Chapter 50: Royal Knot

6.3K 195 13
                                    


Prince Kael

"Ang anak ng Prime Minister na si Elena ay hinatulan ng pagkakakulong dahil sa patong-patong na kaso sa kanya. Hindi pa rin nagsasalita ang Prime Minister tungkol dito at madami ang kinikwestyon ang pamumuno niya dahil sa ginawa ng anak..."

Pinatay ni Kael ang TV dahil kuntento na siya sa narinig. Hindi na niya kailangang makinig pa dahil alam na niya ang mangyayari kay Elena.

Napasandal siya sa upuan at napaisip ng malalim. Ilang araw din siyang naging busy sa pag-aasikaso ng trabaho niya at pati na nung kaso ni Elena. Ginawa niya ang lahat para matapos agad ito.

Napatingin si Kael sa pinto nung bumukas ito at pumasok ang reyna at hari sa loob ng opisina niya. Tumayo si Kael at yumukod sa mga magulang.

"Finally, it is over," nakangiting sabi ni King Reagan sa kanya.

"Yes, finally." Masaya rin ang reyna at yumakap pa sa anak. "Thank you for working so hard to bring justice to what happened to Princess Abby."

Yumakap din si Kael sa ina bago humiwalay pagkatapos ng ilang segundo. "I needed to do it for my wife."

Tumango si Queen Beatrice at mukhang masaya ito sa narinig.

Nagtataka si Kael bakit ang saya-saya ng mga magulang niya. Masaya rin naman siya dahil nabigyan ng hustisya ang nangyari sa asawa niya pero hindi niya makuhang lubos na maging masaya dahil may kulang pa. Wala pa sa tabi niya ang asawa.

"Now that I did my part. I hope you will do your part, too," sabi ni Kael na kinataka ng mga magulang niya.

"What do you mean, Kael?"

Bumaling si Kael sa ama niya at seryosong sinabi na, "Tell me where she is."

Hindi nakapagsalita ang hari at reyna.

"I know that you have been hiding her from me. Please, I am begging you. Tell me where my wife is. I badly wants to see her."

Nagtinginan ang hari at reyna dahil sa pagmamakaawa ng anak nila. Makikita sa mga mata nila ang awa para sa anak. Hindi natiis ng reyna si Kael kaya nilapitan niya ito at hinawakan ang mga kamay nito.

"We love you so much, Kael. We love Abby so much, too. She is a family. Please understand that we did it for her safety."

Napatango si Kael. Naiintindihan niya ang pagtatago sa kanya ng mga magulang niya. Siguro naawa ito sa asawa niya kaya tinulungan nila itong makaalis. He couldn't blame them. His wife suffered too much kaya kailangan nito ng space.

"Let me know where she is, mom."

Napabuntonghininga si Queen Beatrice saka sinabing, "Nasa Amrika sila, anak. I will give you the exact address but promise me that you will do everything to bring her back. She belongs here, with us. Bring my daughter in law back."

Tumango si Kael. "Thank you for watching her and taking care of her while I am fixing my mess. I appreciate it so much."

Parang natunaw ang puso ng reyna dahil sa narinig niya mula kay Kael. Para sa reyna, iyan na ang pinaka-mature na mga salitang narinig niya mula sa anak. Talaga namang natuto na ito at nag-mature na. Ang laki na ng pinagbago ni Kael kaya masaya siya.

Hindi natiis ng reyna na hindi yakapin ng mahigpit si Kael. Hinalikan niya pa ito sa pisngi ng ilang beses dahil sa sobrang tuwa at pagka-proud sa anak. Naiyak ang hari sa nakikita kaya sumali rin siya sa yakapan ng mag-ina niya. Ito na ata ang unang yakapan nilang magpamilya pagkatapos ng ilang taon na malayo ang loob ng anak sa kanila.

Alam ng reyna na napatawad na sila ni Kael at tanggap na nito ang sitwasyon ngayon. Sobrang saya niya at hindi mapagsidlan ang tuwa niya. Isa nalang ang kulang, ang bumalik si Abby para kumpleto na silang pamilya. Excited na siyang mabuo ang maliit na pamilya nila at excited na rin siyang madadagdagan sila ng isa pang myembro sa susunod na mga buwan.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon