[2] Copy Cat

5 0 0
                                    

Warning: Baka madepress po kayo dito lalo. Ginawa ko po kasi tong mga ine shot nato nung malungkot ako eh.

Andito na naman sa silid ko ang aking kapatid na si Zoella. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Inakala ng marami na kami'y kambal. Paano ba naman ay kahawig ko siya, parehas ko pa ng fashion style, mahilig din sa red at marami pang iba. Kaming dalawa ay inseparable kaya akala nila talaga ay kambal kami.

Ang mga hobbies namin ay nagkakahawig din. Mahilig din siyang kumain, maglaro ng chess, makinig ng music at iba pa pero ang talagang pinagkakasunduan namin ay ang pagsusulat.

May ipinagkaiba rin naman siya sa akin. Siya ay famous samantalang ako ay hindi, Mahilig siya sa mga colorful pens samantalang ako ay hindi, magaling siya magdrawing samantalang ako'y hindi.

"Ate, anong sinusulat mo? One shot na naman ba?" tanong niya. "Oo" ang sagot ko na lamang. "Ay, hala! Baka naistorbi kita ate. Alis ma muna ako" sabi niya na hindi man lang ako pinareply.

Matapos ang ilang minuto kong pagsusulat sa aking lumang notebook ay ipinost ko na ito sa facebook. Iniwan ko ang cellphone ko sa kwarto at nagpunta lang ako saglit sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Ang init kasi sa kwarto ko. Pagbalik ko sa kwarto ko'y nagulat ako sa aking nakita. Nagulat ako dahil maraming nag-angry reacts qt mas lalo akong nagulat sa kanilang mga komento.

"Manggaya!"

"Copy Cat kang hay*p ka!"

"Ginaya mo yung work ni EyEy"

"Plagiarism is a crime!"

Nakuha ko ng makita ko ang pangalan ng account niya. Sinearch ko ito at nakita kong gayang-gaya niya ang lahat ng nakasulat pati ang time ng pagpost maliban lamang sa pen name. Siguro nung kakapost ko palang, dun niya na cinopy paste. Dito ko napatunayang copy cat nga siya. Sa mata ng mga tao, siya ang may akda. Sa mata ng mga tao, ako ang mali. Dito ko rin napatunayan na basta sikat, pipilahan ng marami. Kumakapit ang mga tao sa kasikatan ng isa. Masakit isipang Mas marami pa ang humusga sakin kesa abg umappreciate ng akda ko pero ang mas masakit ay kapatid ko pa ang nagnakaw ng akda ko.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon