Buong gabi akong hindi makatulog. Iniisip ko kasi si Zack. Ugh. And I hate it.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko. Ayoko rin yung iniisip ko ngayon.
Mga malisyosa/malisyoso kong readers, alam ko kung anong iniisip nyo! Guess what? Yun din nasa isip ko ngayon pero IMPOSIBLE na mangyari yun. Gaya nga ng sabi ni Zack, may gusto na siyang babae. At--at hindi ako yun!
Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko. Ganito pala feeling.
*bzzzt* *bzzzt*
From: Gio
Ayusin mo na yung gamit mo. Uuwi na tayo bukas.Uuwi na pala kami bukas? Bakit parang ayaw ko pa? :( Gusto ko pa dito! Gusto ko pa makasama si Zack! Shit Hannah, tigilan mo nga yang iniisip mo!
Hindi ko na nireplyan si Gio. Isa pa yan eh, ang weird weird nya kanina! Magiskandalo ba naman sa madaming tao. Nakakahiya sya. Hindi ko rin alam yung dahilan nya kung bakit ganun yung inasta nya kahapon. May pa 'Zack, You Won' pang nalalaman.
---
*tok tok tok*
Nagising ako dun sa taong kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Sini ba yang istorbo na yan? Hindi ba nya alam na hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi! Tapos gigisingin nya ako ng maaga ngayon?!
Tumayo ako at pumunta sa pinto para buksan yun.
"Diba sabi ko ngayon tayo uuwi? Eh bakit hindi kapa gumagayak?" Eh sino pa ba ang malakas ang loob na katukin ako sa kwarto at sigawan ako? Si Gio Arellano lang naman!
Isasara ko na sana yung pinto pero pinigilan nya ako.
"Gumayak kana!" Utos nya. Ang bossy talaga niya kahit kailan.
"Oo na. Oo na. Umalis kana!!" Sigaw ko sakanya.
"Hihintayin kita sa lobby. Kapag wala kapa doon ng 9, iiwanan na kita." Sabi niya. Magsasalita pa sana ako nang bigla akong tinalikuran ni Gio at naglakad na palayo.
Dahil sa sobrang inis ko, sinara ko yung pinto nang sobrang lakas! Ugh. Napakabossy talaga nang taong yun!
Gumayak na kaagad ako. Tumingin ako sa orasan, 8:30 na pala. Binilisan ko yung pag-aayos ko sa sarili at inayos ko na rin yung mga gamit ko.
Naisip ko bigla, parang sobrang gulo ng nangyari sakin dito sa Canada. Hindi ko na rin maintndihan sarili ko.
Eto nanaman ako, dala dala ang tatlong maleta. Naisip ko, bakit nga ba parang ang dami kong dala samantalang hindi ko naman nagamit lahat? Nagsasayang lang ako ng enerhiya ko sa pagbubuhat! -_-
Habang naglalakad ako sa hallway bitbit bitbit ang tatlong maleta ko, nakasalubong ko si Zack at parang sasabog nanaman ang puso ko.
"Oh, Hannah!" Masayang bati nya.
"Uhm, Z-Zack!" Ano ba yan, nauutal ako!
"Uuwi na kayo?" Tumingin siya sa mga maleta na hawak ko. Hindi ako nagsalita, tumango lang ako.
"Sakto, pauwi na rin kami ni Shane eh. Nagulat kasi ako sakanya, bigla siyang nag-aya umuwi. Nasan si Gio?"
Uuwi na rin sila? Tignan mo nga naman ang tadhana oh! Gumagawa talaga ng paraan! Hahaha.
"Nasa lobby." Tumango lang siya. Nagulat ako nang kunin nya yung dalawang maleta.
"W-wag na. Kaya ko na yan, Z-Zack!" Pigil ko sakanya.
"Bakit kaba nauutal?" He chuckles. Eh bakit nga ba ako nauutal? Naman Hannah eh! Ang tanga mo! Hindi na ako nagsalita pa. Bumaba na kami ng lobby.
Pagdating namin sa lobby, naabutan namin si Shane at Gio na nag-uusap.
"It looks like, they're talking about something." Bulong ni Zack sa akin.
Mukhang seryosong seryoso si Gio sa kung ano man yung pinag-uusapan nila ni Shane.
Niyaya ako ni Zack na maupo muna doon sa gilid. Wag muna daw namin iinterupt yung dalawa. Ano kayang pinag-uusapan nila? Bigla tuloy ako nacurious.
I check my wristwatch, it's already 9:10! Hindi pa ba ako hinahanap ni Gio? I decided to stand up at pumunta sa pwesto nila.
"ehem" sabi ko. "Mawalang gana na ho, late na tayo sa flight, ano? Magchichikahan nalang kayo dyan?" Mataray kong tanong. Naramdaman kong nasa likod ko na rin pala si Zack ngayon.
"Uhm, okay lang ba kung sumabay sa atin sila Shane?" Tanong ni Gio sa akin. Bakit sakin siya nagpapaalam?
"Adyo, kahit sino pa isabay mo. Wala akong pakialam." Pagkasabi ko nun, magwalkout na ako hila hila yung tatlo kong maleta. Seriously, napangiti din ako kasi naisip ko, kung sasabay samin sila Shane edi kasabay din namin si Zack! Ohyes. Ang tadhana talaga ang mismong gumagawa ng paraan. Hahaha.

BINABASA MO ANG
Love Hurts
NezařaditelnéDoes love really hurts? I don't know why because I've never been fallen ever. Dati, nababasa ko sa mga wattpads. Napapanood ko sa mga tv. Napapakinggan ko sa radio. Nakikita ko sa mga kaibigan ko. Kapag nagmamahal sila may kaabikat talagang sakit...