Chapter 28: Royal Return

14.2K 400 40
                                    


Abigail

Nagising ako dahil nakarinig ako ng ingay. Pagdilat ko ng mga mata ay napaupo ako ng diretso dahil sa kaba nung nakita ko na nasa loob ako ng isang helicopter.

Nakita ko rin ang dalawang lalake na nakaupo sa harap at nagma-maneuver nitong helicopter. Nakalipad na pala kami. Hindi ko man lang namalayan na nandito na ako sa loob. Parang kanina lang nung nasa kweba pa kaming dalawa.

"How's your left foot?"

Napatingin ako sa taong nasa tabi ko. Si Kael pala. Nakaupo siya sa kaliwa ko.

"Medyo masakit pa rin," sagot ko saka tumingin sa paa ko. Napakunot ang noo ko nung may bandage nang nakalagay dito. "Sino ang naglagay nito? Saka paano tayo napunta rito?" takang tanong ko dahil hindi ko maalala na sumakay kami ng helicopter.

"They showed up in the cave this morning to bring us back to the palace. I did not bother to wake you up because I knew that you needed some sleep. I let them put the bandage on your left ankle without waking you up."

Napatango ako sa kanya. Napatingin ako sa bintana nitong sinasakyan namin. Ang taas na namin kaya wala na ako masyadong makita sa baba. Binalik ko ang tingin ko kay Kael. Nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi lang pala nakatingin kundi titig na titig siya sa akin. Madalas niya akong titigan ng ganyan nitong nakaraang mga araw.

Napakagat ako ng labi dahil bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ganito lagi ang nangyayari sa akin kapag nakikita ko siyang nakatingin sa akin ng ganyan. Ngayon, alam ko na kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko. Nate-tempt na nga akong tanungin siya kung ganito rin ba ang nararamdaman niya sa akin pero hindi ko dapat gawin 'yon. Ayokong mailang siya sa akin o 'yong makaramdam siya ng pressure na dapat niyang suklian ang nararamdaman ko sa kanya.

Isa pa, nagsisimula pa lang kaming dalawa na kilalanin ang isa't-isa. Kakabati lang namin at ayokong bumalik kami sa dati kapag nagtanong ako nang ganun sa kanya.

"M-may dumi ba ako sa mukha?"

Ilang minuto siyang hindi sumagot. Titig na titig pa rin siya sa akin.

"You have a very beautiful eyes."

Namula ako dahil sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin. Ito 'yong unang beses na kinompliment ako ni Kael. Tumalon tuloy sa tuwa ang puso ko.

"S-salamat," nauutal na sagot ko.

Naramdaman kong gumalaw siya. Siguro umayos na siya ng upo. Magsasalita pa sana ako nung narinig kong nagsalita ang pilot. Sinabi niya na magla-landing na raw kami.

Ang bilis naman. Ganun ako katagal natulog at sa tabi pa ni Kael?

Pagka-landing namin sa Royal Airport, naunang tumayo si Kael at pumunta sa harap ko.

"I will carry you. I don't think you can walk with your twisted ankle."

Umiling ako. "Hindi na kailangan, Kael. Kaya ko namang maglakad."

"Let me help you then."

Tumango na lang ako dahil alam kong pipilitin niya pa ring tumulong. Inabot niya sa akin ang kamay niya kaya inabot ko iyon at nagsimula ng tumayo. Inalalayan ako ni Kael pababa ng helicopter hanggang sa paglakad papunta sa kotse. Paika-ika akong naglakad.

"Welcome back, Your Highnesses."

Napangiti ako ng malawak nung nakita sina Chief Edric at Lady Zia na nag-aabang sa amin. Ilang araw ko rin silang hindi nakita.

Binitawan ko ang kamay ni Kael para yumakap kay Lady Zia at Chief Edric. "Na miss ko kayo," masayang sabi ko habang nakayakap na kinagulat nilang dalawa.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon