[12] Special Day

1 0 0
                                    

06/21/22

Nagising si Ayesha sa simoy ng hangin. Sinalubong siya ng malamig na hangin. Napayakap siya sa sarili at pinagmasdan ang kanyang paligid. Napaisip siya kung ano ang pwedeng gawin ngayong araw na ito dahil ang araw na ito ay espesyal sa kanya. 

 Nagbihis siya ng summer dress na kulay rosas at ipinaibabawan ito ng denim jacket. Nagsuklay na rin siya ng kanyang kulot at kulay asul na buhok. 

 Dahil espesyal sa kanya ang araw na ito ay labis niyang ginandahan ang disenyo sa paligid. Naglagay siya ng table mat at naghanda siya ng Earl Grey Tea at nilagay ito sa apat na tasa. Naglagay rin siya ng mga plato na may cookies at iba't ibang klase ng tinapay. 

 Lumabas siya ng kanyang bahay at inayos ang kanyang hardin. Tinanggal niya ang mga halamang tuyo na at diniligan ang ibang bulaklak.Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang bahay at umupo sa upuan.

"Salamat sa paghihintay!" sabi ni Ayesha sa harapan ng lamesa at humigop ng tsaa. Wala siyang ibang kasama sa silid maliban ang kanyang sarili. 

 "Ang araw na ito ay napakaespesyal sa akin dahil ang araw na ito ay ang araw kung kailan ko kayo pinagpapatay" nakangiting sambit ni Ayesha.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon