[8] Not enough

1 0 0
                                    

August 17, 2019

Ngayon ay sabado at cards out na mamayang 7:30-10:00. Nagising ako kaninang 5:50 dahil sa init sa aking kwarto. Malaki nga ang electric fan pero mabagal naman umikot ang elisi nito.

Nagpunta ako ng kusina at nakita kong may tao na dito. Si Mama. Naupo ako sa silyang bakante. Nagtimpla ako ng kape. May napansin akong kakaiba. Walang pandesal o kahit ano mang nakahaing pagkain.

"Ma, wala tayong pandesal o kahit ano?" tanong ko. Napahinto naman si Mama sa pag-inom ng kape. "Eh kung nagtatrabaho ka sana, edi may pagkain ka." bakas ang tono ng paninisi ni Mama dito. Napayuko naman ako at hindi na nagreklamo.

Nang pumatak ang 6:00 ay sinabi ko kay Mama na cards out mamayang 7:30 hanggang 10:00. "Ma, cards out pala mamayang 7:30 hanggang 10:00. Samahan moko, Ma" sabi ko. Nagpapasama ako dahil baka hindi ko makuha ang card ko dahil walang kasamang parent. Nangyari na sakin 'to last year eh. Hindi ko nakuha ang card ko dahil walang kasamang parent.

"Sige." sabi ni Mama kaya natuwa ako. Pagpatak ng 7:00 ay nagpalit na 'ko ng damit. Mas maganda at kanais-nais tingnan kung pormal ka magsuot ng damit.

7:10 kami umalis ng bahay kaya medyo maaga rin kaming nakapasok sa eskwelahan. Medyo kinabahan ako nang makita ko na ang aming building. Bukas na rin ang pintuan kaya panigurado andun na si Ma'am.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room ay marami-rami ng parents ang nakaupo sa aming mga silya. "Hi mommy! Upo po kayo." magiliw na pagbati ng aming adviser sa aking nanay. Ngumiti si Mama at naupo. Nagbless naman ako kay Ma'am at lumabas muna para hintayin ang iba kong mga kaklase. "Alam niyo po ba, 'yang anak niyong 'yan ay napakabait, napakamasunurin, at napakatalino pa. Ang swerte niyo po." pagpupuri sa akin ni Ma'am. Andaldal talaga ni Ma'am kahit kailan. Dinig na dinig hanggang sa labas.

Nakita ko na ang iba kong mga kaklase kaya kinawayan ko sila. Agad-agad naman silang umakyat pataas. "O my goshieee! Nasa rank kaya ako?" tanong ng isa kong kaklase. "Oo naman." sagot ko. Kinakabahan din siya katulad ko.

Nagsasalita at namimigay na si Ma'am ng mga cards sa mga parents kaya medyo kinabahan ako. "Carl! Congrats sayo" sabi ng kaklase ko sakin. Tumingin naman ako sa TV kung saan nakaflash ang mga grades namin.

With High Honors
De guzman, Carl B. - 95.75
With Honors
Antonio, Leo C. - 92.55
Angeles, Bylee R. - 93.75
Briones, Angela D. - 92.00
Bartolome, Earl C. - 92.75
Cislap, Andrea J. - 91.75
Crisostomo, Guillane S. - 90.00
Crisostomo, Gilbert C. - 94.90
Dimaano, Bella G. - 90.00
Francisco, Lyanna J. - 93.50
Gonzales, Frederick N. - 94.00
Ilao, Neo V. - 94.00
Lee, Ji Hyeon - 91.00
Mendoza, Kylee D. - 91.00
Ong, Ivan S. - 92.00
Rosales, Rio D. - 90.00
Villeza, Harmony L. - 91.50

Ako ang With High! Ako lang mag-isa. Binigay ni Ma'am ang photocopy ng card sa amin. Pipirmahan nalang daw ng parents ang totoong card. Ang saya ko ngayon. Thank you lord!

Umalis na kami at hiniram ni Mama ang pinoto copy na card.  Habang naglalakad sa daan ay hindi ko ineexpect ang kanyang sasabihin.

"Bakit ambaba ng math mo? Tignan mo 90 lang oh." sabi ni Mama. Mahirap naman ang math ah. Tsaka 'di naman ako katulad nung iba kong kaklase na nagkopyahan sa math.

"Ampangit ng grades mo. Hindi ko gusto 'yan. Wala ka na ngang matulong maayos sa bahay, pati ba naman sa eskwelahan ganyan ka." sabi ni Mama. Iniwanan niya na lang ako sa daan at tulalang nakatingin sa photocopy ng card.

'Di pa ba sapat yung effort ko? 'Di pa ba sapat na ako na yung nangunguna sa ranking? 'Di pa ba sapat yun? Naiinis ako... Bakit ba laging ganyan si Mama? 'Di ba siya proud sakin? Bakit ganyan ang tingin niya sakin? Porket ba siya ang nagunguna sa ranking nila noon pagdidikitahan niya na ako... Ang sakit... Not enough efforts lang yata lahat...

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon