Chapter 17: Royal Sympathy

13.4K 402 19
                                    


Abigail

Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko habang tumatakbo ako at umiiyak. Lahat sila ay mukhang nag-aalala sa akin base sa mga tingin nila.

Kahit saan ako pumunta ay may mga guards kaya takbo lang ako ng takbo hanggang makakita ako ng lugar kung saan pwede akong mapag-isa.

Pagkalipas ng ilang minuto ay napagod ako kakahanap ng lugar kung saan walang tao dahil nakakalat kahit saan ang mga guards. Kaya tumigil nalang ako sa likod ng isang malaking puno na nasa South Wing Garden. Umupo ako sa ilalim ng puno at doon ako umiyak ng umiyak habang nakayuko sa dalawang tuhod ko para takpan ang mukha ko na basang-basa ng mga luha.

Sumabog na talaga ang dibdib ko dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko kaya hindi ako matigil sa kakaiyak. Galit, inis, lungkot, pangungulila, at sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Ang lungkot at pangungulila na naramdaman ko kaninang umaga ay pinatungan ng inis at galit. Naiinis ako kay Prince Kael dahil sa pagsigaw niya sa akin. Naiinis din ako sa kanya dahil sa nakita kong picture niya. Ewan ko ba pero hindi maganda sa pakiramdam na malamang may mahal siyang iba lalo na at mag-asawa kami.

Hindi ko na alam kung may tama pa ba sa buhay ko. Sa puntong ito, napakwestyun ako sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko.

"Okay lang po ba kayo, Your Highness?"

Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang isa sa mga guards. Nung nakita niya ang mukha ko na basang-basa dahil sa iyak ko, agad kong nakita ang gulat sa mukha niya. Siguro nagulat siya nung nakita niya ako sa ganitong estado. Ngayon lang siguro siya nakakita ng prinsesa na umiiyak.

Hindi dapat ako umiiyak sa harapan nila. Yun ang turo nila sa akin. Dapat marunong akong mag-control ng emosyon ko lalo na sa harap ng mga tao. Hindi dapat nila makita ang kahinaan ko. Paano sila magtitiwala sa akin kung nakita nila akong mahina? Pero... Hindi naman kahinaan ang pag-iyak, diba?

Tumango ako sa kanya. "Okay lang ako," sagot ko saka yumuko ulit.

Siguro naramdaman niya na ayoko ng kausap ngayon kaya narinig ko na naglakad siya palayo sa akin.

Naiinis ako sa mga mata ko dahil ayaw nitong tumigil sa kakaiyak. Ilang minuto na naman akong umiiyak. Hindi na maubos-ubos ang mga luha ko sa pagpatak.

"Your Highness, madilim di—"

"Okay lang nga sabi ako," inis na sabi ko sabay angat ng tingin.

This time, ibang guard ang lumapit sa akin. Pero kagaya nung isa kanina, nakita ko rin ang awa sa mukha niya.

Pinagalitan ko ang sarili ko sa isip ko dahil sa maling trato ko sa guard. Hindi dapat ako ganyan makipag-usap sa kanya. Concern lang naman siya sa akin kaya siya nagtanong. Kaya hindi ko dapat siya sungitan ng ganun.

"P-pasensya ka na. Hindi ko sinasadyang sungitan ka." Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay dahil basang-basa na ito ng mga luha.

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Naiintindihan ko po, Your Highness."

Ngumiti rin ako sa kanya saka dahan-dahang tumayo. "Aalis na ako. Salamat po sa concern ninyo."

Yumukod lang siya bilang sagot. Naglakad na ako papasok sa loob ng palasyo. Pagdating ko sa pinto ay binuksan agad ng dalawang guards ang pinto kaya tumango ako sa kanila bago pumasok.

Naglakad-lakad ako sa hallway at hindi ko alam kung saan ako papunta. Wala pa kasi akong balak na bumalik sa kwarto dahil ayoko munang makita si Prince Kael. Siguro mamaya na kapag siguradong tulog na siya.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon