Chapter 23: Royal Trip

14.2K 426 24
                                    


Prince Kael

"Your Majesties."

Yumuko si Kael sa harap ng hari at reyna. Pinatawag kasi siya ng hari kaya naman nandito siya ngayon sa harap nila.

"Prince Kael," umpisa ng hari. "Alam kong narinig mo na ang balita tungkol sa nangyari sa airport. Hindi ako natuwa sa balita at sa ginawa ng prinsesa."

Mukhang alam na ni Kael kung bakit siya pinatawag ng hari.

"Alam ko rin na bago pa lang dito sa palasyo ang prinsesa kaya naman marami pa siyang hindi alam lalo na tungkol sa mga rules natin dito. At ikaw bilang asawa niya, responsibilidad mong bantayan ang prinsesa. Kung kailangan mo siyang disiplinahin, gawin mo. Dapat matuto siyang sumunod sa batas natin dito. Ayoko nang maulit ulit ito. Maliwanag?"

"Yes, Your Majesty," sagot ni Kael.

Sumang-ayon si Kael pero hindi siya sigurado kung susunod ang prinsesa sa kanya kapag pinagsabihan niya ito. Ilang beses ng hindi nakinig sa kanya ang prinsesa kaya hindi na siya magugulat kung sa susunod ay hindi pa rin ito sumunod.

"And I heard a lot of rumors about your marriage. Lagi kayong hindi magkasundo. Halos kada linggo ay may naririnig akong hindi kanais-nais tungkol sa nangyayari sa inyong mag-asawa. Dapat mong ayusin ito, Kael. Hindi pwedeng habangbuhay kayong ganito. Nakakahalata na ang media. Sinasabi nila na baka hindi kayo magkasundo ng prinsesa kaya hindi pa kayo nakikitang magkasama in public."

Walang sinagot si Prince Kael dahil totoo naman ang sinabi ng hari. Wala na siyang kailangang ipaliwanag pa. Mas lalo lang magagalit ang hari kapag nalaman nito kung ano ang eksaktong nangyayari sa sitwasyon nila ni Abby. Parang hindi sila mag-asawa.

"Dahil sa mga hindi magagandang balita na kumakalat at dahil sa hindi ninyo pagkakaunawaan ng prinsesa, napag-usapan namin ng reyna na kayo ng prinsesa ang ipapadala bilang representatives ng palasyo sa isang community service na gaganapin sa susunod na araw. Bukas na ang alis ninyo at babalik kayo kapag natapos na ninyo ang mga tungkulin niyo doon."

Napakunot ang noo ng prinsipe sa hari. "But, Your Highness, I have a busy schedule this week. I already have—"

"I already asked Edric to reschedule everything."

Napailing si Kael. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi sa desisyon ng hari. Makakasama niya si Abby sa isang trip sa unang pagkakataon. Wala pa kasi siyang appointments na kasama si Abby.

"Saan ang community service na to?" tanong ni Prince Kael.

"In Malata. You have been there before, and I know that you don't like it there very much. But I chose this place to be Princess Abby's first public appearance with you because the crowd there is not a lot. I think Abby won't be too overwhelmed with it. This will be part of her training ground."

Naaalala ni Kael ang lugar na yun. Nakapunta na siya roon ilang taon na ang nakaraan kasama ang hari at reyna. Isa itong probinsya at napakasimple ng pamumuhay doon. Masaya naman doon dahil fresh ang hangin at madaming prutas na pananim pero hindi lang sanay si Kael sa buhay doon. Lagi kasi siyang bilad sa araw doon kaya namamawis siya ng sobra. Kailangan niya ring magtipid ng tubig kapag naliligo siya kasi hindi sapat ang supply nila ng tubig doon. Wala ring internet doon at napakasimple ng pagkain.

"Why there? There are a lot of better places that has few people. If you want people to see us together publicly, then there's a better place than Malata."

Ayaw kasi ni Kael na maranasan ulit ang magtanim ng mga prutas lalo na kapag tirik na tirik ang araw. Sigurado na madami pa siyang hindi magugustuhan na maaari nilang gawin sa community service na yun.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon