Chapter 41: Royal Reaction

4.9K 167 12
                                    


Abigail

"Nakausap mo na ba si Chief Edric?"

Tumango si Lady Zia. "Ngayong araw na po ang balik nila, Your Highness. Nakuha ko na rin po ang mga impormasyon tungkol sa mga appointments ni Prince Kael sa loob ng tatlong araw bago po siya aalis ng bansa."

"Mabuti," tumatangong sagot ko. "Hindi naman ba naghinala si Chief Edric kung bakit ka nagtanong?"

"Sa palagay ko ay hindi naman po."

Mabuti naman kung ganun. "Na clear mo na ba ang ilang appointments ko para makasama ako kay Kael?"

"Opo, Your Highness. Tinira ko lang po ang mga importante na kailangan ninyong daluhan." Saglit na tumigil si Lady Zia bago nagsalita ulit. "Kailangan niyo po ba talagang gawin ito, Princess Abby?"

Umiwas ako ng tingin mula kay Lady Zia bago sumagot. "Kailangan, Lady Zia. Hindi ako mapakali kung wala akong gagawin. Kailangang mapigilan ko na magkita sila."

"Bakit hindi niyo nalang po kausapin ng diretso si Prince Kael tungkol dito? Baka meron naman po siyang eksplinasyon at nang hindi na po kayo nag-aalala ng sobra."

Umiling ako. "Natatakot akong komprontahin siya. Hindi ako handa sa maaari niyang sabihin. Isa pa, siya sana mismo ang nagsabi sa akin tungkol sa babaeng 'yon. Pero hindi eh, sa iba ko pa nalaman ang tungkol sa kanila."

Sinabi ko kay Lady Zia kahapon ang lahat ng nalaman ko tungkol kay Kael at sa babae na dati niyang mahal. Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa mga sinabi ni Elena sa akin. Siya lang kasi ang pwede kong mapagsabihan tungkol sa bagay na ito. Kailangan ko rin kasi ng masasabihan dahil kung hindi, para akong mababaliw kakaisip mag-isa.

Napatingin ako ng mabuti kay Lady Zia. "Hindi mo ba talaga kilala ang babaeng 'yon? Kahit pangalan niya?"

"Hindi po talaga, Your Highness. Hindi ko nga po alam na may sineryoso palang babae si Prince Kael. Tinago po siguro nila ng mabuti kaya walang may nakakaalam."

Napaisip ako. Kung mahal nila ang isa't-isa, bakit nila tinago ang relasyon nila? Gusto ko ring malaman kung bakit sila naghiwalay.

Napabuntonghininga ako ng malalim saka tumayo. "Basta ito ang naiisip ko na tamang gawin," sabi ko saka tumingin sa kanya. "Wala sanang iba na makakaalam nito. May tiwala ako na hindi mo ito ipagsasabi, Lady Zia. Ayokong malaman ito ni Kael."

"Makakaasa po kayo, Your Highness."

Tumango ako sa kanya bago naglakad palabas ng opisina.

* * *

Kakapikit ko pa lang nung may narinig akong pumasok sa loob ng kwarto kaya napadilat ako ng mga mata. Nakita ko si Kael na naglakad papunta sa banyo.

Kahit antok na ako ay pinilit kong huwag muna matulog dahil hinihintay ko na lumabas si Kael ng banyo. Siguro umabot ng kalahating oras bago siya lumabas ng banyo at nakabihis na siya ng pantulog.

Napansin ko na natigilan siya nung nakita niya akong nakatingin sa kanya.

"Why are you still awake?" tanong niya nung natauhan siya saka naglakad papunta sa kama para humiga.

Sa totoo lang, miss na miss ko siya. Gusto ko siyang yakapin sa sobrang pagka-missed ko sa kanya pero mukhang ako lang ang naka-missed kasi sa tagal naming hindi nagkita, iyan pa talaga ang unang salita na pambungad niya sa akin.

Bumalik ang inis ko sa kanya kagaya nung bago siya umalis papuntang North.

"Sobrang busy mo ba doon na kahit isang segundo ay hindi ka maka-type ng text message sa akin?" sarkastik na tanong ko.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon