[4] Pusong tinarak ng matatalim na salita

1 0 0
                                    


Ang ating dila'y malambot lamang ngunit kung iyong ihahambing sa mga salitang sinasabi natin ay ito'y parang tinarak ng isang punyal. Sobrang sakit ang iyong mararamdaman. Ang puso'y nawalan ng likido ng pag-asa at mahirap ng ibalik ang dating kaayusan nito.

Nagdaramdam ang pusong tila hindi na gagaling pa. Hirap sa paghinga at tila hindi na mababalik pa ang likido ng pag-asa. Sa kadahilanang ang puso'y tinarak ng matatalim na salita. Masakit at parang hindi na gagaling pa. Mga salitang iyo'y binitawan na hanggang ngayon ay tinatakot at ayaw umalis sa aking utak.

Sinabi mo sa akin na ang kasakiman lang ang alam ko. Bakit hindi mo napapansin? Bakit hindi mo napapansin na pilit kong binabago ang ugaling hindi ko naman talaga gusto? Bakit ikaw lang ang nakakapansin na ako'y sakim? Sa aking paaralan ay ibang-iba ako. Maingay at masiyahin. Nakikipag-usap at nakikipagkaibigan sa mga kaklase. Samantalang sa bahay ay wala akong matinong ginawa.. sa iyong paningin. Ako ang puno't dulo ng away sa aming magkapatid. Na ako dapat ang umintindi.

Ako'y umintindi pero bakit hindi ninyo ako iniintindi? Masakit ang inyong mga salitang binibitawan pero hindi ninyo nababasa ang mga linya sa loob ng aking isipan. Minsa'y gustong kitilin ang aking buhay dahil ayaw ninyo akong pakinggan. Ako'y nagpapasalamat sa mga kaibigan na patuloy na tumutulong himlumin ang butas sa aking puso na kayo mismo ang may gawa.

Ang pusong tinarak ng matatalim na salita pero tuloy lang at hindi susuko. Masakit pero hihilom din. Ngunit, hindi mo na maibabalik sa dati pang anyo ng puso. Nagbago na ito at kaunti na lang ang pagkakapareho dahil paulit-ulit ang sakit na tumatama sa pusong nakararamdam ng hapdi at lumbay.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon