[9] Katok

5 0 0
                                    

August 17, 2019

Naririnig ko ang isang sigaw ng pasyente sa kabilang room. 'Di ko alam pero parang ito na yata ang naging alarm clock ko. Araw-araw kasi ay laging may dinadalaw ang mga doktor at nars sa mga katabi kong room.

Malamang ay kinukuhanan na naman ng bone marrow ang isang pasyente dito kaya sumisigaw ito sa sakit. Kahit naman sino, sisigaw sa sakit kung kuhanan ka ng isa sa mga parte ng katawan mo lalo na kung gising ka pa.

Sa lahat ng pasyente dito, ako nalang yata ang hindi dinadalaw. Minsan nga naghahalucinate na ako dahil sa mga gamot ko. Nakakainis. Hanggang kailan ako mag-iisa?

Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan. "Sir, kamusta po ang pakiramdam niyo?" tanong ng isang nars na babae. "Okay naman." sabi ko nalang. Tumango-tango ito at nag-iwan ng mga pagkain at gamot sa gilid ko.

Mas gusto ko dito sa ospital kaysa sa bahay sa totoo lang, dahil mas ramdam ko ang pag-aalaga dito kaysa sa bahay. Sa bahay kasi, lagi nilang iniisip na napaka-barumbado at napakawalang kwenta kong tao. Hindi ko alam pero ganyan ang approach nila sakin.

Ano ba ang rason bakit ako nabubuhay? Hanggang kailan ba ako dito sa mundo? Sana nga ay mawala nalang ako dahil mas mararamdaman mo pang may pake ang tao sayo pag wala ka na. Hanggang kailan ako dito?Gusto ko na mamatay minsan. Ayoko na dito. Ayoko na magdusa.

Habang nagmumuni-muni ay nakarinig ako ng katok sa pintuan ko mismo. 'Di ko sinagot dahil baka yung mga kapitbahay kong may sakit din yun. Mga loko-loko yun eh.

Maraming katok ang naririnig ko. Sobrang dami. Ah, hindi sila ito. Hanggang kailan ba ako pagtitripan ng mga namayapang ''to. Hanggang kailan ba nila ako tatantanan? Gusto na ba nila ako kunin?

"Hoy! Tama na yan!" sigaw ko sa kanila. Tumigil naman ito. Napatingin ako sa bukas na pintuan ko. "Sir? Sino po kausap niyo?" tanong sakin nung nars kanina. Malamang nasa kabilang room ito. "Mga kaluluwa nung mga namayapa dati. Katok ng katok eh. Pinagtitripan ako." sabi ko. Namula naman yung babae at sinarado ang pinto.

Hanggang kailan ba ako dito talaga? Hindi naman na ako gagaling eh. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng mahabang tunog mula sa isang machine. Masyadong malakas iyon at nakakabingi. Nakita kong pumasok si Alexander, ang kaibigan ko. Yung isang pasyente dito dati na sabi ng parents niya ay gumaling na siya. Umupo ako sa higaan ko.

"Uy, Alex!" magiliw kong sabi. "Uy, Torio!" sabi niya din. "Papakilala ko sayo si Chim chim, Brent at Cally" sabi niya. Pumasok ang mga ito at nagulat ako ng makita ko yung babaeng nagngangalang Cally. Sh*t! Patay na siya nung isang araw pa ah. Namatay siya dahil 'di kinaya nung katawan niya yung sakit niya. Cally pala pangalan niya.

"Alex! Patay ka ba o buhay?" tanong ko. Natawa naman si Alex pero bakas sa mata niya ang lungkot. "Patay na ako, Torio. Matagal na. Nung sinabi sayo ng parents ko na magaling na ako, nasa morgue nako nun. Ayaw ka nila masaktan." sabi niya na napangiti. "Teka! Bat kita nakikita? Pati si Cally?" tanong ko na medyo napapahawak na sa ulo ko.

"Kasi bro! Welcome to the family! Dedo ka na rin" sabi niya at tumuro sa life support kaya nagulat ako. "Paano?" tanong ko. "Once na makarinig ka ng maraming katok mamamatay kana. That's the sign! Pinaparinig namin sayo. Saka, Ayaw kasi naming makuha kayo ng iba kaya kumakatok kami 'pag malapit ng mamatay ang isang tao. You answered it din kaya samin kana talaga." sabi ni Alex.

Nagulat ako ng biglang pumasok ang nars kanina. Tumakbo siya sa kabilang room at pagbalik ay may kasama na siyang doctor. Nilahad ni Alex ang kamay niya sakin. Hinawakan ko ito at umalis nako sa pwesto ko kanina. Nagulat ako sa itsura ko. Ampangit ko na.

"Time of death: 8:36 am" sabi ng doctor. At dun na nagsimula ang di maipaliwanag na kalungkutan. Dadalawin ko nalang mga magulang ko sa bahay. Maglalakad na sana ako nung tinapik ako ni Alex. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang mukha. Ngumuso siya at nakita ko ang pamilya ko. Umiiyak at niyayakap ang katawan ko.

Sabi na eh, 'pag namatay ka na dun ka nalang maaalala ng mga taong pinahalagahan mo. Hindi ka na nila makikita. Sasaktan ka lang nila ng paulit-ulit kapag nakita ka nilang buhay.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon