Chapter 27: Royal Changes

14.2K 415 48
                                    


Abigail

Dumilat agad ako ng mga mata pagkagising ko. Una kong hinanap ay si Prince Kael kaya lumingon agad ako sa tabi ko.

Nakita ko siyang natutulog pa. Napangiti ako n'ong maalala ang mga masasayang nangyari kahapon. Feeling ko ay parang naging close na kaming dalawa. Ang dami na kasi naming alam tungkol sa isa't-isa dahil nagkwentuhan kami kahapon tungkol sa mga sarili namin. For the first time rin na bago kami matulog ay nag-usap kami ng mahinahon at tumagal ng ilang minuto. Nag-usap kami hanggang sa nakaramdam na ako ng antok at nakatulog.

Inikot ko ang katawan ko paharap sa kanya para mapagmasdan ko siya ng mabuti. Ang himbing ng tulog niya. Mukhang napagod ata siya kakakwento kahapon. First time kasi na ang dami niyang nasabi sa akin. Natawa ako sa naisip.

Malaya kong tiningnan ang bawat parte ng mukha niya. Ang gwapo talaga ni Prince Kael. Bukod sa isa siyang prinsipe, marami ang nagkakagusto sa kanya dahil ang gwapo naman talaga niya. Siya na ata ang pinakagwapong lalake na nakilala ko. Ang ganda ng mga pilikmata niya. Ang perfect ng hugis ng mukha niya at ang kinis din ng balat niya. Parang hindi siya dinapuan ng lamok n'ong bata siya.

Napapangiti ako habang nakatingin sa natutulog na prinsipe. Hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko siya. Asawa ko ang isang prinsipe ng bansa at nakakasabay ko siyang matulog. Parang panaginip pa rin ang lahat ng nangyayari.

Dahan-dahan akong bumangon ng kama saka pumunta sa banyo. Naligo ako at nagbihis bago kumuha ng mga damit ni Prince Kael na pamalit niya mamaya pagkatapos niyang maligo. Nakasanayan ko na ang gawin ito tuwing umaga dahil alam kong hindi siya sanay na walang may nag-aasikaso ng susuotin niya.

Nagluto ako ng breakfast pagkatapos kong ayusin ang mga damit ni Prince Kael. Nakangiti pa ako habang naghahanda ng pagkain dahil ang ganda talaga sa pakiramdam na nakakapagluto ulit ako.

"You look so happy."

Nagulat ako ng konti nung narinig ko si Prince Kael. Agad akong napaharap sa kanya. Pansin kong suot na niya ang damit na hinanda ko kanina. Ang gwapo niya lalo kapag bagong ligo siya.

Ngumiti ako sa kanya at masaya siyang binati. "Good morning." Nilapag ko sa mesa ang niluto kong omelette at oatmeal. "Upo ka na para makakain ka na," sabi ko saka tumalikod para bumalik sa kusina.

"Where are you going?"

Nilingon ko siya saka sinabing, "Ipagtitimpla lang kita ng kape."

Pumunta ako sa kusina at ginawan siya ng kape. Pagkatapos ay bumalik ako sa mesa para ibigay sa kanya ang kape.

"Thank you," sabi niya.

"You're welcome," sagot ko saka naupo na sa upuan na kaharap niya.

Napansin ko na hindi niya muna ginalaw ang pagkain at hinintay niyang magdasal muna kami bago kumain. Nasasanay na rin siya na ginagawa namin 'yon bago kumain.

Ininom ni Prince Kael ang kape na ginawa ko. Naghihintay ako na may sabihin siya pero wala akong narinig. Kumain lang siya. Gusto ko pa naman malaman kung gusto o ayaw niya ba ang pagtimpla ko ng kape niya. Ilang beses ko na siyang nagawan ng kape at nung una lang siya nagtanong. Pagkatapos n'on ay wala na siyang sinasabi kapag ginagawan ko siya ng kape. Gusto ko lang naman sana malaman kung gusto niya ba ito o napipilitan lang siyang inumin dahil wala namang ibang tao na nandito para ipagtimpla siya ng kape na gusto niya.

"How's your sleep?" tanong niya na kinagulat ko.

First time kasi niya akong tanungin kung kamusta ang tulog ko. Nakakatuwa namang malaman na may pakialam na siya sa akin. Gusto ko mang ngumiti ng malapad sa harap niya pero pinigilan ko baka mahalata niya na sobrang saya ko dahil sa kanya.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon