July 19, 2019 (Tagal na neto sa ntbk ko😂)
Nagkalat na ang mga maalingasaw na basura sa mga kalye. Tila mga naliligaw ng landas ang mga basurang ito. Naghahanap ng sagot kung bakit napadpad sa isang landas na hindi naman dapat tahakin.
Mga taong tila nahipnotismo at nawala sa sarili. Kung saan-saan na nila tinatapon ang kanilang mga munting basura. Mga basurang pinakawalan ngunit maling landas naman ang tinahak. Ito ang dahilan kung bakit umuusbong ang pagbaha.
Pagbahang matagal humupa. Isinisisi pa ng mga tao sa baha ang kanila namang ginawa. Kung sana namang itinapon sa tamang lalagyanan ang mga mumunting basura ay wala sanang baha at walang sisihang nagaganap.
Mayroong mga paraan upang maging malinis ang ating kapaligiran. Isama na rito ang pagtatapon ng basura sa tamang lalagyanan. Kung papel ang iyong basura, maaari mo itong ihanay sa nabubulok. Kung plastik na bote ay sa 'recyclable' at kung balat ng tsitsirya, ay aa hindi nabubulok.
Maaari ding maglinis sa labas ng bahay ninyo upang hindi hanginin ang mga kalat papunta sa mga estero at hindi magresults ng pagbara ng kanal. Ugaliin ding huwag magtapin sa daan. Mas mabuting ibulsa na lamang ito.
Mga munting basura'y pakawalan sa tamang paraan para ating bansa'y umunlad pa. Mga basura'y hindi na muling maliligaw pa dahil tayo na mismo ang gumawa ng tulay para makamtan ang landas na kanilang tatahakin.

BINABASA MO ANG
One shots
General FictionCompilation of one shots. Warning: Baka po madepress kayo sa oneshots ko HAHAHAHA puro po mga wrong grahams and weird stuffs :p