Warning: Baka madepress po kayo dito lalo. Ginawa ko po kasi tong mga one shot nato nung malungkot ako eh.
Nasa isang kwarto ako na binubuo ng mga mukha ng mga taong napasaya ko at natulungan ko. Nasisilayan ko ang kanilang mga matatamis na ngiti at ngiting parang wala ng bukas.
Sa kabila ng lahat, Unti-unting nagbabago ang aking mga nasisilayan. Unti-unti ring dumilim at ako'y nasa isang kulungan. Kulungan ng kalungkutan. Lahat sila'y nakatalikod sakin... Akala ko... Akala ko'y ako'y kanilang tutulungan makaahon sa problema ngunit hindi pala.
Nagmukha akong kriminal sa kanila at tinalikuran ako ng mga taong pinasaya't tinulungan ko. Dahil sa kagustuhang makalaya sa kalungkutan, ako'y tumakas. Ngunit, sa kabiguan ay nahuli ng pulisya at mukhang ayaw akong patakasin sa loob ng kulungan na ito.
Sa pangalawang pagkakataon, Ako'y nakatakas. Hindi nila napansin... Hindi nila napansin na ako'y muling nagbalik. Maraming nagbago, maraming nangyari na hindi ko nasilayan noong nasa loob ako ng kulungan ng kalungkutan.
Masaya sila na parang walang kulang sa buhay nila. Hindi nila napansin na sa loob ng ilang taon kong pagpapasaya sa kanila ay ako'y nakakubli sa itim na maskara. Itim na maskarang hindi agad mapapansin ang emosyon ng taong gumagamit nito.
Ang itim na maskara na tanging ako lang ang makakapansin sa emosyong pilit pinipigilang ipakita sa kanila dahil kapag naibuhos mo lahat ng ito, ikaw daw ay mahina.
Ang itim na maskara ang tanging nagprotekta sakin sa mukhang mapanghusga at ang aking totoong kaibigan.

BINABASA MO ANG
One shots
General FictionCompilation of one shots. Warning: Baka po madepress kayo sa oneshots ko HAHAHAHA puro po mga wrong grahams and weird stuffs :p