Chapter 43: Royal Blame

4.6K 166 36
                                    


Abigail

Kakauwi ko lang sa palasyo mula sa dalawang araw na pamamalagi ko sa hospital. Nabawasan ang pag-aalala ng pamilya ko dahil nakalabas na ako.

"Kaya ko na. Hindi niyo ako kailangang alalayan," sabi ko kina Erica at Alexa.

Grabe kasi ang pag-alalay nila sa akin mula pa kanina. Para bang matutumba ako kung hindi nila ako hahawakan ng mabuti. Para tuloy akong may sakit kung alagaan nila. Masaya ako na grabe ang concern nila sa akin pero kaya ko naman kaya ayokong pabigatin ang trabaho nila.

"Gusto lang po naming siguraduhin na okay kayo, prinsesa."

Ngumiti ako sa kanila pagkaupo ko sa kama. "Salamat sa pag-aasikaso ninyo sa akin, pero okay na ako. Kaya ko naman maglakad."

"Kung iyon po ang gusto ninyo," magalang na sabi nila saka yumukod bago nagpaalam na aalis para makapagpahinga ako.

Humiga ako sa kama nung umalis na sila. Tumawag ako kay Britta para ipaalam sa kanya na okay na ako. Nag-alala rin kasi siya sa akin lalo na at narinig niya sa balita ang nangyari kaya tumawag siya sa akin para kamustahin ako nung nasa hospital ako.

Sobrang nami-miss ko na siya. Gusto ko sanang nandito siya kasama ko dahil kailangan ko ngayon ng kaibigan at makakausap. Pero dahil malayo siya, ayokong maging pabigat sa kanya kaya hindi ko nalang sinabi ang problema ko. Ayokong mag-alala siya sa akin ng sobra lalo na at nasa malayo siya.

Pagkatapos kong makipag-usap kay Britta ay pumikit na ako. Inaantok na kasi ako. Gusto ko ng matulog pero bakit wala pa rin si Kael? Nasan kaya siya?

Sumama lang siyang ihatid ako pauwi rito pero nagpaalam din agad na aalis dahil may lakad pa raw siya. Hindi na ako nagtanong kung saan ang lakad niya dahil ayokong isipin niya na pinagdududahan ko siya. Isa pa, kailangan kong gamitin ang tiwala na meron ako sa kanya. Siguro naman ay hindi na siya makikipagkita kay Yvonne pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon. Kung mahal niya talaga ako, alam niyang masasaktan ako kapag nagkita sila. Kaya gusto kong isipin nalang na trabaho ang inaasikaso niya kaya hindi pa siya nakauwi.

Napahikab ako at hindi ko na napigilan ang antok ko. Tuluyan na akong nakatulog kahit wala pa si Kael.

* * *

"Ito po ang mga pangalan ng mga taong nakita sa CCTV na nasa 7th floor at pumasok sa restroom kung nasaan si Princess Abby."

Nag-hire ng private investigators ang hari at reyna para malaman kung ano ang nangyari at ang rason kung bakit nagkaroon ng usok. Nalaman kasi nila na walang problema sa building kaya malabo na iyon ang rason ng usok lalo na at kakagawa lang nito. Kaya naman ay nagpa-imbistiga pa lalo ang hari at reyna para malaman ang totoong rason.

Malakas kasi ang kutob ng mga investigators na ako ang target ng kung sino man ang gumawa nun lalo na at kinwento ko sa kanila na naalala ko na hindi ko mabuksan ang pinto nung lalabas na sana ako ng banyo. Tapos biglang lumabas ang usok nung nag-lock ang pinto.

"Make sure none of them escapes. We have to keep an eye on them closely."

"Yes, Your Majesty. May mga nagbabantay na sa mga galaw nila simula nung lumabas ang mga pangalan nila sa report."

"Good."

Binasa ng hari ang mga pangalan ng nasa listahan na binigay ng investigator. Nakikinig lang kaming tatlo habang isa-isang binabanggit ng hari ang mga pangalan. May isang pangalan na binanggit ang hari na dahilan para manigas ako. Dahan-dahan akong bumaling kay Kael na nakaupo sa tabi ko at nakita ko siyang nagulat din.

"Okay lang ba kayo?" tanong ng reyna sa amin nung nakita niya ang reaksyon namin.

Napatango lang ako bilang sagot. Si Kael naman ay hindi nakasagot. Natigilan siya dahil sa sobrang gulat.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon