[6] Man sailing in the dark

1 0 0
                                    

August 6,2019

"Okay class, sinong tapos na? pwede na kayong magsalita dito sa tabi ko tungkol sa mga pinaint niyo." sabi ni sir. Ang mga kaklase ko naman ay nagmadali na. Syempre nanguna na si Pinet dahil kahapon pa tapos ang kanya.
"Uhm sir.. Ito pong pinaint ko ay fauvism kasi gumamit ako ng bold and vibrant colors." dinig kong sabi niya kay sir.
"So, tell me something about the picture." dagdag pa ni sir.
"Yun pong picture is umuulan tapos may babae po, trees at streetlamp sa tabi. Yun po.. blablabla" sabi niya. Natapos na siya at sumunod na ang iba pa.
"Ampangit nung akin." dinig kong sabi ni Glacey habang pinipinta niya ang kanya. Napatingin naman ako sa aking obra. Tsk! Ang color white ay nagiging gray dahil sa tubig na sumasama sa paintbrush. Kinulayan ko na kasi ng gray kahapon yung canvas ko dahil akala ko ay pag nilagyan ko ng bundok ay magmumukhang foggy ang itsura ng aking painting. Mali pala.
Natapos ng maglahad ng aking ibang mga kaklase kaya nagrounds na si sir. Tinatanong niya kung anong style ang ginawa namin.
"Okay na siguro 'to." sabi ko sa aking sarili. Ang aking pininta ay impressionism ngunit nung una ay naglibot-libot muna ako para itanong sa aking mga kamag-aral ang style nung akin. Akala ko nga yung akin ay Expressionism ngunit hindi daw.
"Molly, ano 'tong akin? Expressionism naman 'to 'di ba?" tanong ko sa kanya.
"Huh? Eh, realistic naman yan ah. Impressionism 'yan. Ano ba 'to?" tanong niya habang tinuturo ang isang imahe. "Bangka at bangkero yan. Di nga masyadong kita eh." Kaya napag-alaman kong impressionism ang akin. Salamat sa tulong, Molly.
"Okay guys, may tapos na ba?" tanong ulit ni sir. Pumunta na ulit ako sa pwesto ko at niretouch ulit ang kulay white. Habang nagpipinta ay naririnig ko ang iba't ibang style na ipininta ng aking mga kaklase. Ang iba ay nag-abstract, impressionism, Fauvism, Dadaism at iba pa.
Natapos ko na ang akin at tapos na rin si Glacey. Ang napag-usapan namin ay magkasunod kami. Nauna ako. Sinabi ko na rin sa kanya bakit ito yung pinaint ko.
"Yung akin sir, Impressionism." sabi ko.
"Tell me a story about this painting." sabi ni sir at agad ko naman itong sinagot. "Eto sir, 'tong kulay white na 'to ay tulay, tapos sa baba, bangkero na hindi masyadong visible. Yung sa taas sir, moon and stars. Yung Bangkero sir, siya lang mag-isa na namamangka kasi it means na naa-outcast siya. Lonely rin siya. Kaya black sir yung ginamit ko kasi sir hindi na siya masyadong kita at parang invisible nalang siya sa tingin ng tao. Black rin sir kasi sad siya." sabi ko na medyo nanginginig-nginig na ang boses dahil sa aking nadarama. Pininta ko lang naman ang nararanasan ko.
"Tapos gabi sir kasi kapiling niya lang yung mga stars at moon." dagdag ko. Napatango-tango nalang si sir.
"May title ka bang ibibigay dito?" tanong ni sir.
"Siguro sir, Man sailing in the dark." sabi ko at tumango ulit si sir at sinabing next.
---
Uwian na at hindi ako masaya. Panigurado madi-disappoint na naman sa 'kin si Daddy dahil pintor siya. Nang nasa bahay na ako ay kaagad akong nagtanggal ng uniporme at iniwan ang aking sando at short na suot. Nahiga muna ako sa higaan at nakita kong pumasok na sa aking kwarto ang aking kapatid.

"Wow!" manghang sabi niya. Kinuha niya ito at pumunta sa kwarto ng aking mga magulang na katabing kwarto lamang.
"Ampanget. Masyadong maraming object" tanong ni Daddy.
"Parang pinaint lang na 'di pinag-isipan." sabi naman ni Mommy.
"Kanino ba 'to?" tanong naman ni Daddy.
"Pette kanino 'to?" tanong ni Mommy.
"Akin" sabi ko nalang ng malakas.
"Ay. Kaya naman pala eh" sabi ni Mommy.

Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang mga sinabi nila. Ang sakit. Talaga nga namang katulad na katulad ko ang nasa painting ko. Invisible ang mga efforts ko. Tinry ko naman. Mukhang ako nga ang Man sailing in the dark.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon