Bonus Chapter

17.6K 329 30
                                    


Abigail

"I now pronounced you husband and wife." Nagpalakpakan ang mga tao at mas lalong lumakas pa nung sinabi na ang salitang, "You may now kiss the bride."

Tumayo ako at pumalakpak para sa dalawang bagong kasal. Todo ang ngiti ko dahil sobrang natutuwa ako para sa kanila.

"Finally, they are married," sabi ng asawa ko kaya napatingin ako sa kanya.

Tumayo rin pala siya pero hindi siya pumapalakpak dahil karga niya si Abigail Jane, ang bunsong anak namin ni Kael na dalawang taon na.

Ngumiti ako lalo. "It took them almost five years to get married," sabi ko."

Tumango si Kael saka napatingin kami sa bagong kasal na naglakad na palabas ng simbahan. Kumaway ako sa kanila at ganun din ang ginawa ng mga anak kong sina Louis at Jane. Kumaway sila sa Auntie Yvonne at Uncle Richard nila. Kumaway din pabalik sa amin ang dalawang bagong kasal habang naglalakad sila palabas.

Halata kung gaano kasaya silang dalawa sa isa't-isa. Nung una ko silang nakita na magkasama noong araw na pinakilala namin si Louis sa publiko, doon pa lang ay nasabi ko nang bagay na bagay sila. Kaya simula nun, gumawa ako ng paraan para magkita ulit sila. Nahahalata ko kasi noon na nagkakagusto na si Richard kay Yvonne pero wala siyang ginagawa para ligawan ito kaya ako na ang tumulong. Ininvite ko silang dalawa sa isang okasyon at ayun, nag-usap na naman ulit sila at iyon na ang simula ng madalas na pagkikita nilang dalawa.

Hindi rin biro ang pinagdaanan nilang dalawa. Ilang beses silang naghiwalay pero ang maganda ay nagkakabalikan pa rin sila. Noong anniversary nila last year, nag-propose na si Richard kay Yvonne. Nandoon ako noong araw na iyon at nakita ko kung gaano naiyak ang dalawa noong sumagot si Yvonne na 'Yes!' nung tinanong siya ni Richard.

Pagkalabas ng bagong kasal sa simbahan, kami ang sumunod na lumabas. Hawak ko sa kamay ang apat na taon kong anak na si Karl Louis habang si Abigail Jane naman ay karga ni Kael. Malikot kasi ito kaya mas mabuting kargahin siya para hindi kami mahihirapan na habulin siya.

Nakisaya kaming pamilya sa reception ng kasal bago kami umuwi sa bahay. Pagod na pagod ang mga bata nung nakarating kami sa bahay kaya agad namin silang dinala sa mga kwarto nila para patulugin. Nakatulog agad ang mga anak namin kaya pumunta na kami ni Kael sa kwarto naming dalawa para maghanda sa pagtulog.

Hands on kami ni Kael sa mga bata at kahit busy kaming dalawa ay sinisigurado namin na natututukan namin sila. Lalo na ngayong wala na kaming madaming kasambahay na kasama kaya kami ni Kael ang nag-aalaga ng madalas sa mga bata.

Lumapit kasi kami sa Solvang, 'yong ancestral house na minana ko. Isa rin itong mansion pero mas maliit kumpara sa South Wing kung saan kami nakatira noon. Lumipat kami rito noong buntis pa lang ako kay Abigail Jane. Sinabi ko kasi kay Kael na gusto kong maranasan ng mga anak namin ang normal na buhay kagaya ko. Sa Main Palace kasi, madaming staff at sobrang laki nito para sa amin. Ang hirap din doon kasi hindi malayang nakakapaglaro ang mga anak namin sa labas dahil nakikita ang bawat galaw nila. Kaya nagpasya ako na lumipat kami sa mas maliit na bahay at malayo sa mga mata ng media at malayo sa mga mata ng mga bisita na laging dumadalaw sa palasyo para makipagkita sa hari at reyna.

Pumayag naman si Kael na lumipat kami dahil iyon din ang gusto niya, ang maranasan ang simpleng buhay. Pero hindi siya pumayag na kung saan-saan lang kami lilipat. Gusto niyang siguraduhin na ligtas kami sa titirahan namin kaya ang mga pinagpipilian namin ay ang mga ancestral houses na kabilang sa Royal Estate. Ang pinili ko ay ang minana ko na bahay sa Solvang. Malaki kasi ang backyard nito at malayo ang lugar sa centro ng sibilisasyon kaya malayang makakapaglaro ang mga bata kahit anong oras. Pumayag si Kael na dito kami lumipat dahil may security system na ito. Ibig sabihin, may nagbabantay sa labas at sa paligid ng bahay para siguraduhin ang kaligtasan namin.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon