Chapter 7: Royal Wedding

14.7K 441 17
                                    


Abigail

Ako lang ata ang ikakasal na parang a-attend ng lamay.

Paano ba naman kasi, hindi ako masaya. Bukod sa hindi nasunod ang gusto ko para sa kasal ko, hindi ko din gusto ang taong papakasalan ko. At alam ko na pagkatapos ng kasal na ito ay magsisimula na ang mga paghihirap ko.

Napatingin ako kay mama at papa na kasama kong naglalakad sa aisle. Ang ganda at gwapo nila sa ayos nila. Napapangiti ako kapag nakikita ko sila. Nawawala ang lungkot sa puso ko pag sila ang kasama ko.

Kailangan kong e-remind ang sarili ko na ginagawa ko ito para sa kanila kaya kailangan kong magpakatatag.

Yumukod kaming tatlo nung nasa harap na kami ng hari, reyna at ng prinsipe. Binati ng mga magulang ko ang royal family. Ngumiti din ako sa hari at reyna pero nung bumaling ako kay Prince Kael ay nawala ang ngiti ko.

Nilahad niya ang braso niya sa akin kaya nilagay ko ang kamay ko sa braso niya saka kami pumunta sa harap ng altar.

Madami ang tumatakbo sa isipan ko kaya hindi ako nakinig sa ceremony. Ilang beses akong nagdasal na sana ay patawarin ako ng Diyos sa pagpapakasal sa taong hindi ko naman mahal. Minsan nakokonsensya ako sa desisyon ko kaya hindi ako maka-focus sa kasal. Natatauhan lang ako pag bumubulong sa akin si Prince Kael na gawin ang dapat kong gawin gaya ng pagsabi ng vows at paglagay ng singsing. Wala talaga ako sa sarili buong ceremony. Nagising lang ang buong diwa ko nung sinabi ng kiss the bride.

Napatingin ako kay Prince Kael at parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Unti-unti niyang inaalis ang veil sa mukha ko at nung naalis na niya ay dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko na dahilan ng pagpikit ng mga mata ko dahil sa kaba. Pero mabilis lang na halik sa labi ang binigay niya sa akin. Ni hindi umabot ng dalawang segundo ang halik na yun.

"Let's all congratulate our Royal Highnesses, Prince Karl Elton and our new beloved princess, Princess Abigail."

Humarap na kami sa mga taong nagpapapalakpakan. Napatingin ako kay papa at mama. Nakita kong umiiyak si mama. Gusto ko siyang lapitan para yakapin pero hindi pwede. Kailangan kong sumunod sa rules. Napatikhim ang katabi ko kaya napabaling sa kanya ang tingin ko.

"You have to smile in the camera," sabi niya.

Napatingin ako sa harap at doon ko lang napansin na kinukuhanan pala kami ng pictures kaya ngumiti ako agad sa camera. At least kahit sa pictures man lang ay mukha akong masaya kahit mabigat ang loob ko.

Pagkatapos ay naglakad na kami palabas ng simbahan. Napanganga ako nung makita ko kung gaano kadami ang mga taong nasa labas ng simbahan. Madaming sumisigaw ng pangalan ko at may mga nakasulat na 'Princess Abby' sa mga papel. Parang natutunaw ang puso ko sa suporta na binibigay nila. Hindi ko akalain na tatanggapin nila ang isang tulad ko na maging prinsesa nila. Nakakatuwa naman.

Napansin kong kumakaway si Prince Kael sa mga tao kaya ganun din ang ginawa ko. Nakangiti akong kumaway sa kanila at mabilis ang pagkaway ko pero tumikhim si Prince Kael kaya napatingin ako sa kanya.

"That's not how you're supposed to wave."

Napakagat ako ng labi at naalala na tinuruan pala ako ni Lady Zia kung paano ang tamang pagkaway kaya yun ang ginawa ko.

Kumakaway lang ako sa mga tao habang naglalakad kami papunta sa Royal Carriage na magdadala sa amin sa reception.

Palapit na kami sa carriage kung saan malapit ng konti sa mga tao kaya lalong umingay. Napansin kong nagtutulakan na sila para makalapit sa amin pero hindi sila makalapit dahil madaming security guards na nakapalibot.

"We have to hurry, Your Highnesses," salubong ni Chief Edric sa amin. "Nagkakagulo na ang mga tao."

Bumilis ang lakad ni Prince Kael kaya napabilis din ang lakad ko. Pero nung may narinig akong bata na umiiyak ay napatigil ako sa paglalakad at hinanap kung saan galing ang iyak na yun.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon