July 18,2019
Naranasan mo na bang ang iyong mensahe ay walang sagot? Walang sagot maski tuldok o kuwit o tandang pananong. Kirot ba'y kumapit sayo ng ito'y maranasan mo? Nagtatanong ka sa iyong sarili bakit hindi nila binasa ang mensahe. Mensaheng libo-libong salita ang ibig sabihin.
Nakararamdam ng pagdurusa sa bawat mensaheng sinulat. Ngunit, iyo lamang malalaman na ito'y hindi binubuklat ng nino man. Mas dumagdag ang kirot at pagdurusa dahil naramdaman mong walang tumatanggap sayo. Bakit hindi nila napapansin ang mga mensahe mo?
Tila isa kang hangin na padalos-dalos na lamang sa kung saan-saan. Hangin na nararamdaman ngunit hindi nakikita. Mga mensahe mo'y walang nakakabasa dahil walang may gustong bumasa. Mga gustong iparating na hindi mo na maipaparating pa. Dugo't pawis ang iyong sinayang para lang sa mensaheng walang nagbubuklat.
Kung ang mensahe'y binuklat ay Iisipin lang nila na ika'y nagkukunwari lamang dahil hindi ka nila kilala. Nakasuot ka lamang ng maskara na hindi maaninag kung sino ka talaga. Walang makakaintindi sayo dahil hindi naman nila binuklat ang mensahe mo. Ika nga nila'y wala kang kwenta, mensahe mo pa kaya.
BINABASA MO ANG
One shots
Fiksi UmumCompilation of one shots. Warning: Baka po madepress kayo sa oneshots ko HAHAHAHA puro po mga wrong grahams and weird stuffs :p
