

"Ha? Eh paano?"

"Basta. Wala pa kasi kaming nagagawang plano nitong si Gio. Pero kami na bahala dun." Pagpapaliwanag ko. Hindi naman na siya nagtanong pa. Mukha namang naliwanagan na siya.

"Ako naman magtatanong. Anong nangyari sayo dun sa probinsya nyo?" Pagtatanong ko habang ngumunguya pa rin.

"Hinihiling ko nga sana hindi nalang ako pumunta dun eh."

"Bakit naman?"

"Nakita ko kasi ulit si Drake." Halatang may inis sa boses nya.

"Oh eh ano namang problema? Diba dapat masaya ka at nakita mo yung taong mahal mo at kinababaliwan mo? Hahaha." I tease.

"Ayun nga problema eh. Okay lang sana kung si Drake lang nakita ko. Eh nakita ko siyang may kasamang iba and guess what? Girlfriend nya na daw yun!" Pagpapaliwanag nya. Tinignan ko siya at kumukunot na yung noo nya. Inis na inis nya.

"Chill. Hindi pa naman asawa eh. Kaya may chance kapa."

"Eh para na nga silang mag-asawa kung umasta! Grabe lang! Hindi na nahiya. NapakaPDA!" sa sobrang inis nya, napipi na yung burger na hawak nya.

"Pwede naman kasing maghanap ng iba! Siya lang ba lalaki sa mundo?"

Natahimik siya sa sinabi ko at napayuko. Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog yung cellphone ko.

Gio calling.....

"Hel--"

("Nandito ako sa labas ng bahay nyo. We need to talk.")

"O--"

*tooot* *tooot* *tooot*

Bastos talaga tong lalaking 'to. Hindi man lang ako nakapagsalita ah. Masyadong bossy. Kaya siguro iniwan ni Shane.

"Si Gio ba yun?" Sandra asks. I nod for my answer.

"I need to go. We need to talk daw sabi niya." Pagpapaalam ko.

Hinatid din ako ni Sandra sa gate nila. Sabi ko ay next time nalang kami magchikahan ulit. Sumakay na ako sa kotse ko, hindi ko na rin kailangang magcommute pa at saka para mas mabilis baka kasi inip na inip na yung lalaking bossy na yun.

Pagdating ko sa bahay ko. Nakita ko siyang nakasandal sa kotse nya. Nung napansin nya ako, lumapit kaagad siya sakin at niyakap nanaman ako.

Madalas talagang manggulat 'tong lalaking to. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. I dont hug him back. Nakatayo lang ako dun, at kunot ang noo.

"I hate her.... so much.... Pwede naba natin simulan ang plano?" Because of what he said, I secretly smile.

*doReMi

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon