[5] Himlayan ng nakaraan

4 0 0
                                        


Aking nais balikan ang isang napakagandang himlayan kung saan andami kong masasaya at magandang alaala sa kanya. Ang aking puso't isipa'y hindi magkasundo kung ano ba ang dapat na pasya. Iiwanan ko na ba siya o Huwag nalang?

Isang taong binuo ang aking pagkatao. Naging daan at tulay upang magtungo sa transpormasyon. Hindi ko alam kung ako ba ay makikinig sa aking puso na ang daing ay ang huwag siyang kalimutan o kung makikinig ako sa isipang pilit siyang ibinabaon sa himlayan ng nakaraan.

Ang aking isipa'y pilit na pinagtatagpi-tagpi ang lahat ng masasakit na nangyari sa aming dalawa. Samantalang ang aking puso ay pilit na ipinararamdam na siya ay naging parte ng aking masalimuot na buhay. Ngunit, ako'y gulong gulo pa rin! Siya ay nakahimlay na pero bakit parang ang puso ko ang nananalo? Ang isipan ko nama'y unti-unti akong nilulugmok.

Ano na ang nangyayari? Hindi ko maintindihan kung bakit ganito... Masakit pero kailangan lampasan. Isa lamang itong pagsubok. Gustong-gusto ko siyang balikan at hagkan ngunit hindi pwede. Bakit.... Bakit sa dinami-dami ng pwedeng magdusa ay ako  pa? Bakit pilit ipinapaalala sa akin ng aking sarili na sa himlayan na iyon ay pwede siyang lumisan?

Pilit ipinapaalala ng aking puso ang isang babaeng masiyahin, mabait at hindi nalalayo sa lahat. Ngunit, dumating ang isang pagkakataon na siya ay nagkasakit at sumibol ang kalungkutan. Hindi siya inalagaan ng kanyang mga kalapit kaya siya ay unti-unting nanghina at nawala. Hanggang sa isang araw, isang babae ang lumitaw. Siya ay kinamumuhian ng lahat. Puno siya ng poot, kalungkutan at walang kaibigan.

Isang babae ang nahimlay sa nakaraan at isang babae ang nabuhay sa kasalukuyan. Ang babaeng nahimlay sa nakaraan ay walang iba kundi ang babaeng nabuhay sa kasalukuyan. Pilit kinalimutan ng kanyang isipan ang mga alaalang hindi na kailangan pang ibalik. Ang puso naman niya'y siyang mismong nagpapabalik sa dati nitong anyo ngunit hindi na maibabalik pa.

Mga oras at panahon niya'y hindi na maibabalik pa dahil ang dating siya ay nakahimlay na sa nakaraan. Kung siya'y makita mo man ngayon, siya sana ay iyong kausapin at huwag lilimutin dahil ang katulad niya'y minsan ding nasaktan.

One shotsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon