"Ang tagal mo namang mag-impake. Malelate na tayo!!" Sigaw sa akin ni Gio. Napakalaki ng problema nya. Nagmamadali na nga ako eh. Lahat ng pagmamadali na pwede kong gawin, ginawa ko na.
"Palabas na!!" Padabog akong lumabas sa kwarto ko. Bitbit ang tatlong malalaking maleta.
Hinihintay ko siyang tulungan akong ibaba yung mga maleta pero tinitigan nya lang ako.
"I need help."
"Maleta mo yan. Kaya ikaw magbuhat nyan. Mauna na ako sa kotse, pakibilisan nalang." Tuluyan na nga syang lumabas ng bahay. Wala akong nagawa kundi ang buhatin ang tatlong maleta na 'to. Isa isa ko silang binaba. And worst, pabalik balik ako sa taas.
Yang Gio na yan, walang taglay na pagiging 'gentleman' sa katawan. Una, bossy. Pangalawa, hindi gentleman. Pangatlo, kapag kinakausap mo, bastos. Binababa agad yung telepono. Kaya yan iniwan ni Shane! Dahil sa ugali nya!
Padabog ko pa ring nilagay sa likod ng sasakyan nya yung mga maleta ko. Sumakay sa back seat at padabog pa ring sinara yung pinto ng sasakyan.
Buong byahe namin, napakadaldal niya. Pero wala namang pumapansin sakanya. Hindi ko kasi siya kinikibo. Nakatingin lang ako sa bintana. Nawala talaga ako sa mood dahil sa ugali nya.
Pagdating namin ng airport. Hindi na ko nagpatulong pa sakanya sa pagbubuhat ng maleta ko. Alam ko namang hindi nya ako tutulungan.
Hanggang sa dumating sa Canada, hindi ko siya kinikibo.
"Hindi mo ko kikibuin?" Tanong nya. Pero dinedma ko pa rin sya.
"Sige. Kapag hindi mo ako kinibo, hindi ka makakasama sakin sa isang five star resto. Feeling ko pa naman, gutom kana. Sige, pupunta na ko dun, iiwan muna kita. Bye." Panunura sakin ni Gio. Paalis na sana siya nang biglang kumulo yung tyan ko. What?! Pasaway yung tyan ko. Ang epal.
"Hahahaha!" Walang humpay na tawa ni Gio.
"Pagtatawanan mo nalang ba ako? Ganyan kaba talaga kapag nagugutom yung kasama mo?" Galit kong sabi. Aalis na sana ako pero hinawakan nya yung kamay ko at pinigilan ako sa pag-alis.
"Sorry na. Tara na sa resto. Masarap dun!"
"Idontcare. Hahanap ako ng iba kong makakainan. After all, may pera naman ako." Hinila ko yung kamay ko sakanya pero ayaw nya pa ring bitawan kaya hinarap ko na siya.
"What do you want?" Mataray kong tanong.
"Just come with me. Okay?" At dahil wala na rin naman akong magagawa, sumama na ako sakanya sa resto na sinasabi niya.
Ang sarap nung mga pagkain doon. Yung iba, first time kong natikman. Yung iba naman, natikman ko na dati.
Pagkatapos naming kumain, nag-aaya pa si Gio na maglibot kami pero I insist na pumunta na sa hotel at gusto ko na rin kasing mamahinga. And guess what? I won.
Pagkadating namin sa hotel, pumunta kaagad ako sa kwarto ko. Buti nalang at dalawang kwarto ang kinuha ni Gio. Kung hindi, hahanap talaga ako ng ibang hotel! Haha.
Nag-ayos lang ako ng gamit ko at natulog muna.
"Hannah?" Someone's knocking on the door. Mababaw lang naman tulog ko, kaya nagising kaagad ako. Lumapit kaagad ako sa pinto at binuksan kung sino man yung kumakatok.
"Gio? Why?" I ask him.
"Dinner time na. Mukhang ang sarap ng tulog mo ah. May laway kapa haha!" Dahil sa sinabi nya, tumakbo kaagad ako sa banyo nung kwarto ko at naghimalos. Grabe, nakakahiya. Si Hannah Saviejo tulo laway habang natutulog? Sira na ang reputasyon ko.
"Pakidalian mo naman ang paghihilamos mo, nagugutom na ako." Pagmamaktol ni Gio. Lumabas ako ng banyo at nakita ko siyang nakahiga sa kama ko.
Tinignan ko lang sya ng masama at lumabas na ng kwarto ko. Iniwan ko siya.
Habang naglalakad ako sa hallway nung hotel. Nagulat ako sa nakita ko.
"HANNAH WAIT! HINTA---" lumingon ako kay Gio na nasa tabi ko na pala ngayon.
"SHANE?!" Sigaw ni Gio.
-----
Author's Note:Lame and short update. Pero babawi po ako sa next chapter. :)
Godbless!
VOTE.COMMENT.
*doReMi
BINABASA MO ANG
Love Hurts
RandomDoes love really hurts? I don't know why because I've never been fallen ever. Dati, nababasa ko sa mga wattpads. Napapanood ko sa mga tv. Napapakinggan ko sa radio. Nakikita ko sa mga kaibigan ko. Kapag nagmamahal sila may kaabikat talagang sakit...