Chapter 24: Royal Sincerity

13.5K 375 31
                                    


Abigail

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay naabutan ko si Prince Kael na naghahalungkat ng mga gamit niya sa kanyang maleta. Mukhang bagong ligo lang siya dahil basa at magulo ang buhok niya.

Hinayaan ko lang siya at nag-focus ako sa pagtingin sa buong kwarto. Hindi ito kasinglaki ng kwarto namin sa palasyo. Medyo maliit lang ang kwarto pero sakto lang ang laki para sa aming dalawa. Mayroon lang kama at cabinet sa loob ng kwarto. Wala ng ibang furnitures na nandito. Para nga kaming nasa isang probinsya dahil ang simple lang ng bahay. Umaayon ang itsura ng bahay sa lugar kung saan ito nakatayo.

Napabaling ulit ako kay Prince Kael. Agad na napakunot ang noo ko nung nakita kong ang gulo na ng laman ng maleta niya. Nasira na ang pagkakatupi ng mga damit niya.

Hindi ko dapat siya papansinin pero bothered ako sa ginagawa niya kaya naman lumapit ako sa kanya saka sinabing, "May hinahanap ka bang gamit?"

Napalingon siya sa akin. "I cannot find a comb. There's none in the bathroom. Usually, my helper just hands me the comb after I shower, so I do not know where they put it."

"Meron ako. Wait, kukunin ko."

Lumapit ako sa maleta ko saka binuksan iyon at hinanap ang suklay ko. Nung nahanap ko ito ay bumalik ako kung nasaan si Prince Kael at inabot sa kanya ang suklay. Tiningnan niya muna ito bago tumingin sa akin. Dinampot niya ang suklay mula sa kamay ko at nagsimula na siyang magsuklay ng buhok niya.

Habang nagsusuklay siya ay napatingin ako sa tee shirt na suot niya. Minsan ko lang siyang makita na magsuot ng tee shirt. Ang init kasi sa labas kaya siguro iyan ang pinili niyang suotin. Halos long sleeves kasi lagi ang suot niya.

"Here," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Thank you."

Tulala ako dahil sa narinig kong pag-sorry niya. Si Prince Kael ba talaga ang kaharap ko? Nakakapanibago naman. Noong isang araw ay nag-sorry siya sa akin, which was hindi naman niya ginagawa dati. Ngayon, nag-thank you pa siya sa akin. At base sa tono ng boses niya at sa ekspresyon ng mukha niya, mukhang sincere naman siya. Bakit medyo bumait ata siya sa akin?

Ilang segundo ko siyang tiningnan sa mga mata. Nakaramdam ako ng ilang kaya napayuko ako at kinuha ang suklay mula sa kamay niya. Tumalikod ako sa kanya at dumiretso sa maleta ko para kumuha ng pamalit bago pumunta sa loob ng banyo.

May mga towels at robes ng nakahanda sa loob ng banyo at iba pang mga gamit na kailangan namin sa pagligo. Mukhang hinanda talaga nila lahat ng kakailanganin namin dito bago kami dumating.

Napangiti ako habang naliligo dahil pakiramdam ko ay malaya ulit ako. Walang maids na tumutulong sa akin sa pagligo at wala ring nag-aabang na matapos ako. Parang feeling ko ay normal na tao ulit ako. Hindi rin pala masama ang nangyayari ngayon. Mukhang may advantage naman ang pagdala nila sa amin dito.

Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay niligpit ko ang mga gamit naming dalawa. Nilagay ko sa cabinet ang mga damit namin. Tinupi ko pa ang mga damit niya kasi ginulo na niya ang mga ito. Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit namin ay lumabas na ako ng kwarto. Unang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto ay ang sala. Isang palapag lang kasi itong bahay at tanging sala, kusina at isang kwarto lang ang laman ng bahay na ito.

"Ah!"

Agad akong napatingin sa kanan ko at nakita ko si Prince Kael na nasa kusina. Mabilis akong lumapit sa kanya.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon