Chapter 30: Royal Couple

14K 392 58
                                    


Abigail

"Please? Secret lang natin."

Kanina pa ako nakikiusap kay Lady Zia na payagan niya akong gumamit ng cell phone para matawagan ko ang pamilya ko pero ayaw niya talagang pumayag.

"Hindi nga po pwede, Your Highness. Magagalit sa akin si Queen Beatrice kapag pinayagan ko kayo."

Napabuntong-hininga ako ng malalim bago tumango. "Sige na nga. Hindi na kita pipilitin. Baka mapahamak ka na naman dahil sa akin. Pasensya na."

Ngumiti ng tipid sa akin si Lady Zia. "May sasabihin po ako sa inyo, Your Highness."

"Ano 'yon?"

"Tumawag po ang kaibigan niyong si Britta kaninang umaga. Sinagot ko po ang tawag dahil nga bawal kayong gumamit ng cell phone ninyo. Sinabi po niya na may gusto po siyang sabihin sa inyo. Tawagan niyo raw po siya kapag pwede na."

Napasimangot ako. "Kailan pa 'yon? Wala namang sinabi ang reyna. Baka nakalimutan na niya ang tungkol dito."

"Ganun pa rin po ang patakaran hanggat walang sinasabi si Queen Beatrice."

Napabuntong-hininga nalang ako ng malalim dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Binalik ko sa papel na binabasa ko ang pansin ko at pinermahan ito bago sinarado ang folder at nilagay ito sa tabi.

"Meron pa ba akong dapat permahan na mga papeles?"

"Wala na po. Iyan na po ang huli."

Tumango ako saka tumayo. Nag-inat muna ako ng katawan bago lumabas ng library. Kanina pa kasi ako nakaupo doon para magbasa ng mga projects at mga papeles tungkol sa mga foundations na naka-assign na ipapamahala sa akin. Andami palang trabaho ng isang prinsesa. Akala ko noong bata ako na paupo-upo lang ang mga royal family at naghihintay lang na pagsilbihan sila pero hindi pala. Madami pa lang dapat na asikasuhin at pangalagaan. Mabuti na lang at nandiyan si Lady Zia para gabayan ako sa mga kailangan kong gawin.

Naglakad ako papunta sa kwarto. Nakasalubong ko si Prince Kael sa hallway. Siguro kakarating lang niya. Bigla akong na excite nung nakita ko siya kaya mabilis ko siyang nilapitan.

"Kael! Ang aga mo namang nakauwi ngayon," nakangiting sabi ko.

May kung ano siyang sinenyas kay Chief Edric kaya naman yumukod si Chief Edric saka nauna ng pumasok sa loob ng kwarto.

"I finished my appointments early," sabi niya saka binigyan niya ako ng halik sa noo na kinangiti ko.

Tumango ako saka nauna ng binuksan ang pinto ng kwarto para pumasok. Sumunod din sa loob si Prince Kael. Pumasok din si Lady Zia pero pinatigil ko siya dito sa receiving area.

"Pwede bang iwan niyo muna kami?" tanong ko sa kanila.

"Masusunod po, Your Highness." Yumukod muna sila sa amin bago lumabas ng silid si Lady Zia kasama si Chief Edric.

Hinintay ko na makalabas sila ng receiving area ng tuluyan bago ako pumasok sa isa pang pinto patungo sa kwarto namin ni Kael. Naabutan ko na inaalis na niya ang coat na suot niya.

"Why did you ask them to leave?"

Nakangiting lumapit ako sa kanya. Nakatayo siya sa tabi ng kama kaya lumapit ako sa kama at umupo rito. Nakatingala ako ngayon sa kanya.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon