"Woooow. Ang ganda dito, Zack." Masaya kong sabi habang yung mata ko paikot-ikot.
Ang ganda kasi dito eh. (A/N: Look for the picture. I attached it. ) Sobrang peaceful tignan. Right? Hindi ko na ieexplain, just look for it.
"Nasaan ba tayo, Zack?"
Hindi ako sinagot ni Zack. Naglakad lang siya papalapit sa bench at umupo doon. Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod sakanya at ang umupo rin sa tabi niya.
"Dito ko pingarap na dalhin yung taong mahal ko." Pagsisimula ni Zack. Tinignan ko lang sya ng nagtataka.
"Ang swerte naman nung taong yun. Sino ba yun?" Tanong ko. He chuckles.
"Ipapakilala ko rin siya sayo, soon."
"Ang tagal naman nung soon. Kailan ba yun?" Tanong ko ulit. Ang kulit ko noh? Haha. Yaan nyo na, nacucurious lang talaga ako. Seryoso, ang swerte nung babaeng gusto ni Zack kasi kayang kaya niyang ipaglaban yung taong mahal niya.
"Wag ka naman excited. Makikilala mo rin naman siya eh. Haha." Sabi ni Zack. Tinignan ko siya. Ang gwapo nya talaga. I look into his eyes. Kitang kita ko yung sincerity nya, yung pagmamahal nya, yung pagiging loyal nya sa taong mahal nya. Ngayon, alam ko na kung bakit pinagsisiksikan ni Shane yung sarili nya kay Zack.
"Basta ipapakilala mo sya sakin, ha." Sabi ko. Ngumiti naman sya at tumango tango.
"Magkaibigan naba tayo? Haha."
"Ayaw mo ba?" I pout.
"Gusto syempre. Haha! Wait, gusto mo ice cream?" Tanong ni Zack. Pumunta kami sa isang ice cream shop doon.
"Flavor?" Tumingin sakin si Zack.
"Cookies & Cream." Sagot ko. Sinabi nya lang yung order nya doon sa counter at umupo na kami.
"Bakit nga pala kayo nandito ni Shane?" Taka kong tanong.
"Naset-up lang ako. Wala talaga akong balak sumama dyan sa Shane na yan, noh." Pagpapaliwanag nya. Natawa naman ako, bakit ang hard nya? Hahaha.
"Buti nalang nandito ka rin pala." Sabi niya. Nagulat naman ako dun mukhang pati rin naman sya nagulat sa sinabi niya.
"I mean, iniwan ako ni Shane at iniwan ka ni Gio. Buti nalang nandito ka para naman may kasama ako hindi ako mukhang tanga, diba?" Kinamot nya pa yung ulo niya. May point siya. Akala ko naman kung ano na. Ang malisyosa ko talaga, kung ano ano naiisip ko.
Dumating na yung order namin kaya kinain na namin yun. Strawberry pala yung binili niya.
"Mahilig ka sa strawberry?" Tanong ko.
"Oo." Matipid nyang sagot.
"Ah, may lalaki rin palang mahilig sa strawberry. Yung mga kilala ko kasing mahilig sa strawberry ay puro babae." Paliwanag ko. Totoo naman eh.
Masaya kaming nagkukwentuhan ni Zack nang biglang...
"HANNAH!" Parehas kaming nagulat ni Zack sa sumigaw. Paglingon ko, si Gio pala. Nakatayo siya sa gilid ko at galit na galit. Anong problema nito? Siya na nga nang-iwan, siya pa ang may ganang magalit? Diba dapat ako?
Hinawakan ni Gio yung wrist ko at hinatak ako patayo.
"BITAWAN MO NGA AKO, GIO!" Sigaw ko. Hinahatak ko rin yung kamay ko sakanya pero ang higpit ng hawak nya. Amg sakit.
"ARAY GIO! MASAKIT!" Nakita kong tumayo si Zack at hinawakan yung isa ko pang kamay.
"Iniwan mo siya diba? Ako ang kasama nya ngayon." Kalmadong sabi ni Zack.
Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Gio, sinuntok niya si Zack kaya napaupo siya sa sahig.
"GIO ANO BA!" sigaw ko. Nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Ano ba kasing problema nitong Gio na to? Iniwan iwan nya ako tapos kung sa kailan may kasama na ako saka nya ako hahatakin? Mag iiskandalo pa!
"ANO HANNAH? MAY GUSTO KANA RIN KAY ZACK NGAYON?" sigaw ni Gio.
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Oh eh bakit ayaw mo iwan yang lalaking yan? Ha?" Maangas na tanong ni Gio. Nakatayo na rin si Zack. Susuntukin sana nya si Gio pero pinigilan ko siya kaya naman nanahimik na siya.
"Iniwan mo ko diba? Tapos tatanungin mo ako kung bakit ayaw kong sumama sayo?"
"F*ck." He cursed. Hindi nya pa rin binibitawan yung kamay ko.
"Ano Gio Ha? Nasan na yung magaling mong ex? Iniwan mo ko para dun sa babaeng yun diba?!" Lalong humigpit yung pagkakahawak nya sa kamay ko.
Parang lalo syang nagalit sa sinabi ko. Bakit siya magagalit? Eh, TOTOO naman yung sinasabi ko! Iniwan nya ako para doon sa babaeng yun! Diba?
Hinihintay kong magsalita siya pero hindi pa rin siya nagsasalita. Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita siya.
"Fine. Zack you won." Kalmado nyang sabi sabay binitawan nya na yung kamay ko. Nakita ko siyang tumalikod at lumabas ng ice cream shop.

BINABASA MO ANG
Love Hurts
AcakDoes love really hurts? I don't know why because I've never been fallen ever. Dati, nababasa ko sa mga wattpads. Napapanood ko sa mga tv. Napapakinggan ko sa radio. Nakikita ko sa mga kaibigan ko. Kapag nagmamahal sila may kaabikat talagang sakit...