Chapter 39: Royal Ball

14.6K 365 39
                                    


Abigail

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nag-aayos. Excited kasi akong lumabas. Ilang araw din kasi akong nasa palasyo lang. Binilin kasi ng doctor na kailangan kong magpahinga ng ilang araw kaya iyon ang ginawa ko. Kahapon, pumayag na ang doctor na pwede na akong bumalik sa trabaho kaya ito ang unang araw na lalabas ako pagkatapos ng mahabang pahinga.

"Ready na po ba kayo, Princess Abby?"

Humarap ako kay Lady Zia saka pinakita ang suot kong dress. "Okay ba ang suot ko?"

Tumango siya. "As usual po, ang ganda po ninyo, Your Highness. Bagay sa inyo ang kahit anong isuot ninyo."

"Salamat sa royal wardrobe. Alam nila ang bagay na mga damit sa akin," sabi ko. "Oo nga pala, nasaan si Kael?"

"May maaga po silang lakad ng hari kanina pero papunta na po sila ngayon sa venue. Magkikita nalang po kayo doon sa parade."

Napatango ako sa kanya. Lumabas na ako ng kwarto saka dumiretso sa kotse at sumakay papunta sa venue kung saan magsisimula ang parade.

Thanksgiving Day kasi ngayon sa Pagonia at tradisyon ng royal family bawat taon ang pagkakaroon ng public parade sa umaga bilang pasasalamat sa suporta ng mga tao. Mamayang gabi naman ay ang Thanksgiving Ball na ang reyna mismo ang nag-asikaso. Taon-taon nitong ginagawa ito.

Dumating kami sa harap ng chapel kung saan magsisimula ang parade. Napangiti ako noong nakita ko si Kael. Lumapit ako sa kanya at binati siya. Gusto ko sana siyang yakapin dahil hindi ko siya nayakap kaninang umaga dahil wala na siya nung nagising ako. Pero dahil nandito kami sa labas at sa harap ng mga tao, kailangan kong maging pormal kaya ngumiti lang ako sa kanya at binigyan siya ng makahulugang tingin na na-gets naman agad niya.

"Your smile makes me want to plant a kiss on your lips right now."

Alam kong nagbibiro siya pero bilib ako kay Kael dahil ang galing niyang magtago ng totoong nararamdaman niya. Ang seryoso kasing tingnan ng mukha niya habang sinasabi niya iyon.

"Bakit nga ba hindi, Kael?" kunwari ay inosenteng tanong ko.

"You know why," sagot niya.

Ngumiti ako ng makahulugan. Gusto kong matawa dahil nakikita ko ang pagpipigil sa itsura niya. Akmang magsasalita na sana siya nung dumating ang hari at reyna.

"Kael. Abby."

Yumukod kaming dalawa nung nasa harapan na namin ang hari at reyna.

"How are you feeling, Abby?"

"Okay lang po ako, Your Majesty," sagot ko sa hari.

"Please know that you don't have to stay for the entire day. If for some reason you want to leave and rest, please do so. We do not want you to be tired."

Nginitian ko ang hari. "Opo, King Reagan."

"Take good care of her, son," sabi ni King Reagan kay Kael at tinapik pa niya ito sa balikat bago niyaya ang reyna na sumakay na sa karwahe.

Sumakay din kami ni Kael sa karwahe na nasa likod lang nung sinasakyan ng hari at reyna. Nalaman ko mula kay Kael na sobrang luma na pala nitong mga karwahe na sinasakyan namin pero mukha pa ring bago dahil hindi ito pinapabayaan. Sinisigurado nila na maintained ang itsura at quality nito. Sa sobrang luma na nito ay mahal na ang halaga nito lalo na at kasama ang mga ito sa vintage collection ng royal family. Hindi ako makapaniwala na nakakasakay ako sa mamahaling sasaktan na ito na parti na ng history ng bansa.

Ito ang unang beses na dadalo ako ng parade kaya excited ako. Sobrang daming tao ang nag-aabang sa amin. Lahat sila ay kumakaway sa amin at ang iba naman ay may mga dalang posters na may nakasulat na pangalan namin o kaya ay pictures namin. Nakakatuwa lang makita na meron sa kanila na nagche-cheer sa akin. Umabot ng dalawang oras ang parada kaya siguro nakaramdam na ako ng pagod sa mga kamay ko dahil kaway ako ng kaway sa halos buong parada. Kahit ang pisngi ko ay napapagod na rin sa kakangiti pero totoong masaya ako dahil sa nakikitang suporta ng mga tao.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon