June 25, 2019 (Tagal na netong nakaipit sa ntbk ko😅 entry ko sana sa lathalain nun kaso ende ako napili eh kaya post ko nalang here haha)
Nagtatanong sa roleta ng pag-ibig kung bakit sa dinami-dami ng lalaki ay ikaw pa ang pinalad. Parang sinadya yata ni kupido na ikaw ang lalaking makadaupang palad ko. Akala ko'y magngingit-ngit sa galit ngunit luwalhati ang ipinalit.
Sa tuwing ika'y nakikita, para kang isang bituing nagliliwanag sa aking mga mata. Tila sinungkit mo na nga ang aking mga mata dahil hindi ko mapigilang hindi ka titigan. Para kang anghel dahil sa angkin mong ugali. Napakabait. Labis ang aking tuwa kapag ako'y iyong kinakausap. Parang musika sa aking tenga ang iyong tinig.
Sa tuwing ikaw ay kasama, para akong payaso na abo't tenga ang saya. Nagtataka nga ako. Simula mang dumating ka sa buhay ko, sari-saring emosyon ang nadarama ko. Parang kinukulong sa kalungkutan kalag may kasama kang iba at larang nasisilaw sa liwanag naman kapag ako'y iyong nginingitian.
Para kang isang diyamante ma dapat pahalagahan at panatilihan ang kaayusan. Hindi ko mawari sa aking sarili kung bakit nga ba ako nagkakaganito. Hindi ko lubusang maisip kung paano nagsimula ang lahat ng ito? Kasalanan mo ito kupido!
Nagsimula sa pagtatanong, nagtapos pa rin sa pagtatanong. Pero nagpapasalamat pa rin ako kay kupido dahil pinakilala ka niya. Hindi niya ako hinayaang maging isang yelong matigas dahil ang lalaking ito ang unti-unting nagpapatunaw sa yelong ito.
BINABASA MO ANG
One shots
General FictionCompilation of one shots. Warning: Baka po madepress kayo sa oneshots ko HAHAHAHA puro po mga wrong grahams and weird stuffs :p
