02/18/2021 my 2021 self is cringe
May chismis dito sa lugar namin noon tungkol sa rumorondang sasakyan 'pag gabi. Sabi ng iba tanod lang daw iyon pero sabi ng ilan, baka adik daw. Pero sabi nila 'pag dumaraan daw iyon ay may masamang nangyayari.
Hindi ako naniniwala sa chismis hangga't hindi ko naman naririnig mismo sa tao o kaya naman hindi ko pa naramdaman.
Nakwento ng lola ko noon daw nakarinig din siya ng mga kwento-kwento na iyon nga raw ay tinatawag nilang "Hell's car."
Hindi ko pa naman naranasan makarinig ng sasakyan na humaharurot dito sa street namin, motor lang ng mga tambay sa kapitbahay lagi.
Lagi kaming pinapayuhan ng mga matatanda rito sa lugar namin na matulog ng maaga kasi baka raw dumating yung "Hell's car" na sinasabi nila. Sus, ang kokorni nila.
Hindi pa ako tapos gumawa ng dalawang module kaya nagpasya ako na magstay muna ng ilang oras kahit mga trenta minutos lang. Para sana'y kaunti na lang ang gagawin ko bukas.
11:08 na kaya naman medyo inaantok na rin ako, pero kailangan ko tapusin kahit itong isang activity lang sana pero nakarinig ako ng isang tunog.
Tunog ito ng sasakyang mabilis humarurot. Parang paparating sa street namin na parang hindi, hindi ko alam kung saan kasi medyo may pagkamahina ang pandinig ko.
Napaisip ako, baka ito yung sinasabi nilang "Hell's car", ano namang kachismis-chismis doon?Napagpasyahan kong sumilip ng kaunti sa bintana dito sa second floor. Nagulat ako sa aking nakita dahil nakita ko ang isang sasakyan na dumadaan sa bawat kalye sa kabilang street.
Hindi ko alam pero mabilis siya umandar, iniisip ko nga na baka mabanga ito. Pinipigilan ko pumikit kasi gusto ko makita lahat ng mangyayari.
Nagulat ako nang biglang dumilim ang paligid ko at sumikip din ang paghinga ko.
Kinaumagahan ay pinipitik-pitik ni lola ang pisngi ko. Sabi niya, "Apo, anong ginagawa mo sa sahig? Diyan ka ba natulog?"
Napaupo naman ako kasi sinabi ni lola na sa sahig daw ako nakahiga. Baka raw magka-sipon ako kapag sa sahig ako natulog.Kinwento ko kay lola ang nakita ko kagabi pero tinanong ko muna siya kung may narinig ba siyang ingay kagabi.
"Oo, apo"
Nanlaki ang mata ko kasi akala ko ako lang ang nakarinig. Nagpasya akong ikwento kay lola ang mga nakita ko kagabi.
"Lola, may nakita akong truck na dumaan dun sa kabilang street. Sobrang bilis magpatakbo nung driver." kwento ko.
"Naku, puyat mo lang 'yan." sabi naman ni lola. Napakibit balikat na lang ako.
Tinawag ko yung kapitbahay ko na kaibigan ko rin. Tinanong ko siya kung may narinig ba siyang ingay kagabi, sabi niya wala naman daw. Napatango-tango na lang ako.
Napapaisip ako bakit sobrang bilis magpatakbo nung driver. Hindi kaya siya lasing?
Naulit na naman yung harurot ng truck ng dalawang beses.
Kinagabihan ay napagpasyahan kong hintayin ang sasakyan ulit baka sakaling makita ko yung driver.
Kaya ayun naghihintay ako simula noong 10 pm. Naobserbahan ko na mga bandang 10:00 pataas siya nagroronda. Baka galing trabaho.
Mga bandang 11:29 ay narinig ko na ang ingay ng sasakyan. Gumamit pa ako ng telescope kasi para makita ko kaagad.
Nung una kong tingnan wala ako masyadong makita, madilim.
Nakita kong inikot niya ang street sa kanan at kaliwa at nagulat ako kasi dumaan siya sa street namin tapos bigla siyang umikot ulit simula sa kanan, sa street namin at sa kaliwa.
Tiningnan ko ng mabuti ang driver pero madilim talaga. Nakita kong bumukas ang ilaw sa loob ng sasakyan nito at kinilabutan ako nang makitang walang laman na tao ang sasakyan at huminto pa ito sa tapat ng bahay namin.
Nakaramdam na naman ako ng pagsikip ng dibdib ko at pagdidilim ng paligid.Nagising na naman ako sa sahig. Hindi ko marinig si lola pero pinipilit niya akong patayuin.
Nang makatayo na ako ay nagulat ako dahil ang usok at sobrang init sa loob ng bahay namin.
"Lola, may sunog ba?" tanong ko.
"Oo, apo. Labas na tayo." may pagmamadaling sabi ni lola.
Hinila ako ng lola ko papalabas at nagulantang ako kasi andun pa yung sasakyan.
Pero hindi ko inaasahan na nasusunog ang buong street namin pati na rin daw ang kabilang street ay nasusunog.Naalala ko yung lugar ng inikutan nung sasakyan. Baka dahil siya paikot-ikot ay dahil dito?Tumawag na sila ng mga bumbero pero wala raw signal. Kung minamalas nga naman.
Mas lalong kumalat ang apoy nang pumutok ang kable ng kuryente.
Hindi na kinakaya ng ibang tao ang init kaya nagkakalapnos-lapnos na rin ang iba. Yung iba nga'y nasusunog na ang damit.Ilang oras na rin ang lumipas pero hindi pa rin naapula ang apoy at hingal na hingal na kami ni lola.
Yung iba naming kapitbahay ay hindi na humihinga. Nagkalapnos-lapnos na rin kami ni lola pero mas malala ang akin dahil yakap ko siya.Nakarinig ako ng ingay mula sa lupa, lumilindol pala. Ang second floor namin ay papahulog na sa amin kaya niyakap ko ng mahigpit si lola.
Nabagsakan nga kami pero bago pumikit ang mga mata ko'y nakita kong umandar ang sasakyan na nasa tapat ng street namin, maayos pa ito at walang gasgas.
--
Napapalakpak ako nang mapanood ang commercial naming magkakapitbahay. Ang galing! Parang tinalo namin ang thailand sa commercial making.
By the way, sasakyan talaga ineendorse namin.
"Lola! Ang galing mo umacting dun oh!" sabi ko sa lola ko.
"Syempre naman!" sabi ni Lola.
"Taray nung sasakyan, nagkamalas-malas na lahat ng tao sa buong street buhay pa rin yung sasakyan!" sabi ko.
Mahal yung sasakyan pero by the way, kaya wala tao dun sa commercial kasi pwede ka gumamit ng remote!

BINABASA MO ANG
One shots
Fiction généraleCompilation of one shots. Warning: Baka po madepress kayo sa oneshots ko HAHAHAHA puro po mga wrong grahams and weird stuffs :p