[15] Electric Fan

1 0 0
                                    

10/09/21

Lagi kong nirereklamo sa nanay ko ang init sa kwarto. Kahit pindutin ko ang number 3 ng electric fan ay mainit pa rin. Sinubukan ko na rin linisin ang electric fan pero pumapatak pa rin ang aking mga pawis.Isang beses pagkatapos ko linisan ang aking electric fan ay tumutunog ito na animo'y tumatawa. Sinabi ko na ito sa aking nanay pero ipinagsawalang bahala niya lang ito.Kinagabihan noon ay ako'y pawis na pawis. Tumutunog ang bintilador na animo'y tumatawa. Tuwang tuwa na ako'y nahihirapan sa impyerno sa loob ng aking kwarto.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon